Chapter Nine
Napahinto ako sa pagsunod kay Gray nang lumiko siya sa isang lumang gusali dito sa school. Tahimik ko siyang sinundan. Huminto ang mga paa ko nang makita si Gray na nakaupo sa isang swing. Nakatutuk ang mata niya sa cellphone.
Humawak ako sa tapat ng puso bago buong lakas na sumigaw, “Beh!” Nanlaki ang mata niyang lumingon sa ’kin.
Naglakad ako papalapit sa kanya. At umupo na rin sa katabing swing. Ngayon ko lang natuklasang may ganito palang lugar sa school nato.
“Bat mo ’ko sinundan?” tanong niya.
Bigla nalang nawala ang mga ngiti sa labi ko. Hindi ko alam kung maiiyak na ako dahil sa malamig na asta niya.
“Beh, gusto ko lang sabihing mali ang pagkakaintindi mo kanina. Si Rian nga talaga ang gusto ni Nigel.” paliwanag ko sa kanya. Sa pag-aakalang 'yon ang dahilan kung bat ganito siya umasta.
Bumaling siya sa ’kin. “Alam ko,” tipid na sagot niya.
“E, ba’t ka umaasta ng ganito?Dahil ba sa naging abala ako sayo? Noong sinumpong ako? Naguguluhan na kasi ako.” Konti nalang talaga tutulo na ang mga luha ko.
“Hindi, magiging ganito ako---”
*Ring
Naputol ang pagsasalita niya nang tumunog ang cellphone niya. Agad niya namang sinagot ang tawag.
“Okay...yes...pupunta na kami.”
Bumaling siya sa akin. “May practice at kasali ka na.” Malmig niyang wika.
Naglakad na kami papunta sa music room. Hindi pa rin mawala sa isip ko. Kung ano nga ba ang dahilan. Pagod na ba siya? Nang makarating sa music room . Agad kaming sinalubong nila Miss.Villa .
“Naku bro, nag wa-walk out pa kasi, masyadong seloso,” pang-asar ni Jeff. Hindi ko magawang ngumiti. Iniisip ko pa rin kasi ang kanina.
“Naku LQ? Kasalanan mo to Nigel!” Binatukan ni Jeff si Nigel.
“Shut up!” Natigilan ang lahat at tumingin kay Gray, hindi ko maimagine noon na may ganito siyang side. Ngayon, nakikita ko na mismo. Ang cold niya.
“What’s wrong Gray?” tanong ni Miss Villa. Umiling lang si Gray, bumuntong hininga na lamang ako bago umupo sa isang pabilog na upuan. Ganoon din ang ginawa nila Jeff, magkatabi sina Jeff at Nigel habang katabi ko si Gray.
“Pag-aralan niyo 'to.” Isa- isa kaming binigyan ni Miss Villa ng copy ng kanta.
“I will give you 30 minutes to familiarize the song ang rehears it. Pagkatapos magpeperforn kayo sa harap ko,” aniya. Tumango kami.
Rian Blythe Solitario
Nakatitig ako sa screen ng phone ko. Waiting for the text of Gray. Pero wala. Baka busy lang. Tsk! Ang tagal kasi mag text. Kanina pa ako naghihintay. Naghahanap nga pala sila mg female lead. Kaya siguro, hayts .
“Rian!”
“Miss Rian!”
Napalingon ako, oh my! Kanina pa pala nila ako tinatawag. Tsk! Masyado ’ata akong natulala. Kakatitig sa cellphone ko.
“Sorry Mrs.Vilaflor”
“Tsk! Focus, malapit na ang event. We need to improve our presentation. Kaya girls, one more time. Practice na naman tayo”
Tumayo na kami. Magpapractice na naman kami ng sayaw. But still okay lang. Alam kong ganito rin naman si Gray ngayon. He's busy practicing there song.
“Tsk! Poor Rian, your waiting for someone else messege again?” Umirap si Noreen. Dinaanan ko lang siya at nag flip hair, bago nagsalita.
“Yes, I'm waiting for someone else messege. How about you? Your waiting for someone who can messege you?” I sarcastically said. Again, talo na naman siya. Padabog siyang umiwas ng tingin at inikot ang mata.
Nagsimula na ang practice. Nakakainis man pero kailangan pakisamahan ko siya. Dahil, kanina matapos ang meeting ni Mrs. Vilaflor, inanounce niya na dalawa raw dapat ang leader at si Noreen ang napili niya. Tsk.
Lian Blythe Solitario
A moment of silence....
Kami nalang dalawa ni Gray dito, dahil si Jeff at Nigel ay abala sa pag-eensayo, at para makaperform ng maayso dapat aralin muna namin ni Gray ang kanta.
Walang ni isa sa aming dalawa ang nagsalita. Bumuntong hininga ako. At pumikit saglit, bago tuluyang nagsalita.
“Beh, aralin na natin ang kanta,” panimula ko. Tiningnan niya ako at tumango.
“Beh, galit ka ba? Na ba ka masira ko ang presentation niyo?”
“No,” tipid na sagot niya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Simula nung araw na pinapunta siya sa bahay ni mama dahil sa sakit ko. Bigla nalang siyang nagkaganito. Takot na ba siya sakin. Or kaya sawa na ba siya sa ’kin?
“Beh, lalayuan mo na rin ba ako? Naiinis ka na ba sa ’kin. Dahil sa sakit ko?” Pumiyok ako, yumuko nalang at tuluyang tumulo ang mga luha. Hindi ko siya magawang tingnan. Hindi ko gustong marinig kung ano man ang isasagot niya. Takot ako, takot akong malaman ang dahilan.
Hindi ko siya magawang tingnan mata sa mata. Ayaw kung makita na naman niya ang pag iyak ko.
“Kausapin mo nalang ako pag okay ka na.” Pinahid ko ang mga luha. At walang pasabing lumabas sa music room.
“Anyare dun?”
“Rian!”
“Rian okay ka lang ba?!”
Narinig ko ang mga tawag nila Miss Villa, Jeff at Nigel. Pero Hindi ako lumingon. Nagpatuloy ako sa paglalakad papalayo.
Aston Gray
Naiwan akong tulala. I'm f*****g idiot. Hindi ko naman ginustong saktan si Lian. Pagnasaktan siya, masasaktan din si Rian. Pano nga ba makipaghiwalay sa kanya? Nang hindi siya masasaktan?
“Gray, anong nangyari sainyo?”
Si Miss.Villa
“Ikaw kasing bro, yan tuloy. Nag-away sila dahil sa selo---”
Hindi natapos ni Jeff ang pagsasalita. Nang tinitigan siya ni Miss Villa. Lumabas silang dalawa ni Nigel.
“Gray, kung ano man ang problema ninyo. Please set aside niyo muna. Be mature, kailangan natin 'tong presentation to be perfect. Tayo rin naman ang makikinabang,” wika ni Mrs. Villa
Hindi ako nakasagot. Naiwan lang akong mag isa sa music room. Mas mahihirapan pa yata ako. Si Lian ang female lead, paano na si Rian? Hindi ko gustong malaman niya. Dahil alam kung hindi siya papayag. At ayaw kung masira ang presentation. Pero paano na si Rian?
“Bro, basta promise di ko talaga gusto si Lian.” Lumingon ako kay Nigel. I just smirked.
“Bro, hindi mo ba susundan si Lian?” si Jeff.
Hindi ko sila pinansin at lumabas na sa music room. Ayaw kong magsinungaling kay Rian. Pero pero hindi ko gustong Hindi matuloy ang presentation. Kung nakakakanta lang siya. Siya nalang sana ang naging female lead. Hindi na sana ako mahihirapan pa.
Vicia Moon
Tinawagan ko si Lian. Naiinip na ako rito sa room, siguro magkasama sila ngayon ni Miss Villa.
“Hello bes nasaan ka ngayon?”
“Bes”
“Teka, umiiyak ka ba? Nasaan ka ngayon?” agad na tanong ko. Anong nangyari sa kanya?
“Sa library....”
Pinatay na niya ang tawag, agad akong naglakad patungong library. Dahil sa pagmamadali hindi ko na napansin ang mga tao. Umiiyak kasi si Lian, alam ko 'yon at halata sa boses niya. Sana oka---- “Aray!” Napahawak ako sa noo ko, isang matigas na bagay ang nabangga ko. Dahan-dahan akong tumingala. Nanlaki ang mata namin pareho.
“Ikaw!?”
“Ikaw!?” sabay naming sigaw at tuinuro ang isat isa.
“Stalker ba kita?” Pinanlakihan ko siya ng mata.
“Stalker? Aba stalker mo mukha mo. Mukha kang unggoy!” asik ko at inirapan siya bago nagpatuloy sa paglalakad.
Nagulat ang mga studyante sa nasaksihan. Nagsimula silang magbulungan. “Inaway niya papa Nigel natin!” Muntik na akong masuka dahil sa malalanding boses nila. Yuck.
Nang makarating ako sa library nadatnan ko si Lian. sa likod ng shelves. Umiiyak, gumuhit ang awa sa mata ko. Lumapit ako sa kanya at yumakap.
“Bes, anong nangyari?”
Tiningala niya ako at mapaklang ngumiti. “Bes, h-hindi ko na k-kaya. Ta-takot akong pati si Gray ay layuan na ako.”
Parang tinusok ang puso ko sa sinabi niya. Mas lalo siyang masasaktan pag nalaman niya ang totoo. Gustong-gusto kong sabihin sa kanyang, ‘niloloko kalang niya.’ Pero hindi ko kaya. Baka mas lalo lang siyang masaktan.
Humagulgul siya, kinuyom ko ang kamao. Habang madaya sila Gray at Rian nandito si Lian umiiyak. Ano bang dahilan nila. Bat nila ginagawa to kay Lian?
Naging mabuting kapatid si Lian. Naging mapagmahal na girlfriend kay Gray. Ta’s sasakyan lang nila si Lian. Bestfriend ko siya kaya kung masasaktan siya, masasaktan din ako. Ang sakit lang isipin. Na ang mga taong mahal mo. Sila pala ang nanluluko sa ’yo.
“Shhhhh...bes maaayos din ang lahat ng to. Alam kong magiging okay ang lahat.” Mapakla siyang ngumiti. “Sana nga, bes.”
Hindi ko na matiis, hindi ko na kayang magbulag bulagan nalang kahit alam ko. Kahit may alam ako. Kakausapin ko bukas si Rian. Dapat itigil na nila ang kabaliwang ’to.
*******