"Master, aalis na po ba tayo?" Tanong ko sa lalaki, Ngunit ang lalaki tinignan muna niya ako mula ulo hanggang paa. "Sumakay ka na babae, Ano pa hinihintay mo?" Sambit nito. Mabilis akong sumakay sa loob ng sasakyan ni Hunter, nang pagbuksan niya ako ng pintuan, nakita kong umikot ang lalaki sa kabilang pinto at mabilis na rin itong pumasok sa loob sasakyan nito. Sumulyap muna ang lalaki sa akin, Bago niya pina-andar ang kanyang sasakyan. Habang nasa byahe walang nagsasalita sa amin dalawa. Kaya tinutok ko na lang ang paningin ko sa labas ng binta. Makalipas ang sandali nakarating na rin kami agad sa aking pinapasukan paaralan. "Master, Dito na lang po ako wag niyo na lang pong ipasok sa loob ang sasakyan niyo." Saad ko sa lalaki. Ngunit ang pasaway na lalaki ay talagang pinasok

