“Mark and I are communicating more often than usual these days, Mau. Hindi na niya ako tinitipid sa mga replies niya!” Ngiting-ngiti ako habang nagkukwento kay Mau dahil nararamdaman ko talaga na may nagbago sa mga kilos ni Mark nitong mga nakaraang araw dahil sa ginawa kong pag-iwas sa kanya. Sa sobrang hiya ko sa sinabi ko noong nag dinner kami kasama ang kliyente at anak nito ay ilang araw akong hindi pumunta sa Mijares Trine dahil pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin na harapin si Mark pagkatapos ng sinabi ko! Isang taon na mahigit simula noong nangyari ‘yon sa amin pero hindi naman talaga nawala sa isip ko kahit saglit kaya sobrang hiyang-hiya ako sa kanya. Siguro ay nakalimutan na nga niya ang tungkol doon pero dahil pinaalala ko ay naalala niya ulit! “Sumasagot na rin siya sa aki

