"Sweet heart okay ka lang ba?" Tanong ng lalaki habang hinahaplos ng lalaki ang aking likod, tumango lang ako sa lalaki bilang pag sagot dito na okay, lang ako. "Dario, ideretso mo Mabini sa beach house." Narinig kong saad ng lalaki sa driver, nito. "Sige po Master." "Matulog ka muna Aya, mahaba pa ang byahe natin." Wika ni Hunter, ngunit Halata sa boses nito ang pagka yamot, siguro kaya nayayamot ang lalaki dahil hindi ako masiyadong nag sasalita pag kinakausap niya ako. Habang nasa byahe kami hindi na ako muling kinausap pa ni Hunter, ako naman itinutok ko na lang ang aking paningin sa labas ng binta hanggang sa napakislot ako ng biglang hawakan ng lalaki ang aking ulo at pinasandal niya sa kanyang balikat habang ang isang kamay nito ay humahaplos sa aking buhok gusto ko sanang al

