"Master, mag tigil ka nga nakakahiya sa mga tauhan mo at kila Tsang." Saad ko rito. "Sweety, maiintindihan naman nila kung mawawala tayo sa paningin nila honeymoon naman natin. Wika ng pasaway na si Hunter. "Master, mag papa- alam muna ako kay Tsa... Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla na lang akong buhatin ni Hunter, at tuloy-tuloy itong lumabas nang silid habang buhat ako ng walang nakakapansin sa amin. "Master, baka hanapin nila tayo nakakahiya." "Hindi nila tayo hahanapin at isa pa nag- usap na kami ng Tsang mo kanina na sila muna ang bahala sa mga tauhan ko." Saad ni Hunter, habang papa akyat kami sa ikalawang palapag habang buhat pa rin ako nito, pag karating namin sa ikalawang palapag pumasok kami ni Hunter, sa aming silid. "Sweety, dito na lang muna natin gaganapin

