Chapter 2 - Weekend Camping

2675 Words
Mga dalawang dipa siguro ang distansya ko kay Mateo. Grabe ang hotness nito, makalaglag panty. Para siyang isang portrait painting na nabuhay. Napaka surreal. Oo na. OA na kung OA.  “Hey? Bingi ka ba? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?” Iritado nyang tanong.  “Ahh.. Uhmm…” Ano na Piper?  “Maxel.” Tawag ni Jewel. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. “She’s with me. Nasaan na yung pinatago kong papeles?” Dugtong nya at pumwesto sa tabi ko.  Walang imik na nagtungo si Mateo sa kanyang wardrobe cabinet at may kinuhang brown envelope saka ito inabot kay Jewel. “Thanks cousin.” Nakangiti nyang saad. “Ciao! Let’s go piper.” Aniya. Tumango ako at sumunod sa kanya palabas.  Hinatid ako ni Jewel sa harap ng dorm namin sakto naman na dumating si Vivian kaya sabay na kaming umakyat sa aming kwarto.  “Kumain kana? May dala akong foods.” Aniya at ipinakita sa akin ang bitbit nyang paper bag. “Wow. Ano yan?” Nakangiti kong tanong at sinilip ang laman. Mga lutong bahay na pagkain, padala daw ng kanyang ina. Hindi ko pa man nakikilala ang ina ni Vivian ay mukhang magkakasundo kami dahil ang sarap nyang magluto. Pasadong pasado sa panlasa ko lalo na itong pinakbet. Tanghali na ako nagising kaya naman nagkakandarapa ako patungo sa campus. Tatawid na ako pero dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang humaharurot na itim na kotse kaya naman para akong malalagutan ng hininga sa pagsigaw. Buti na lang at nakahinto agad ito bago pa tumama sa akin ang unahan ng kotse. “What the hell! Magpapakamatay ka ba?!” Bulyaw ng pamilyar na boses. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ang galit na mukha ni Mateo na nakadungaw sa bintana ng kanyang kotse.  “S-Sorry.” Naiiyak kong sabi at saka gumilid. Yumuko ako at hindi na muling tumingin kay Mateo dahil sa kahihiyan. Mabilis na lumampas ang kanyang sasakyan sa harap ko at doon nalang ako tumunghay para panoorin ito. Grabe! Muntik na nya akong mabangga pero wala man lang ka concern concern akong nakuha mula sa kanya. Although it’s partly my fault pero diba sana man lang nagtanong siya kung okay lang ba ako?  Late na ako sa unang subject ko kaya naman mas pinili kong huwag nalang umattend. Napaka stricto kasi ni Mrs. Dimaculangan at sigurado akong ipapahiya lang ako noon. Tumambay muna ako sa Library. Malapit lang din naman dito ang room ng second subject namin.  “Piper, Where are you kanina?” Maarteng tanong sa akin ni Jewel.  “Late na kasi akong nagising. Napasarap ang panonood ko ng kdrama.” Nakangisi kong sagot. Naupo ako at ipinatong ang bag ko sa arm desk. “I see. Hindi ako fan ng mga oppa na yan. But anyway, alam mo na ba yung tungkol sa camping this weekend?” Wika nya at naupo sa kabilang upuan habang nanatiling nakatingin sa akin. “Camping?” Kunot noo kong tanong. “Lahat ng mga nakatira sa dorm ng university ay may camping this weekend. Hindi ba ka dorm nyo si Chloe? Iyong head counselor ng Northville Dormitory Association?” Aniya.  “Hindi. Sa dulong street pa sila.” Agad kong sagot. I know her, sya yung tumanggap ng form ko noong nag hahanap ako ng available room noon.  Hindi ako na eexcite sa weekend camping na tinutukoy ni Jewel dahil hindi naman ako mahilig sa ganoon pero si Vivian halos hindi na makatulog sa sobrang excitement. Gumagawa ako ng homeworks ng mapasilip ako sa bintana. Nandoon si Mateo nakaupo sa bench at may kausap na babae. Napanguso ako sabay irap. Hindi naman kagandahan yung babae. Hipon!  Nabanggit ko na ba na classmate ko si Mateo sa isang subject? Oo. Yes. Kanina lang sya pumasok sa subject na iyon kaya kanina ko lang din nalaman.  “Sumisilay ka na naman ba sa Mateo na yan? Mukha namang malabo kang kausapin nyan.” Ani Vivian. Ang hilig talagang bumasag ng trip. Umirap ako sa kanya. “Nakita ko kahapon si Jewel kausap yang si Mateo. Naunahan kapa girl?” Asar pa nito. “They are cousins, Vivian.” Wala kong ganang sagot. “Really?” Hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. “What a small world. Biruin mo yon?” Kumalma ito. “Sige girl. Push mo na malay mo naman mapansin ka na niyang si Mateo.” Tumingin ako sa kanya ng seryoso. Hindi ko alam kung nang aasar sya o ano. Itsura kong ito magugustuhan ni Mateo? Mga ka dorm nga namin hindi ako gustong maging kaibigan. Patawa!  “Bukas na ang weekend camping, Bakit hindi ka pa nag iimpake?”  Tanong ko at nakita ko ang agarang pag busangot ng mukha nito. Ako kasi kanina pang naka impake.  “I can’t make it. I really want but…” Nagpapadyak na ito sa inis. “Pinapauwi kasi ako ni Mommy dahil uuwi kami sa probinsya dahil mamamanhikan na daw si Kuya Gab. Biglaan.” Maktol nya. Lumapit ako sa kanya at tinapik ang kanyang likod. “It’s okay. May susunod na camping pa naman for sure.” Wika ko at pinisil ang kanyang pisngi. Maaga akong nagising ngayon pero mas maagang nagising si Vivian. Maaga itong sinundo ng parents nya. I prepared for the weekend camping at nagtungo sa waiting area kung saan nandoon ang mga bus na sasakyan namin patungo sa paanan ng mount marcelino. Isa-isa kong tiningnan ang mga kasabay ko sa bus, nag babaka sakali na makakasabay ko si Mateo pero bigo ako. Dalawang oras lang naman yung byahe pero feeling ko ang layo nito. Ayoko na sanang sumama noong sabihin ni Vivan na hindi na sya makakasama dahil magmumukha lang naman akong ewan dito. Wala pa ako gaanong kilala dito, pero ito naman ang purpose ng camping na ito. Ang maging magkakakilala ang Northville community. Ugh!  Nilibot ko ng tanaw ang buong paligid. I love nature. It’s so relaxing lalo na ang lake sa paanan ng mount marcelino. The pine trees na lakas maka baguio at ang puting building sa gilid ko na magiging tirahan namin for 2 days.  Lumapit ako sa desk nina Chloe ang head counselor para tanungin kung anong number ang magiging kwarto ko.  “Piper, right?”  Ulit pa nya sa pangalan ko habang tinitingnan ang listahan. “She’s with him?” Rinig kong bulong nito sa katabi nya. “Yes, it’s crazy to think he’s here this weekend camping.” Sagot ng kasama nya sabay higop sa kanyang milktea. Muling tumingin sa akin si Chloe at ngumiti. “You are related to him?” Tanong nya. Kumunot ang noo ko. “Who?”  Hindi ito nakasagot ng may kumulbit sa kanya at may ibinulong. Saglit silang nag-usap saka muling tumingin sa akin at inabutan ako ng mapa.  “Ito yung mapa ng ating camping site. Please check it. Mia will help you with your room. May kailangan lang akong gawin.” Aniya saka nagmamadaling umalis. Ngumiti sa akin yung Mia na tinutukoy nya. “Let’s go Piper? I’m sure he’s not there yet.”  Wika nya at naglakad pauna. Hinabol ko sya at sinabayan sa paglalakad. Did I hear it right? Did she say He?  “Lalaki ang room mate ko?” Tanong ko sa kanya.  Ang alam ko separate ang room ng babae sa lalaki kaya bakit lalaki ang magiging room mate ko? Shuta!  “Oo. I know it’s bawal pero ang dami kasing sumama sa camping kaya hindi kaya yung room and since you two are related-” “Related? Kanino?” Putol ko sa sinasabi nya at sana naman sagutin nya kung sino yon ng wala ng paligoy-ligoy pa.  Bago pa sya muling sumagot ay huminto na kami sa harap ng room 5.  “Mia? Ikaw ba ang coordinator nitong camping?” Ani ng baritonong boses. It makes my heart beat faster. I know who is the owner of that voice. “Yes.”  “Where is my room?” Tanong nya. Binuksan ni Mia ang pinto ng room 5. “Here” Sagot nya. Shuta! “With her.” she’s pointing at me. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Wait lang! Si Mateo roommate ko for 2 days? SHUTA KA MIA! “Seriously?” Mateo scoffed. “That can’t be my roommate.”  “She.” Correction ko. Iritado niya akong tiningnan. “What?” “It’s she, not that.” Paliwanag ko. Hindi nya ako pinansin at mas pinagtuunan ngayon ng pansin si Mia na mukhang kinakabahan hawak ang mga papel.  “I’m sorry Mateo, Hindi ko kasi alam ito. Akala kasi namin magkamag-anak kayo or something?” Paliwanag ni Mia habang may hinahanap sa mga bitbit nyang papel. “Are you kidding me?” he said, scanning the room as if may mga hidden camera na ikinabit dito. Kita ko ang panginginig ng kamay ni Mia dahil sa matatalim na tingin ni mateo sa kanya na para bang kakainin sya nito ng buo. Kung ako naman kay Mia ay magpapakain na ako. Char!  “Hindi naman sa sinasadya namin ito. Kakausapin ko si Chloe regarding this.” Aniya at tumakbo palabas ng building. Naiwan kami ni Mateo na hindi nag iimikan.  Bumalik si Mia kasama si Sir Dizon, ang president ng Northville community at P.E teacher na din ng school. Nakangiti ito habang kumakain ng shawarma.  “Mateo!” Bati ni Sir Dizon. “Ang MVP ng Northville! Mabuti naman at sumama kana ngayon sa camping. Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit marami ang sumama ngayon sa camping na ito?”  He crossed his arms and now his muscular arms are more visible. “Why she’s my roommate?” Wala ng paligoy ligoy nyang tanong. “Ah! It’s an honest mistake Mateo. Ang akala kasi namin ay magkamag-anak kayo dahil iisa ang address na tinitirhan ninyo.” Paliwanag nito. Tumango tango naman si Mia na nasa tabi ni Sir Dizon. “We don’t” Angil ni Mateo.  “Magkatapat ang dorm na tinitirhan namin.” I said. “We do?”  Hindi nya makapaniwala na sabi. I looked at him. “Yes, Mateo.  We do.” I mumbled. Nagmumukha akong stalker nito. Sana hindi ko nalang sinabi yon. Ugh! “Pareho kasi ang address na sinulat nyo. Tingnan nyo.” Singit ni Mia at pinakita ang papel sa amin. My address is 4 NY Street at ganun din ang kanya? “That’s my address, 4 NY street. Bakit sinulat mo ang address ko?” Kunot noo akong tumingin sa kanya.   “Hindi ah!” Tanggi nito. “9 NY street.” Binasa nya pa ng malakas. “Nine yan Sir Dizon.”  Aniya at inilapit pa ang papel sa mukha ni Sir. Lumapit ako kay Sir at muli itong tiningnan. Bakit kasi parang kinaykay ng manok ang sulat nito. Napaka gwapo nga ang pangit naman sumulat. Ako yung mag dodoctor pero sya itong sulat kamay ng doctor. “Pangit kasi ng sulat.” Pabiro kong sabi.  Sir Dizon and Mia glared at me. Para bang bawal akong magbiro? Bawal biruin si mateo? Bawal?  “Kung ganoon ay hindi talaga kayo magka ano-ano. Pasensya na hijo. Paano ba ito?” Saad ni Sir. Dizon at nag iisip ng maaring solusyon. “Pwede kaming magpalit ni Piper ng kwarto.” Singit ni Mia. “Ako nalang ang roommate ni mateo.” Aniya. WOW! Sacrifice kunwari? Naku Mia! Huwag ako. Alam ko yang mga ganyang banat mo eh.  “Hindi pwede Mia. You are not also related to him.” Hinimas nito ang kanyan baba habang nag iisip pa ng solusyon. “Mateo, Alam kong malaking gulo itong nangyari ngayon. You are one of a VIP here dahil isa ka sa nagbibigay ng karangalan sa ating paaralan. Hayaan mo at gagawan ko ito ng solusyon pero sa ngayon okay lang ba na dito muna si Piper habang nag iisip ako ng paraan? Dalawa naman ang kama dito.”  Dumami na ang mga students na pumapasok sa building. Pumapasok na sila sa kani kanilang room. Napuno ng ingay ang paligid. Tumingin ako kay mateo na iritang irita. Sa tingin ko ay hindi ito sasang ayon. “I’ll give you one day Sir Dizon to fix this.” Malamig nyang saad. “Dahil kung hindi ay uuwi nalang ako.” Dugtong nito saka umalis.  Wow! Feeling entitled! VIP nga kasi Piper.  Hindi man lang ako tinanong ni Sir Dizon o ni Mia kung okay lang ba ako sa arrangement na ito. Wala bang kwenta ang opinyon ko? -- Maganda itong room. Malaki at may sariling kitchen. Ganito kaya sa ibang room? O dito lang dahil VIP nga daw si mateo. Lahat ba ng nagbibigay karangalan sa campus ay may VIP treatment? Sana all no? Ibinaba ko ang gamit ko sa napili kong kama which is ang malapit sa bintana. Bumukas ang pinto at pumasok si Mateo bitbit ang kanyang bag at pabagsak na ibinaba ito sa kabilang kama. Hindi ko sya pinansin at nagtungo sa kusina para kumuha ng maiinom sa ref. Buti nalang may mga mineral na laman sa loob. May juice din at... beer? VIP talaga. Napapailing nalang ako. “Us, Related? What an insult.” Pabulong nyang sabi pero rinig ko ito. Rinig na rinig. Sinasadya nya nga yatang iparinig. Parang ako dapat ang mainsulto sa sinabi nya.  “Sino kaya iyong ang pangit magsulat ng nine?” Ganti ko nang makatapos akong uminom. Sino kaya ang may kasalanan kung bakit kami magkasama sa iisang kwarto ngayon. Duh!  “Ako.” Sagot nya. Hindi papatalo. “Ang pointy ng ibabaw ng nine mo at yung line ay lampas. It really looks like a four!”  “You know what else looks like a four?” Mateo smirked. Umirap ako sa kanya. “Immature!” I scowled. His smirked widened. Ugh! Sinusubukan kong huwag pansinin kung gaano ka flawless sya tingnan pero… Ugh! Ang perfect ng kanyang jawline na bumagay sa hazel brown eyes at bushy eyebrows nya. Kahit ang gulo ng buhok nya bakit ang hot nya pa din tingnan? It’s so unfair! Bakit naman ganon Lord? Agaw atensyon talaga si Mateo kahit saan sya dalhin. Kahit ilagay mo sya sa crowded places ay mag ii stand out pa din sya. Pinagkakaguluhan. Samantalang ako? Nevermind.  Tinitigan ko ang sarili ko sa harap ng malaking salamin. Wearing my faded rip jeans, white loose tshirt at white sneaker at lakas loob akong lumabas ng building para sumali sa camping activities.  “Piper. Marunong ka bang mag drive?” Tanong sa akin ni Chloe. Tumango. I know how to drive manual and Automatic dahil tinuruan ako ni Tito Paulo. I have a license too pero hindi ako pumayag na bilhan ako ni Mommy ng kotse. I want my first car to be from my own hard earn money. “May license ka?” Muli akong tumango. “Good. Can you do me a favor?”  “Sure.”  “Naubusan kasi ng supply ng mineral water at snacks para mamayang gabi. Pwede ka bang pumunta sa bayan para bumili?” Wika nya.  “Oo naman. Wala din naman akong ginagawa.” I said at nginitan sya. “Thank you. Here’s the key.” Tinanggap ko ang susi at pera mula sa kanya.  Sumakay ako sa puting kotse ni Chloe and revived the engine. I put it in reverse para umatras palabas ng parking spot ng may narinig akong pumalo sa hood ng trunk. “Stop!”  Nakita ko si Mateo sa rearview mirror but it’s too late… “Oh my God!” I screamed and take off my seatbelt. Nagmadali akong lumabas ng kotse at nadatnan ko nalang si Mateo na nakaluhod sa lupa. Lagot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD