Nanliliit ang mga mata ko habang nakatingin kay Mark. Mukhang hindi talaga kami aalis kung hindi ako magpapalit ng damit kagaya ng gusto niya! Pwede ko naman siyang sundin lalo na kung boyfriend ko siya! Pero dahil wala namang kami ay litong-lito na naman ako sa mga ginagawa niya! Why the hell would he be this protective towards me if he doesn’t see me as someone he can date? Nakakalito talaga! He is giving me mixed signals! I hate it! “Yura–” “You are asking me what I want?” diretsong tanong ko habang seryosong nakatitig sa mga mata niya. Tumango siya agad at naging malamlam ang mga mata. “Oo,” sagot niya at saka umayos ng upo. “Anong gusto mong gawin ko para lang palitan mo ‘yang suot mo?” muling tanong niya. Tuluyang nanliit ang mga mata ko. Ano namang karapatan mo na ipagdamot ang

