Chapter 39 CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: "Mr. Big?" tawag ko sa kanya. Dahil may meeting siya kasama sina Vincent at Samson dahil sa gagawin nilang project sa Makati kaya ako na ang nag prisinta na asikasuhin siya. "Hmmm–" "Bakit may pasa ka?" tanong ko. May napansin akong pasa sa may binti niya kagabi dahil nakaboxer lang siya matulog, minsan wala siyang saplot dahil naiinitan siya. Tapos ngayon meron na namang pasa sa may braso niya. Wala naman ito kagabi o talagang hindi ko lang napansin? "Where? Hindi ko napansin, my little miss," aniya. "Ito… ito… at may nakita ako sa may legs mo pa kagabi, hindi ba yan masakit? Binugbog ka ba? Hala! Wait! Don't say ako ang gumawa nyan sa'yo? Habang ano ah… nag-aano tayo?" nauutal ko na tanong at ang loko ngumisi lang. "Nag-aano tayo?" "Alam

