"Belinda, Anong sinasabi mo kay Aya, Inaaway mo nanaman ba siya?! Saad ni Hunter, habang palapit ito sa amin. "Hunter, umuwi ka na." Masayang salubong ni Belinda kay Hunter. "Anong sinabi mo kay Aya? "Hunter, kinukumusta ko lang ang alalay mo tinanong ko lang din siya bakit ngayon lang siya bumalik dito, hindi ba Aya?" Tanong nito habang nakangiti sa akin. Bwesit na babaeng ito napakasinungaling. Bulong ko. "Huh! Yon ba ang sinabi mo sa akin? Ang narinig kong sinabi mo kanina lang, dapat igalang kita dahil Mas mataas ka sa akin at dapat na akong palayasin sa bahay ni Hunter, Hindi ba yon ang sinabi mo?" Saad ko dito, Habang na kangisi ako. "Pasensya kana Hunter, nag bibiro lang naman ako sa sinabi ko kay Aya," "Hoy! Babaeng Mang kukulam anong nag bibiro ka lang tinawag mo pa nga

