Nagising ako na parang ang bigat ng aking katawan pakiramdam ko parang may nakadagan na isang sakong bigas sa akin, napangiwi ako ng bahagyang sumakit ang aking likod, at isa pa parang ilang araw rin akong tulog. "Oo nga Pala nabaril ako ni Donya Myra." Saad ko ng maalala ko ang nangyari sa akin iginala ko ang aking paningin sa paligid kung nasaan ako, napag tanto ko na nasa Hospital ako. "Teka, Nasaan si Hunter? Bulong ko. Tangkang tatayo sana ako sa kama para sana lumabas, ngunit biglang bumukas ang pinto ng cr Dito sa silid ng kwarto sa hospital at nakita ko ang aking asawa na bagong ligo ito at halata sa mukha nito ang pagod at puyat pero hindi pa rin nababawasan ang taglay nitong kagwapuhan. "Sweety, Gising kana." Saad ng lalaki ng makita ako habang nasa Mukha nito ang kasiyaha

