Hindi Na umimik ang lalaki at basta na lang niyang pinaharorot ang sasakyan nito napasulyap pa ako sa dalawa kong kaibigan habang nakatingin ang mga ito sa sinasakyan ko palayo. Habang nasa byahe kami napansin kong mali ang tinatahak namin daan pauwi ng lalaki. Saan ako dadalihin ng lalaking ito hindi kaya dadalihin ako sa malayong lugar ni Hunter, At balak akong iligaw?" Bulong ko. Shiittt, Hindi ito maaari, Hindi na ako nakatiis kaya tinanong ko ang lalaki. "Master, Saan niyo po ako dadalhin?" Tanong ko. Ngunit ang lalaki hindi ako sinagot at lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo nito sa sasakyan. Naipikit ko ang aking mata dahil sa bilis na papatakbo ng lalaki sa sasakyan nito. Master, Dahan-dahan po baka mabangga po tayo." Wika ko. Habang kinakabahan At nakapikit ang aking m

