Dahil sa pagod si Hunter, na ang nag paligo sa akin at ang lalaki na rin ang nag bihis sa akin. "Sweety, mag pahinga kana muna at mag- kakaroon pa tayo ng round two mamaya." Pag bibiro ng lalaki sa akin habang nakangiti ito ngunit hindi ko na ito pinansin dahil sa pagod, ay unti-unti na akong hinihila ng antok ngunit bago ko tuluyan ipikit ang aking mata naramdaman kong tumabi na rin ang lalaki sa aking tabi at mahigpit niya akong niyakap. Nagising akong tanghali na dahil masasakit ang aking katawan Halos hindi kasi ako tinigilan kagabi ni Hunter para itong walang kapaguran sa ibabaw ng kama. Napangiti ako dahil nasa tabi ko pa rin ang lalaki habang mahimbing pa rin itong natutulog at mahigpit itong nakayakap sa akin. Umayos ako ng pagkakahiga at humarap ako sa lalaki, kahit saan angg

