CHAPTER 4: THE AURA

1484 Words
Tulala padin ako sa mga nangyari nung nakaraang linggo. Until now, Shock padin ako. What happen na ba sa earth? 'Nakakaloka arghh' sabunot ko sa sarili ko. "Anyare sa iyo?" mahinahong sabi ni Toffer pero bakas sa mukha nito ang pagtataka. "Hayss Basta, dili nalang magtalk ba! Hayyyy!" muling yuko ko sa desk ko. Oo sa desk ko kasi di naman katulad sa ibang school na may upuan na, may desk pa. Dito ang style nila parang Japan ata yun. Basta yun na iyon. "Davy, Anyare sa iyo!?" kalabit ni Aya 'Tss, Andyan na nga siya.' bulong ko sa isip ko. "Malay ko ba dyan kay Davy, Aya. Ganyan na yan kanina pa simula ng pumasok!" paliwanag ni Toffer. "Alam ko, di naman kita kausap. Haysss" sumbat ni Aya. "Ay, ganun ba. Sorry naman." sabay arte nito na akala mo nagtatampo na din. "Davy, Ano bang nagyari sa iyo?" muling kalabit ni Aya. Tinanggal ko lang pangangalabit niya at bumalik sa pagyuko. "Isa pa! Pag hindi ka nag paliwanag dyan. Aangat ka ng wala sa oras." nakapamewang na sabi nito. "Geh Gawin mo nga!" hamon ko dito. "Huwag na pala. Hmpp." sabay walk-out ng babaita. "Lah, di mo naman kaya eh!" sigaw ko sa kanya. "Shhh, tigilan mo ko." mahinahon na nitong sabi. "Tss." Palibhasa kasi maraming tao kaya hindi niya kayang magawa. Sumasakit na nga yung ulo ko dahil sa ginawa niya ng nakaraang araw tapos pumunta pa sa bahay para makipagkwentuhan lang ng walang kakwenta - kwentang bagay. Tapos nagpagalaw-galaw na naman siya ng mga bagay sa kwarto ko. Kaya napagalitan na naman kami ni Tito Steve. Mapapasana all ka nalang pero nakakatakot padin tulad ng nangyari sa akin dun sa pagkidnap sa bata. Natapos ang subject namin ng hindi kami nagpapansinan ni Aya dahil alam ko naman na galit ito sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya na dapat ako nga ang galit. For all this time. Nilihim niya sa akin ang lahat. Tapos bibiglain niya ako. So unfair naman. "Hindi mo ba papansinin si Aya?" lapit ni Toffer sa akin. "Bakit naman at para saan?" taka kong sabi dito. "Baka, magtampo yun at totohanin ang sinabi nya sayo!" tila natatakot na kwento nito. Nagulat naman ako sa sinabi nito kaya siningkitan ko ito ng tingin. Sabay sabing,,, "Pati ikaw? Nilihim mo sa akin!" sigaw ko dito na siyang tingin naman sa amin ng mga kaklase namin. "Shhh, Oo, alam ko. Kaya nga ganun na nga ang turing niya sa akin eh." pagpapaupo nito sa akin. "Pero bakit niyo nilihim sa akin?" mahinang bulong ko dito kahit gigil na ako. "Ayaw ka niya kasing saktan at baka layuan mo siya kapag nalaman mo na ganun siya!" dagdag nito. "Kahit na, hindi yung ganto na bibiglain niyo ko. Nakakasakit kaya ng ulo. Alam niyo yun." sabay yuko ko at hinawakan ulit ang ulo ko. "Sorry na. Libre na lang kita para di ka na magtampo." alok ni Toffer. Agad naman akong nag-angat ng ulo at tsaka ngumiti ng nakakaloko. "Yan na yan lang ang hinihintay ko kanina pa na hindi ginagawa ni Aya." "Luh, yun lang pala kailangan mo bakit hindi mo pa sinabi kay Aya!" tulak ni Toffer sa akin. "Eh sa nagtatampo ako sa kanya eh. Bakit ba!" bawing tulak ko dito. "Luh, wala akong pera. Niloloko kalang eh." bawi niyang sabi. "Hala siya. Walang bawian, sinabi mo na ililibre mo ko. . Sumbong kita kay Aya! Sige ka!" babala ko dito. "Ito parang di mabiro. Daya niyo!" kamot nito sa ulo. "Panong naging madaya kami ni Aya eh siya lang naman ang nang-aano!" sabi ko dito kasi bawal ngang malaman sa room. "Kasi ano, Ahmm ano kasi eh" biglang lungkot nito. "Ano nga kasi?? Direct to the point mo na kasi, Bakit naano ka sa amin ni Aya?" balik kong tanong dito. Naiirita ako baka masuntok ko ito kahit ano ako. "Kasi magkaibigan kayo. Lagi kayong magkasama tapos parang masaya siya kapag kasama ka!" pag-amin nito. Ahhh, kaya naman pala ganun dahil nagseselos. Sus, magseselos eh babae ako. Char. "Huy, nagseselos ka ba? Tsaka ano ka ba, babae din ako no. Di ko type si Aya tsaka magkaibigan kami noh! Like Ewwww." tulak ko dito. "Hindi ka naman babae eh, alam mo yan!" seryosong tingin nito sa akin. "Luh talaga siya, napakaano ng bibig mo. Ipapaangat talaga kita kay Aya!" banta ko ulit dito. Nagulat naman kami ng biglang magsalita si Aya sa likod namin. "Anong meron dito?" tanong ni Aya. Naku, ito na si Aya, di na namin napansin na dumating siya kaya agad akong lumapit dito para isumbong na crush siya ni Toffer. "Bi, si Toffer may ************" di na nga ako nakapagsalita dahil tinakpan na nga ni Toffer ang bibig ko. Napakalintik talaga oh. "Wala yan Aya, Davy naman kasi, manahimik ka nga!" takip padin nito sa bibig ko samantalang ako nagpupumiglas sa mabaho niyang ka- teka mabango pala itong torpe na ito. Haha "blhblhblhblh" patuloy kong murmur dito. "Shhhhh, Davy nu ba?!" lalong higpit na takip ni Toffer sa bibig ko pero nakakadiri na. Yuck. "Ano ba kasi iyan, tigilan mo nga siya Toffer." paninimulang titig ni Aya kay Toffer. "Ano kasi, Aya, sabi ko kay Davy, lilibre ko kayo mamayang uwian. Okay lang ba sayo?" pag-aalinlangan na tanong nito. Kaya tinanggal ko yung pagkakatakip ng kamay nitong torpe na ito. "Oo, sabi ni Toffer, libre niya daw tayo. Ano G na ba?" sigaw ko dito. Sabay balik sa takip pero ako na tumakip sa bibig ko habang ang kamay ni Toffer ay nasa balikat ko na. "Oo, iyon nga sinasabi ko sa kanya eh bigla ka kasing dumating eh" sabi ni Toffer na tila kinakabahan sa susunod na sasabihin ko. "Ano, G na ba mamaya? Kahit sa tuhugan lang ulit." sabi ko sabay takip ko sa bibig ko ulit. Baka takpan kasi ni Torpe ung bibig ko kaya Yuck talaga. "Oo nga Aya, Ano G ba?" hawak batok nitong sabi. "Ahhhh, akala ko naman kung ano, Oo naman basta libre yan. G ako!" malaking ngiti ni Aya. "Yes!" sabay naming sabi ni Toffer. "Sabi sayo eh, papayag yan eh!" tulak ko kay Toffer. "Kaya nga eh!" sabay apir naming dalawa. Samantalag si Aya, clueless sa ginagawa namin kahit alam namin sa sarili namin na baka may kakayahan din itong makabasa ng isip ng tao kaya ang dalangin namin ay wag na sana. Hahaha. Mabilis ring natapos ang gawain namin sa school kaya hinila ko na si torpe este si Toffer dahil malilibre nga ito. Okay naman na kami ni Aya kahit may kapangyarihan ito. Baka pag di kami nagbati, paangatin talaga ako nito. Clueless padin ako sa mga nangyayari sa akin pero hinahanda ko na sarili ko sa kung ano man ang mangyayari sa mga susunod. "Ano Toffer, lib-" naputol ang sasabihin ko ng makita ko silang dalawa. Si Aya ay nakatayo sa harapan ni Toffer samantalang si Toffer naman ay nagliligpit na ng gamit at nakangiti na akala mo ay nanalo sa jackpot. Gusto ko mang guluhin ang dalawa eh mukhang nakangiti na ang torpe sa harap ni Aya. Sana all may expiration este inspiration. Nilapitan ko nalang ang dalawa para putulin ang mga ngiti ni Toffer sa aking kaibigan. "Hey, Ano, G na ba Toffer? Mukhang napapasarap ata ang tagal ng ngiti mo dyan eh, hahaha" kalabit ko dito. "Oo naman, Kayo pa ba?" angat ulo nitong titig sa akin or kay Aya ata siya nakakatitig. Hindi ko naman napansin ay lumabas na pala si Aya. Talaga itong si Toffer nainlababo na talaga kay Aya. I sighed in the middle of our conversation then someone slapped me pero mahina. Pag-tingin ko si Toffer pala. "What?" singhal ko titig sa kanya. "Tara na, lumabas na si Aya. Nakatulala ka pa kasi, tsk tsk." mahinahon na sabi nito. "Eh, kasi naman, nakakakilig kayo kahit wala pa kayong label. You know, basta!" demo ko pang inaangat ang kamay ko sabay labas ng classroom. "Ang tanong ba may pag-asa ba ako kay Aya?" tanong ng torpe este ni Toffer. "Ay, yun lang ang di ko alam." biglang lungkot kong sabi. Biglang nagchange ang aura ni Toffer, from yellowish to grayish. Wait tama ba nakikita ko? Lately kasi, simula ng makita ko si Aya na naging puti ang aura nito at biglang naging itim doon nagsimula na makakita ako ng mga aura pero yung kay Toffer iba. Ano kaya iyon? “Davy, mukhang malalim ata iniisip mo? " Tanong ni Toffer kaso yung awra niya biglang naging blueish. Agad naman akong napaatras. " Wait What happen to me? " takang tanong ko sa sarili ko. " Anong What happen to you? " takang tanong na ni Toffer sa akin. " Ahhh, Wala, wala. Sundan na lang natin si Aya." alanganin kong sabi. Agad naman akong sinang-ayunan ni Toffer at pumunta sa gawi ni Aya na sa kasalukuyang kong nakikita na may nakapalibot dito na kulay purple.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD