"Babalikan kita babae humanda ka sa akin! Banta sa akin ni Irine, medyo nakaramdam ako ng takot sa sinabi ng babae, alam kung mapapatalsik na ako sa pa aralan na ito oras na ang ama ni Irine, ang gumalaw. "Wow Aya, ang tapang mo pala hindi ko akalain mapapahiya mo si Irine." "Ano kaba Nica, tiyak bukas hindi na ako makakapasok dito." Saad ko sa aking kaibigan. "Alam mo Aya, tama lang ang ginawa mo na lumaban ka kay Irine, dahil subra na ang ginagawa ng babaeng yun sa'yo pati sa mga ibang studyante." "Pero Nica, natatakot pa rin ako baka bigla na lang akong mapatalsik dito dahil nilaban ko si Irine." "Hayaan mo may friend, Aya, ako ang bahala sa'yo kung sakaling mangyari man na patalsikin kanila dito kakausapin ko si daddy, kaya wag ka nang mag-alala okay." Wika ni Nica. "Salamat."

