Episode 14

1128 Words

Episode 14   Alam kong masyadong mabilis ang mga pangyayari. Pero magpapakipot pa ba ako? Gusto ko siya, at mahal niya ako. Ano pang hinihintay namin? At isa pa, nakatira kami sa iisang apartment at ilang ulit na din kaming naghalikan kaya hindi na niya kailangan na ligawan ako. Kapag pabebe ka, kawawa ka. Kaya kapag may chance, grab na kaagad!   “Totoo ba talaga ang sinabi mo kanina, Tia?” tanong ni Trevor sa akin habang ginagamot ko siya.   Napatigil ako sa aking ginagawa at tinignan siya.   “Oo nga, ayaw mo bang maging girlfriend ako?”   Mabilis siyang napailing.   “Hindi naman sa ayaw ko, masyado lang kasing mabilis at hindi mo man lang hinayaan na ligawan kita.”   Bumuntong hininga ako.   “Edi ligawan mo ako kahit mag jowa na tayo.”   Ngumiti naman siya at tumango.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD