Tahimik akong nakaupo sa deck ng yate at pinapanood ang mga boys na nagkakasiyahan. Si Macy naman ay Tulog sa Cabin habang ang malanding italyana ay nauna ng mag snorkeling. Tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko kaagad ito ng makita ko ang pangalan ni Jiro sa screen. Tumayo ako at lumapit sa railings ng deck. “Jiro, napatawag ka? Kumusta dyan?” Masaya kong sabi. Jiro: Okay naman dito. How are you? Sasabay sana ako kay tita bukas papunta dyan but I miss my buddy, pwede na ba akong sumunod? Naramdaman ko ang mainit na kamay na gumapang sa aking baywang at ang mainit na hininga ni Mateo sa balikat ko. Inilapit nya ang tenga nito sa cellphone ko saka ako hinalikan sa balikat. “Ummm… Yeah. Sure. I’ll book a room for you.” Naiilang kong sagot dahil nakikinig si Mateo. J

