Chapter 1
"Ugh..." I groaned. Kanina ko pa alam na kanina pa tumutunog ang alarm clock ko pero hindi ko inaabalang i-off yon.
I'm too tired to even lift my arm. Bahala na sya tumunog nang tumunog d'yan, titigil din naman siguro iyan maya maya rin. Ayoko at tinatamad akong tumayo.
"Sierra! Wala ka bang balak patayin 'yang alarm clock mo? At bakit ka nga pala nag-set ng alarm kung hindi mo rin naman papansinin?!" dinig kong malakas na sigaw ng Mama ko mula sa labas ng kwarto ko.
I can feel that she doesn't have any plans on leaving me alone hangga't hindi ko ino-off ang alarm na iyon. She'll stay there until the alarm stops at kapag hindi niya na pa rin ako nakitang kumikilos ay sisigaw nanaman siya.
Hindi ko naman kasi talaga kailangan bumangon kaagad kahit na tumunog na yung alarm ko. Si Mama lang naman itong OA. Kada magsi-set ako ng alarm ay palaging ahead iyon ng dalawang oras bago ang appointment ko. Pero itong Mama ko ay parang hindi pa rin nasanay sa ginagawa ko.
I've been doing this since when I was in grade school pero hindi pa rin niya makabisado ang mga 'yon.
"Ano ba Sierra?! Hindi ka ba talaga tatayo d'yan?!" dagdag pa niyang sigaw kaya wala na akong nagawa kun'di kumilos at i-off na ang alarm na iuon.
"Oo na, eto na kikilos na," hindi pasigaw pero may kalakasang sagot ko. I heard her walked away from the door of my room by the sound of her footsteps.
Napairap nalang ako sa hangin sabay kapa ng salamin ko na nakapatong sa may side table. Sinuot ko na kaagad iyon nang mahawakan ko at sabay baling sa wall clock.
I still have more than an hour to roll over multiple times on my bed pero sigurado ako na babalik nanaman yon si Mama pag hindi pa ako bumaba. The sound of her voice is actually the reason why I can get to wake up early instead of my alarm clock.
Mas malakas pa yung boses niya kaysa sa tunog no'n kaya wala na rin talagang silbi 'yon kung tutuusin.
Kinuha ko ang itim kong alarm clock at inikot-ikot iyon sa kamay ko.
"Palitan nalang kaya kita, si Mama nalang gawin kong alarm clock," I said as if it'll answer me back.
Siguro kung may makakarinig man sa akin ngayon iisiping kulang na kulang pa rin ako sa tulog kasi kinakausap ko yung orasan ko. Napabuntong hininga nalang ako at sabay alis sa kama. Magaasikaso na ako nga lang ako.
Siguro tatambay nalang ako sa library ng school habang hindi pa rin oras ng klase ko. Saturday ngayon pero may klase ako. I took advanced subjects na konti lang ang pagkakakumpara sa talagang course ko.
Ewan, gusto ko lang na mas may pinagkaka-abalahan na related sa pag-aaral ko.
The thought of spending my spare time inside the School Library awakens my inner-self. Books are my life. They give me joy instead of the sound of the disco in different drinking bars.
Ewan ko ba... All of the people who knew a tiny bit about me always thinks of me as a person who is 'boring'. Lifeless, knows nothing about enjoyment, at walang kaamor-amor sa buhay.
Little did they know, for a bookworm like me, mas masaya pang magbasa ng mga libro at manatili sa mga Bookshops and Libraries kaysa lumabas-labas.
The Life in Books is a lot and far more better than reality.
Kaysa naman sa alak, sigarilyo, bisyo, at lovelife ko i-gastos ang allowance ko ay mas mabuti pa na sa mga libro nalang.
Don't get me wrong. I'm not judging those people who finds amusement in drinking with their friends and having fun doing typical 'teenage stuff'. Alam ko naman na may kanya-kanya tayong taste sa mga bagay-bagay that's why I only mind my business, at hindi na ang sa iba.
Kung ayaw kong pakialaman ako ng iba sa buhay ko, better not to also meddle with other people's lives, simple.
If only gan'yan lang ang perspective ng lahat ng tao sa buong mundo ay hindi sana ganito ka-toxic at ka-messed up ang mundo natin.
"Good morning mga darling ko," nakangiting bati ko sa mga librong nasa bookshelves ko sa loob ng kwarto ko nang matapos akong maligo. I still have a towel on at hindi pa ako nagbibihis ng kung ano, kahit na underwear pero hindi ko na kaagad inisip 'yon.
Inayos ko ang mga iyon dahil may ibang mga libro na nakapatong lang sa ibabaw ng study table ko.
I forgot to return them last night dahil pagod talaga ako ng mga oras na 'yon. I studied for my exams to the point na hindi ko talaga alam kung ano ang mga pinaggagawa ko kagabi.
I didn't even know how I ended up sleeping peacefully on the top of my bed.
Nang matapos akong mag ayos ng bookshelf ko ay pinasadahan ko ng tingin 'yon.
There are still a few spaces left for a few books at hindi na ako makapaghintay pa na bumili ulit ng libro para mapuno na iyon. I couldn't help myself but to smile. Kaya ko nga sigurong mabuhay na walang Boyfriend basta may libro.
I decided to dress up. Baka may tao nanaman sa pwesto ko sa library at wala nanaman akong magawa para mabawi 'yon pa hindi ko pa binilisan.
Ganito ako ka-daldal sa isipan ko at pag mag isa ako but when it comes to talking to people...
Ewan ko ba, tumitiklop ako.
My mom never thought of having a very talkative yet shy daughter like me. Ako lang kasi sa pamilya namin ang ganoon. Hindi rin nya maisip kung bakit hindi manlang ako nagaya sa kuya ko.
He's like a whole different version of me. We are considered as twins dahil halos minuto lang ang pagitan ng pagkapanganak sa aming dalawa but we're not physically alike.
Physically and even mentally.
After completely dressing up, binuksan ko ang nagiisang bintana sa kwarto ko. Wind started to blew my hair off at napapikit ako habang dinadama iyon.
Another day to enjoy being a bookworm, huh?