ZHARLIE'S POV nalaman na rin ba nila na nakuha ako ng dark wizard? Ba't ba kasi ang tanga ko? arggghh! dahil sakin napaaga ata ang digmaan. nagulat na lang ako ng may nakita akong isang lalaking nakaitim at mukha siyang kaedad ko lang na nakangisi sakin. "well, well Zharlie sa wakas nagkita rin tayo" kinilabutan naman ako ng marinig ko ang boses niya. Nakakatakot at napakalalim naramdaman ko yung pagtayo ng balahibo sa katawan ko. "si-sino ka??" utal na sagot ko " oh! pero bago ako magpakilala pakawalan mo na siya Aldrin" nakangiti nitong sabi at agad naman akong pinakawalan kaya ang ending napasalampak ako sa sahig. nakita ko namang may kamay na lumitaw sa harap ko at kinuha ko ito agad para makatayo ako. " ako nga pala si Cyprus nice meeting you Zharlie" agad naman akong napabitaw

