Chapter 5

2422 Words
Chapter Five Rian Blythe Solitario Masaya ako dahil nandito si Lian. Nagpapagaan sa loob ko. Ang sakit lang isipin na ako mismo ang magiging dahilan kung bakit masasaktan siya. “Pag 'yang iniyakan mo nakita ko in person. Naku! Black eye talaga sa 'kin 'yan.” Natawa ako dahil sa sinabi ni Lian with pakita pa sa braso niya. “Hahahhahahaha” Sa gitna mg tawanan may biglang kumatok sa pinto. Binuksan ko ito. At nakangiting tumambad sa aming dalawa si Mama. “Yieee magiging close na ulit ang dalawa kong prinsesa.” Nagkatinginan kaming dalawa ni Lian sa isat isa. At nakangiting lumapit kay Mama. “Ma, syempre lahat naman po ng pagtatampo ay mauuwi sa pagkakaayusan. Atsaka hindi ko matiis 'tong si Lian.” “Masaya ako sainyo anak. ” Nagyakapan kaming tatlo. Habang naglalakad kami patungo sa dinning area. Todo daldalan lang kami. Kahit anong topic. May tungkol don sa manliligaw ko kuno. Na hindi pa nila nakikilala. May tungkol sa stay strong daw na relasyon ni Lian at Gray. Hindi ko nalang inisip ang nangyari sa amin ni Gray. Pinasawalang bahala ko muna. Sa ngayon, mag e-enjoy ako. Nang hindi man lang iniisip ang sitwasyon. “Kumain muna tayo girls, dahil pagkatapos...” Ngumiti si mama, sinadya niyang hindi ituloy ang sasabihin. Para rin siyang teenager na sumasabay sa amin ni Lian. “Ma, pa thrilling talaga?” singit ni Lian. “Secret muna.” Aba may pa secret pang nalalaman si mama. Bumusangot kami pareho ni Lian. At sa 'di inaasahan sabay pa kaming nagsalita. “Ganyan ka naman parati eh.” “Ganyaan ka naman parati eh." Nagkatinginan kami ni Lian sa isat isa. At humalpak sa pagtawa. “Whahahhaah magkambal nga talaga kayo.” Dahil sa sabik kaming nalaman ang secret na sinasabi ni Mom. Halos sumali kami sa racing dahil sa bilis naming kumain. Isa...dalawa...tatlo...apat Sunod sunod na pagsubo ko. Pati na rin si Lian. “Hinay hinay lang,” saway ni mama. Napangiti ako sa isip. Ngayon ko lang ulit nakita ang ganitong side ni Lian. Kung na sa school kasi ang hinhin niya. Tapos halos hindi nagsasalita. “Ma, 'yung secret sabihin mo na,” ani Lian nang matapos kaming kumain. Dinala kami ni mama sa salas. “Girls, dahil hindi naman ako busy. At lalong wala kayong ginagawa. Hmmmmm? mag movie marathon nalang tayo.” “Agree ako d'yan ma!” Naupo kami sa sofa. “Wait, muna kukunin ko lang ang pop corn.” Naglakad ako patungong kusina. At kinuha ang bowl ng pop corn. "Lian, Rian Unbreakable ang papanuorin natin." Tumango ako. Wala namang makakapigil kay mama. Idol niya si Richard Guitierrez . Kahit mas bet ko si Dylan Wang; Evernight o meteor garden nalang sana. Pero okay na rin. Bet ko rin naman si Richard slight. Sinalang na niya ang CD. Ang storya ay iikot sa dalawang magkaibigan na sina Mariel Salvador( Bea Alonzo ). Isang responsabling IT student. Makikilala si Deena Yambao ( Angelica Pangilinan). Ang babaeng opposite sa ugali ni Mariel Salvador. Si Deena na hindi kayang mabuhay nang walang boyfriend kung baga. Naging matalik sila na nagkaibigan. Wala na yatang makakatibag sa kanila. They are 'Unbreakable'. Fast forward to 2012, Si Mariel ay ikakasal sa isang mayamang photographer at business man. Na si Justin Saavedra ( Richard Gutierrez). Isa nang nurse si Deena sa Norway. Umuwi siya upang unattend sa kasal ni Mariel. Nakilala naman niya ang nakakatandang kapatid ni Justin na si Bene ( Ian Veneracion ). Nahulong agad ang loob niya rito. Habang si Helen ( Gloria Diaz ) na nagkokontrol o ang kasunod sa pamilya. Hindi niya gusto so Mariel. Mas gusto niya si Deena. Na magiging simula nang pagkaggulo, at pagkalayo nila sa isat isa. Nang matapos na hindi ko maiwasang hindi maiyak. Ang ganda kasi ng story. 'Yon bang friendship over lover. Naiyak din naman sila Mama at Lian. Kahit ilang ulit na itong binalik balik naming panoorin naiiyak pa rin ako. “Ma, paano kaya kung mangyari sa'kin 'yan.” Napalingon ako kay Lian. Bigla nalang bumigat ang dibdib ko. "Ano ka ba anak, hindi nangyayari sayo 'yon.” Ngumiti si mama habang tinatapik si Lian. "Sa tingin mo sis?" Tumango ako at mapaklang ngumiti. "Oh, tama na ang drama nandito na ang surprise" Nawala ang lungkot sa aming mga mukha. At napangiti ng todo. May pa blindfold pa si mama. Hayaan na nga lang natin. Bumilang siya ng lima. “1...2...3...4...5 kunin niyo na ang panyo!” Kinuha na namin ang panyo. Nanlaki ang mga mata namin sa nakita, at patakbong niyakap ang lalaking natanaw namin ngayon. “Papa!” Todo na ang ngiti ko. “Pa, akala ko next year ka pa uuwi?” Para kaming mga bata ngayong hindi mapabitaw kay papa. “Gusto ko lang naman surpresahin kayo mga anak,” sagot niya kay Lian. Nakangiting lumapit si Mama sa amin. At sumali sa aming yakapan. “Hon, pinanood mo na naman 'yong Richard Quitierrez. E, 'di hamak na mas gwapo ako don.” With pa pogi pa ni papa. Napatawa nalang kami ni mama. “Wahhaahah si papa talaga.” Ginulo lang ni papa ang buhok ko. “Hay naku, Emmanuel, ang tanda mo na. Naku di na bagay na magpapogi pogi ka d'yan.” Natawa ako kila mama at papa. Para kasi silang teenager na nag aasaran. Pero nakakakilig panoorin. “Hahaahaha, hon kumain nalang tayo.” “Sige na nga gangster!” Mas napatawa pa ulit kami ni Lian at napaapir sa isat isa. Naalala ko tuloy ang kwento ni mama noon. Nakilala raw niya si papa dahil siya ang student council president. At 'tong si papa dakilang gangster. Si mama lang ang nagpatino sa kan'ya. Hanggang sa umibig sila sa isat isa. Yieee kinikilig ako. Habang kumakain, Todo kwentohan kami. “Anak aral muna ha, 'yong boyfriend mo nga pala gusto ko ulit makita,” si papa. “Sure po pa, papupuntahin ko siya dito sa linggo po siguro,” saad ni Lian. Ano kaya ang mangyayari pagnalaman nila na ginawa lang ni Gray ang lahat dahil sa'kin? Na hindi niya talaga mahal si Lian? Nang matapos kaming kumain. Kwentohan muna konti tapos nang inaantok na kami. Umakyat na kami sa kanya kanyang kwarto. Pagkadating ko sa kwarto. In-open ko ang loptop. Nag f*******: ako, pag open ko palang may 20 message na ako galing kay Gray. Napabuntong hininga ako at tiningnan iyon. Sorry na please. Love, mag reply ka naman. galit ka parin ba?. love alam ko namang ayaw kong matapos ang araw nang hindi tayo nagbabati. love pati ba naman dito hindi ka rin nagrereply. Nakailang tawag na ako pero naka off ang cellphone mo. Love pakinggan moko please- Hindi ko tinapos ang pagbabasa sa iba pang message. Ayaw kong maalala na naman ang naging sagutan namin. Please, tantanan mo muna ako kahit ngayon lang. Naging masaya ako. Ipagkakait mo ba sa'kin? Ipapaalala mo na naman ba? Reply ko. In-off ko na ang loptop. Napapikit nalang ako. At huminga nang malalim bago humiga sa kama. Maaayos din ang lahat ng 'to. Aston Gray Sandoval Makatulog ako sa kakaantay sa reply ni Rian. Hindi ko kayang hindi naaayos ang problema. Hindi ko kayang matulog na may sakit na dinaramdam. Naalimpungatan ako ng tumunog Ang ringtone ko. Agad kong sinagot ang tawag. Si Lian . “Hello, beh okay kalang ba? May problema ka yata. Basi sa expres’yon na nakikita ko.” “Okay lang ako, beh. Don't worry.” “Sige, kung may problema ka. free akong kaysapin. Sige natulog ka na. Baka mangayayat ka kasi ang tagal mong matulog. Goodnight love you.” Mahabang saad niya. Hindi ako nakatugon. Pag may problema raw ako free siya. Paano kung sabihin jong may problema kami ni Rian? Ang bobo ko naman pagsinabi ko 'yon. “Hello beh, nand'yan ka pa ba?” saad niya. Hindi ko siya magawang sagutin. Parang napipipi ako “Oo, bye na.” Tipid na sagot ko. Sabay ng pagputol sa tawag. Sigurado akong kamumuhian niya ako pagnalaman niya ang lahat. Sigurado akong hindi lang siya ang masasaktan. Mapupuno ng lait si Rian. Kahit hindi nila alam ang tunay na dahilan. Ikakahiya ako. Wala akong pakialam kung ako man ang kamuhian ng lahat. Wag lang siya...wag lang si Rian. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kanina. Nandito kami ngayon sa secret swing na laging tagpuan namin ni Rian. “Mahal mo na ba siya?” puno ng emosiyon ang mga mata ni Rian. “Hindi nagkakamali ka, ikaw lang ang mahal ko. At ang mamahalin ko.” Umiwas siya ng tingin. “Hindi ko mapigilang hindi maghinala Gray. Magkamukhang magkamukha kami! Mabait, matalino, mahinhin siya! Hindi na ako magtataka kung maiinlove ka sa kanya!” Hindi siya nakatingin sa ’kin. Nakatutok ang paningin niya sa punong nasa gilid. “Love, please makinig ka. Hindi ko siya magugustuhan.” Sinubukan ko siyang yakapin ngunit kumawala siya. “Hindi mo nireplayan ang text ko. Palagi mo nalang sinasabing naghahanap ka ng tyempo. Hanggang kailan pa ang tyempong sinasabi mo?!” “Nawala ang cellphone ko. Please naman love makinig ka. Gaya nga ng sinabi mo. Hindi mo gustong masaktan si Lian. Pero imposibleng hindi siya masaktan.” Pinahid niya ang mga luha at nilingon ako. “Alam kong masasaktan siya. Sa tingin mo ba siya lang ang masasaktan?!” Tumayo siya sa swing at iniwan akong tulala. Agad ko naman siyang sinundan. Habang naglalakad sa hallway. “Gray, sa ibang araw nalang tayo mag-usap. Please wag ngayon.” Nagpatuloy siya sa paglalakad. Sumunod lang ako sa kanya. Hanggang sa naging magkapantay na kami. Napahinto kami sa paglalakad at parehong nagulat ng makita si Lian at Vicia. “Beh” “s-sis?” Pareho kaming gulat ni Rian. “Sis, magkasama pala kayo?” Si Lian, may pagtataka ang mukha niya. Buti nalang at agad akong nakaisip ng palusot. Napaniwala ko siya. Nagyaya si Vicia na mag ditch nalang kami ng klase. Dahil malalate na naman kami pagpumasok pa. Nagpunta kami sa restaurant daw ng tita ni Vicia. Todo pakilala sila sa akin na boyfriend ni Lian. Napuno ng asaran ang paligid. Bigla namang nag-excuse si Rian. Mayamaya nag excuse rin ako. Sinundan ko si Rian. Naghintay ako dito sa labas ng c.r nang makalabas na siya agad akong nagsalita. “Love, sorry please pansinin mo naman ako.” Nilagpasan niya lang ako. Nang nakalayo siya ng konti saka pa siya nagsalita ng hindi man lang lumilingon sa ’kin. Panahon na siguro para tapusin na natin to. Tumulo ang luha ko. “Please,love. Bigyan mo 'ko ng ilan pang araw. Pinapangako kong maayos ang lahat. Makikipaghiwalay na ako sa kanya.” Lumingon siya sa ’kin. Sabay pahid ng luha sa mga mata niya. “Ayaw kung umasa Gray, mahal nga natin ang isat isa. Pero masyadong komplikado ang sitwasyon. Pero, oo na ako na ang marupok. Binigyan kita ng chance.” Huli niyang saad at nagpatuloy na sa paglalakad papalayo. Naiwan akong mag-isa. Ngunit kahit papaano gumaan ang loob ko . Hindi pa siya tuluyang bumitaw. Binigyan niya ako ng pag-asa at hindi ko ito sasayangin. Bumuntong hininga ako sa naalala. Sorry Lian kong masasaktan kita. Lian Blythe Solitario Dumiretso ako sa kwarto nang matapos ang kwentuhan namin. In-open ko ang loptop. At nag f*******:, tiningnan ko agad ang isang message na galing kay Vicia. From: Vicia hi bes, kumusta kayo ni Gray? Kahit hindi mo pa sabihin alam kung may problema kayo. Mapakla akong ngumiti. Wala naman akong problema; parang siya lang. Sasabihin ko na sana kay Vicia ang nafefeel ko. Pero wala akong lakas ayaw kong mag alala ang besfriend ko. Okay lang kami, wala namang problema. Reply ko. Malalim na ang gabi. Ngunit hindi pa ako natutulog. Nakatitig lang ako sa loptop at sa cellphone ko sa table. Umaasang may mag pop sa message ko. At tumunog ang ringtone ko. Tinawagan ko si Gray kanina. At napapansin ko ang lamig ng pakikitungo niya. Ano nga ba ang problema. Napapikit ako, ngunit agad namang minulat ang mga mata. Tiningnan ko ang orasan 11:50 PM na, ngunit gising pa rin ako. Sa gitna nang paghihintay walang message na dumating mula sa kanya. Hanggang sa hindi ko namalayang makatulog na pala ako. Kinaumagahan... Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock. May klase pa kami, kaya bumaba ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Parang bigla nalang akong magalit sa sarili ko kahit na walang dahilan. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. At napatawa nalang bigla. “Hahhahahhhahahahahaha!” Bigla sumakit ang ulo ko. Napahawak ako dito at napasigaw. Tumawa-tawa ako. “Hahahahahhaahah” Bigla kong kinuha ang lahat ng mga gamit at tinapon ito. “Hahhahahahahh! Ang saya maglaro!” Nawawala na ako sa sarili. Kinuha ko ang gunting sa drawer at ginupit ang tila ng damit ko. Sabay tawa tawa. “hahhahaha ang saya!” “Lian?!” Naakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok. Wala ako sa sariling binuksan ito at humalakhak. “Wahahahhahahhah hoy, laro tayo!” (Change of point of view to Rian) Nanlaki ang mata ko ng makita si Lian. Nawawala na naman siya sa katinuan. “Whahahhaha sino ka? Gusto mo maglaro?” Gumuhit ang lungkot sa mga mata ko. “Try mo ’to.” Nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa. Ginupit nito ang buhok niya. Hanggang balikat na ito; at hindi pa pantay. “Wahahhahha ang ganda!” “Sis, tigilan mo na 'yan. Sa ’kin na 'yang gunting,” pigil ko. “Hahahhaha hindi, gusto ko pa try tusok ito dito.” Agad ko siyang pinigilan dahil akmang tutusukin na niya ang pulsuhan niya ng gunting. “May gagawin pa ako!” Niyakap ko siya ng mahigpit at pinalayo ang gunting. Napaluha nalang ako. Makarinig ako ng mga yapak patungo sa kinaroroonan namin. Natatarantang lumapit si mama at pati si papa. Parehong ang pag- aalala sa mata nila. Pinahinahon namin si Lian at pinaupo sa kama niya. “Ma, pa inaatake na naman siya ng sakit niya.” Pinahid ko ang mga luha ko. “Nag-aalala na ako sa kanya. Mas lumala ang sitwasyon niya.” Nakayukong ani mama. Bumuntong hininga ako bago nagtungo sa kwarto at kinuha ang gamot ni Lian. Sinadya nilang sa kwarto ko ito ilagay. Dahil pagdito sa kwarto ni Lian. Baka bigla na naman siyang atakihin ng sakit niya. At baka inumin niya lahat ang gamot. Mas magiging malala pa ang sitwasyon. Pagkabalik ko sa kwarto ni Lian. Nagulat ako sa nakita ko. Si Gray? Sino ba ang pinunta niya dito? Ako o ang kambal ko?Sumulyap siya sa ’kin. “Iho ako ang sumagot sa tawag. Dahil inatake na naman si Lian. Pinakiusapan ko na ring pumunta ka dito. Dahil alam ko isa ka sa makapagpapakalma sa kanya.” Hindi ako makapagsalita. Si mama ang nagpapunta sa kanya dito. Bakit ang sakit? Wala pa nga siyang sinasabi nasasaktan na ako. Pilit kung pinakalma ang damdamin ko. Lumapit ako kay Lian at pinainom sa kanya ang gamot. Ngunit laking gulat ko ng tinabig niya iyon kaya tumilapon sa sahig at nabasa ako sa tubig. "Ano bang problema mong baliw ka?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD