"Halika na, Sweety, matulog na tayo wag mo na lang pansin ang paniking nakita mo." Saad ni Hunter, hindi na lang ako umimik sa sinabi nito, at humiga na lamang ako ulit sa higaan at pinilit kong ipinikit ang aking mata para isipin ng lalaki na matutulog na nga ako dahil nag- uumpisa nanaman mag lakbay ang kamay nito sa ibat-ibang bahagi ng katawan ko, narinig kong bumuntong hininga ang lalaki at alam kong nagpipigil lang ito sa gusto nitong gawin. Maya- maya naramdaman kong tumayo ang lalaki at dahan- dahan itong lumabas ng kwarto. Nang alam kong nakalabas na si Hunter, iminulat ko ang aking mata at mabilis akong bumagon upang sundan ang lalaki. Pag bukas ko ng pintuan kadiliman ang sumalubong sa akin dahil kahit isang ilaw walang naka bukas sa loob ng bahay kaya kakapakapa akong nag

