"Babaeng, tsismosa ipaghanda mo ako ng hapunan." Utos ni Hunter sa akin. At nakita kong humila ng umupuan ang lalaki at umupo na ito sa harap nang hapagkainan. "Opo Master." Sagot ko. Agad akong kumilos para ihanda ang hapunan ng lalaki. "Ineng tulongan na kitang maghanda ng hapunan ni Master." "Salamat po Nay." Pagkatapos kong ihanda ang hapunan ng lalaki agad kong idinulot ito, kay Hunter. "Master, Ito na po ang hapununan niyo." Sabay lapag ko sa harapan nito sa ibabaw ng lamesa." Hindi ko pinag-aksayahan tignan ang lalaki kahit ramdam kong nakatitig ito sa akin. "May Ipag- uutos pa po ba kayo Master?" Wika ko. Habang nakatungo ang aking ulo. "Sabayan mo na akong Maghapunan babae." "Pasensya na po kayo, Master, Pero busog pa po ako." Saad ko. "Pag sinabi kong sabayan mo ako

