Masaya ako habang nag luluto ako ng sopas amoy pa lang nito parang nabubusog na ako. "Lyn, Paluto na itong sopas tawagin muna ang ibang kasamahan mo para makakain sila ng sopas." Utos ko sa babae. "Sige po Miss Aya." Sagot ng babae, Masaya ako habang nag lalagay ako ng sopas sa malaking mangkok maya- maya bumalik na si Lyn, kasama nito ang ibang tauhan ni Hunter. "Lyn, Ikaw na ang bahala sa kanila."Saad ko. "Ikaw Miss Aya, Hindi kaba sasabay sa amin kumain? "Kumain lang kayo, busog pa kasi ako." "Ha! Akala ko ba kaya ka nag luto ng sopas dahil gustong mong kumain." "Ah, Eh, nabusog na kasi Ako sa amoy ng sopas." Saad ko rito. "Umamin ka nga sa akin Miss Aya, Nag lilihi kaba?" Bulong ng babae, ng lumapit ito sa akin hindi agad ako nakasagot sa tanong nito hindi ko naman kasi al

