"Hey! Sweety, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Hunter, habang pinupunasan niya ang luhang dumadaloy sa akin mukha. "Wala ito Master, masaya lang ako dahil akala ko wala ng mag mamaahal sa akin." "Sweety, pinapangako ko sa' yo na mamahalin kita ng buong- buo kaya wag ka nang umiyak okay." Wika ng lalaki habang nakangiti ito sa akin, tumango lang ako kay Hunter, at ngumiti rin ako rito. "Sweety, may sasabihin ako sa'yo, ang pag papakasal ko sa'yo ay isang sekreto lamang ayaw kong may ibang maka alam ng pag papakasal ko sa'yo dahil ay ayaw kong malagay sa panganib ang buhay mo pag natapos ko lahat ng sagabal na nakaharang sa dinaraanan ko tiyaka natin ipapa alam sa publiko na asawa kita sana maintindihan mo ako." Mahabang lintanya ng lalaki. "Master, sabihin mo nga sa akin ang totoo bakit

