Chapter 3

3083 Words
Julie Pearl POV "Arghhh! Kailan ba sila titigil kakatanong sa akin?!" itinapon ko sa paanan ng kama ang cellphone ko. Ilang araw na akong nakakulong sa bahay ng magulang ni Ash at ito na nga kada open ko ng f*******: ko lagi nila akong tinatadtadan ng tanong kung totoo bang boyfriend ko si Ash o kung paano naging kami na ginayuma ko ba siya o ano! Seriously? Ako gagayumahin ang isang tulad nun? Neknek nilang lahat ano akala nila sa beauty ko? Sabog sabog na nga ako tapos sabog pa ang notification ko sa f*******: sabog na din ang cellphone ko sa kakatawag ng pamilya ko lalo na ang boss ko. Maloloka na nga ako sa nangyayari sa isang iglap bigla na lang nagbago ang lahat. Simpre maliban sa mukha kung maganda pero inuulit ko sabog nga lang. "Kasalanan to ng lalaking yun ang sarap niyang ihagis sa manila bay habang palutang lutang ang katawan nakakainis! Kailan ba ako makakauwi?!" kung pwede ko lang sanang sabihin na hindi ako ang girlfriend niya pero malabong mangyari yun dahil walang maniniwala sa'kin. Simpre sino ba namang tanga ang ipapakilala ka ng isang sikat na actor tas sasabihin ko lang na hindi yun totoo. Malamang sa malamang babatusin na naman ako ng mga basher. Ngayon pa nga lang na napakilala ako ng kumag na yun ay may mga nababasa na akong hate comments para namang gusto ko ang nangyari sa akin kung makabatikos sila. Tumayo ako mula sa kama na inuupuan ko kanina. Inimagine ko na sinusuntok at sinisipa ko si Ash Vladimir dahil sa galit ko ay binilisan ko pa ang pagsuntok sa imaginary Ash na nasa harapan ko. "Nababagay sayo yan!" kinuha ko pa ang unan at binato ko iyon sa harapan ko. "Bwesitt ka sa buhayy koo!" kumuha ulit ako ng unan at yun naman ang pinagsusuntok ko. "Ang lakas ng loob mong ipakilala akong girlfriend mo! Hoy para sabihin ko sayo hindi ko pinapangarap na maging boyfriend kita!!" nanggigigil kung itinapon ang unan tumama iyon sa gilid ng pintuan. Nanlalaki naman ang mata ko nang nakita ko doon si Ash na nakasandal habang nakacross arm pa na nakatingin sa unan na itinapon ko. "Tapos kana ba sa kabaliwan mo? FYI, wala akong choice kundi ang ipakilala kita bago mo pa maipagkalat yung secreto ko." umayos siya ng tayo nagpamulsa ito at naglakad lakad sa loob ng kwartong inuukupa ko. "Pinapatira na nga kita dito burara kapa. Hindi ba uso sayo ang maglinis?" lumingon siya sa akin habang nakataas ang kilay tumaas din ang kilay ko sa kanya. Ano naman kung magulo ang kwartong inuukupa ko salanan din naman niya kung bakit dinala-dala pa niya ako dito. "Kung ayaw mo ng burarang tao edi pauwiin mo na ako ganon lang naman kasimple yun." sa loob ng ilang araw na nandito ako ilang beses ko ng sinubukan na makatakas pero hindi ko naman alam na punong puno ng guard ang bahay nila. Yung tipong pang men in black talaga ang peg. Nakakaloka sila biruin mo tinutukan nila ako ng b***l hindi lang isa kundi limang b***l ang nakatutok sa akin. Hindi ako takot sa isabg b***l pero takot ako sa limang b***l takot ko na lang na maputukan ang utak ko. "Magpalit ka ng damit mo, may pupuntahan tayo." ani niya bago ako iniwan ng mag-isa. "Hoyy tekaa! Saan tayo pupunta? Iuuwi mo na ba ako?!"sigaw ko sa kanya pero huli na dahil nakasara na ang pintuan. "Uuwi na kaya ako?!" excited kung tanong sa sarili ko.  Uuwii na ako yesss!! Nagmamadali akong naligo at inayos ang sarili ko. Kailangang maging presentable ako sa mga magulang ko dahil sigurado ako na uusisain nila ako. Kailangan ko silang mapaniwala na hindi ko totoong boyfriend ang lalaking yun. Nang matapos akong naligo ay agad akong nagtungo sa kabinet kung saan ko inilagay ang pinabiling damit ni Ash sa akin habang namamalagi ako dito sa bahay nila. Napilit ko ang isang floral red dress at isang pares ng high heels. Natingin ako sa floral dress na suot suot ko nakalugay din ang mahaba kong buhok tumingin ako ng diretsyo sa salamin at ngumiti ako. "Kaya mo to! Dapat mapaniwala mo sila Julie Pearl kung ayaw mong mapalo ng sinturon." tumango pa ako sa salamin bago ko napagpasyahan na lumabas nang kwarto tutal kanina pa naghihintay si Ash sa labas. "Bakit ang tagal mo? Akala ko kinain kana ng banyo sa tagal mo." halata ang pagkairita sa boses nito pero nakatuon naman ang pansin niya sa cellphone nito. "Wala kang pake kung kinain man ako ng banyo o hindi." naglakad ako paliko pero natigilan ako dahil hinila niya ang damit ko patalikod. "Ano ba! Sisirain mo ba yung damit ha?!" singhal ko sa kanya sa inis. Mahal pa naman nito tapos hihilain niya lang kahit na siya pa ang bumili nito wala along pake eh sa mahal nga. Mas mahal pa nga tong damit na to kaysa sa cellphone ko eh. "Saan ka pupunta? Dito yung daan." itinuro niya ang kanang bahagi ng pasilyo. Napakurap-kurap naman ako dahil sa sinabi niya pahiya ako doon. "Dapat sinabi mo agad." ani ko sa kanya bago ko siya nilagpasan. Napapikit ako ng nalagpasan ko na siy ang tanga-tanga mo talaga dapat nagtanong ka muna! Ayan tuloy nagmukha ka na namang baliw sa harapan niya. Kahit ilang araw na ako nandito nalilito pa rin ako sa pasikot sikot dito kaya lagi akong nahuhuli ng mga guard. "Parang alam na alam mo ang pasikot sikot sa bahay ko ah." ani niya at nauna sa akin. Napaismid naman ako sa sinabi niya kailangan pa bang ipamukha yun sa akin? Sana pala hindi ko na lang siya nilagpasan kanina mas lalo pa akong napahiya dito eh. Hindi na lang ako nagsalita at sinundan siya. Pagkalabas pa lang namin ng mansion nila ay may nakaparada na isang limousine sa harapan ko. Napatanga ako dahil sa nakita ko ngayon lang ako nakakita ng ganitong sasakyan. "Ano pang ginagawa mo dyan? Mahuhuli na tayo!" napaitlag ako sa sigaw ng kumag na to hindi naman ako bingi pero kung makasigaw parang ang layo layo niya sa akin. Sobra kasi akong namangha sa nakita ko. "Oo na ito na! Palibhasa ang pangit pangit mo." bulong ko sa huling sinabi ko. Nauna na itong sumakay sa akin at sumunod naman ako sa kanya papasok sa limousine at mas napanganga ako sa nakita ko sa loob. May sofa na pwedeng higaan hindi lang yun meron din tv at sa gilid ay may mga alak na nakadisplay. Napa wow na lang ako ng wala sa oras. "Sayo ba to?" excited kong tanong kay Ash na nakasandal ngayon sa sofa. "Ano sa tingin mo?" bored nitong tanong sa akin. Tinignan ko naman siya ng masama kahit ilang minuto man lang sana na maayos siyang kausap pero malabong mangyari yun sa kagaya niya. "Ang ganda mo talagang kausap no? Grabe nakakatuwa ka." sarcastic kong sabi sa kanya. Kung pwede nga lang siyang tadyakin palabas ng limousine ginawa ko na. "Saan ba tayo pupunta? Kanina pa ako nagtatanong sayo wala pa rin akong nakukuhang sagot." Ibinaling niya ang ulo niya na nakasandal sa sofa sa direksyon ko. "Makikita mo din at pwede bang itikom mo muna yung bibig mo? Wala pa akong pahinga, kahit sampung minuto lang ok na sa akin kailangan ko din ng tulog." Kita ko ang pagod sa mukha nito kaya mas pinili ko na lang na manahimik. Nakapikit na ito pero nanatiling nakabaling sa gawi ko ang mukha niya. Mukhang hindi nga ito nakatulog dahil sa laki ng eyebags nito. Sa ilang araw kong pamamalahi sa bahay nila ngayon ko lang ulit siya nakita simula ng iwan niya ako sa bahay nito kasama ang sandamakmak na guard nito para bantayan ako. Talagang nag hired pa ito ng guard sa takot na makatakas ako. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa loob ng mga araw na hindi ko siya nakita pero halatang wala itong maayos natulog. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nasa byahe naging abala kasi ako sa pagtitig sa mukha nito. Medyo maawa ata ako sa itsura niya well kahit sino naman maawa sa kung makikita nila ang mukha ngayon ni Ash. Masasabi kong hindi ko masisisi ang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya dahil gwapo ito at may matipuno ding pangangatawan. Ipinaglandas ko ang tingin sa macho nitong katawan at napatango tango ako. "Macho nga." bulong ko sa sarili ko. Ilang minuto pa ang lumipas ay naramdamang kung huminto na ang sinasakyan namin. Sakto din na iminulat ni Ash ang mata nito kaya napaayos ako ng upo. Mabilis pa sa alas kwarto na umiwas ako ng tingin bago pa niya ako makita na nakatingin sa kanya. Baka kung ano na namang isipin ng kumag nito at sabihing pinagnanasahan ko siya kahit hindi naman... well sinabihan ko lang naman siyang macho pero hanggang doon na lang. "Nandito na tayo." ani ko sa kanya pero nakasimangot naman siyang tumingin sa'kin. "Halata naman diba na nandito na tayo? Kaya nga huminto na yung kotse eh." binulong pa nito ang huli niyang sinabi per narinig ko naman. "Tsk pilosopo talaga kahit kailan." pinaringgan ko siya pero hindi naman na ito tumungon sa akin. Bala na kasi siya sa pag aayos niya ng sarili bago lumabas ng limousine. Lalabas na din sana ako ng ilahad niya ang kamay nito habang nasa labas siya. Napatitig ako sa kamay niya na nakalahad pagkatapos ay tumingin ako sa kanya. "Tara na siguro naman tama na yung mga picture na nakuha nila." ani nito. Doon ko lang napagtanto na may mga reporter na kumukuha ng litrato sa amin. Siya na mismo ang kumuha ng kamay ko pero hindi lang yun ang ginawa niya dahil inilagay niya sa ulo ko ang kamay nito para hindi ako mauntog sa paglabas ko. "Ang sweet ni Ash!" "Ashh akin kana lang ulit pleaseee!" "Whhaa babyy Ashh!" kanya kanyang sigaw ng mga fans ni Ash na nanonood. "Mr. Vladimir gaano na kayo katagal ni Ms. Bucsit?" "Anong masasabi mo sa mga basher na bumabatikos sa girlfriend mo?" "Ms. Bucsit bakit mo inilihim sa media na girlfriend ka ni Ash Vladimir?" "Ngayong napakilala niyo na ang girlfriend niyo may balak na ba kayong magpakasal?" natingin ako sa reporter na nagsabi nun. Wala sa sariling napangiti ako ng naramdaman ko ang kamay ni Ash na pumalibot sa bewang ko. Tuloy naman ang tanong at sigawan ng mga fans ni Ash at mga reporter na intriga sa relasyon namin kuno na wala naman katotoohanan. Kahit ni isang tanong ay wala kaming sinagot ni Ash. Buti na lang at dumating na ang mga guard para harangan ang mga reporter kaya nakadaan kami ng maayos. "Bakit tayo nandito?!" mahina pero madiin kung tanong kay Ash ng makita ko na papunta kami sa isang tv show. "May interview tayo dito wag kang mag-alala ako na ang bahalang mag kwekwento sa kanila kung paano tayo nagkakilala." hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. Iba't ibang sinaryo na ang pumasok sa utak ko dahil sa sinabi niyang siya na ang bahalang mag kwento pero halata naman na hindi yun mangyayari kasi sa akin matutuon ang interview ng host. Pumasok kami sa elevator at siya mismo ang pumindot kung saan palapag kami pupunta. Napahawak ako ng mahigpit sa braso niya. "Ayokong gawin to Ash." "Wala ka namang dapat gawin kundi ang umupo at umoo lang sa mga sagot ng host kung hindi gumawa ka ng istorya." kalmado nitong sabi sa akon. "Gusto mo akong magsinungaling para sa career mo?" ani ko sa kanya. "Wala ka din namang magagawa dahil nandito na tayo." ani niya. Bago kami lumabas sa elevator at hinila niya ako papasok sa isang kwarto. "Ayusin niyo siya." utos nito sa mga make up artist na nandoon. "Nako ang ganda talaga ng girlfriend mo Ash." puri sa akin ng isang baklang make up artist. Napangiti naman ako ng pilit sa sinabi niya. Gusto ko sanang umangal pero sinabihan niya ako ng maganda kaya wag na lang sayang naman yung puri niya kung aangal lang ako sa kanya. Pero ayokong mag ayos dahil mas mabuti pang wag na lang akong mag ayos tutal hindi naman totoo ang relasyon na sinabi nito sa mga tao. "Ayokong mag-ayos!" pinanlakihan ko si Ash ng mata. Kung pwede lang maging madugis na iharap niya ako sa tv ok lang sa akin basta matigil na itong kahibangan nito. Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa. "Girlfriend kita kaya dapat magmukha kang tao kahit papaano." ani nito bago ako iwan napasinghal naman ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Ako mag mukhang tao? Eh tao naman talaga ako anong akala niya sa akin unggoy na nawawala?! "Ms. Julie dito po tayo." iginiya ako ng isang baklang make up artist paupo. Nakagat ko ang labi ko dahil sa inis gusto mo ng ganitong gyera? Pwes ibibigay ko sayo ang gusto mong laban. Mabilis lang akong inayusan ng make up artist dahil mag-uumpisa na ang show sa loob ng ten minutes. "Mas lalo kang gumanda Ms. Julie." nakangiting ani sa akin ng baklang make up artist. Ngumiti naman ako sa salamin. "Talaga ba? Salamat." tipid kong papasalamat sa kanya bumukas ang pintuan at pumasok si Ash. "Tara na mag-uumpisa na tayo maya-maya." inalalayan pa niya akong matayo sa inuupuan ko. Gusto ko siyang taasan ng kilay dahil alam kung arte lang lahat ng ginagawa niya. "Kaya ko namang tumayo magisa." ani ko sa kanya tignan natin kung saan aabot ang pagpapanggap mo. "Alam ko pero gusto pa rin kitang alalayan." para namang bulate na kinikilig ang baklang nag make up sa akin. "Ang sweet mo talaga Ash." kinikilig nitong kumento gusto ko sanang magsuka pero hindi din natuloy. "Sige mauuna na kami ahh salamat." pagpapasalamat ni Ash sa nagmake up sa akin bago kami umalis ang nagtungo sa set kung saan ang tv show. Nagsasalita na ang host sa tv show ng makadating kami sa backstage napasulyap naman ako kay Ash na diretsyo lang ang tingin pero nakahawak siya sa kamay ko. Humanda ka Ash Vladimir ipapakita ko ngayon kung sino ang kinakalaban mo. "Alam naman natin na naging trending ang biglaang pagpapakilala ni Ash Vladimir sa long time girlfriend nito at ngayon nga makakasama natin sila dito para sa mga ilang katanungan na gusto niyo ding masagutan. Let's welcome Ash Vladimir and Julie Pearl Bucsit." magkahawak kamay kaming lumabas ni Ash sa back stage. Pareho kaming nakangiti sa camera. "Welcome sa inyo napa-kaperfect niyong couple." "Thank you." nakangiting sagot ni Ash. Nakipagbeso-beso naman ako sa host bago  sumagot sa kanya. "Thank you sabi nga din nila." "You can seat down, first I would like to thank the both of you dahil pinaunlakan niyo ang invitation na ipinadala ko." sabi ng host sa amin ng makaupo kami ni Ash. "It's our pleasure to be here in you show besides we are planning to tell our love story here." nakangiting sabi ni Ash sa host para namang kinikilig ang host dahil ang lawak ng ngiti nito sa labi. "I would like to congratulate the two of you. Alam naman namin na sobrang tagal niyo na and finally nakilala ka na namin Ms. Julie Pearl at isa kang reporter." manghang ani ng host. "Thank you sa mga sumusupporta sa relasyon namin ni Ash. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ipinakilala na nga ako ni Ash sa media." naramdaman ko na humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko ni Ash pero 'di ko siya pinansin. "Ash ano namang masasabi mo dahil ngayong napakilala mo na ang girlfriend mo sa aming lahat. May ibang mga tao na hindi gusto ang relasyon niyong dalawa dahil reporter si Julie Pearl. " tanong ng babaeng host. Sikat din ang tv show na ito pero hindi ko kilala ang host. "Simpre sobrang saya ko dahil hindi na kami magtatago sa media. I'm very thankful because she always understand me specially when I have no time for her so for those who doesn't accept our relationship I will not force you to accept us but please respect our relationship. You can bash me but not my girl, you don't even know her so stop bashing her. We love each other and nothing will change about that." ewan ko ba pero may konting tumusok sa puso ko dahil sa sinabi niya. Nasaktan ako doon ng konti dahil alam ko na hindi naman yun para sa akin. Ang gaga ko bakit naman ako nasaktan doon eh wala nga kaming relasyon at hindi ko naman siya ganon kakilala eh. "Aww that's so sweet." ani ng host. "How about you Julie Pearl? We would like to know how did you met each other and ended up here." tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanila. "Nagkakilala kami sa Baguio pareho ata kaming nasa bakasyon nun aksidente ko siyang natulak dahil naapakan niya yung bracelet ko na nahulog. Pagkatapos nun lagi na kaming nagkikita hanggang sa ligawan niya ako." makahulugan pa akong tumingin kay Ash. Gusto mong mag sinungaling ako ah. "Naalala mo ba nung nililigawan mo ako? Pinagsuot kita ng bestida para lang malaman kung gaano mo ako kamahal." nakita kong namula ang mga mukha niya dahil sa sinabi nito. "Whoa talagang mahal na mahal ka niya dahil ginawa niya yun." mangha naman na ani ng host. Tumango naman ako sa kanya. "Actually may litrato niya ako." kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita ko iyon sa kanya. "Baby hindi naman nila yun kailangang malaman." nakangiting ani niya sa akin pero kitang kita ko sa mga mata nito ang galit at pamumula ng mukha nito. Nakita ko kasi ang litrato niya na nakasuot ng bestida. Nakadisplay kasi iyon sa frame na nasa sala kaya pasimple ko iyong kinunan ng litrato gamit ang cellphone ko balak ko nga sana iyong pamblackmail sa kanya para pauwiin na niya ako. "Hindi lang yun ang ginawa niya, nilutuan niya din ako ng paborito ko kaya nainlove ako sa kanya." tinaas baba ko pa ang kilay ko kay Ash. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. "Humanda ka sa akin mamaya." Nakipagtitigan ako sa kanya. "I love you too." napatili naman ang host dahil sa sinabi ko. Para naman siyang natigilan dahil sa sinabi ko. "Isang kiss naman dyan!" tukso sa amin ng host. Natauhan naman ako dahil sobrang lapit pala ng mukha namin lalayo na sana ako pero pinigilan niya ako. Malamnan siyang nakatingin sa akin kaya napalunok ako dahil sa mga mata nito na para akong hinihigop. "Kiss daw." paos nitong ani bago sinakop ang labi ko. Yung first kisss kooooo!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD