๐๐ซ๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ฎ๐ž

653 Words
๐˜๐ฎ๐ค๐ข Hannah Written by: Lheanne Roxas โ€œ๐€๐ง๐  ๐€๐ง๐ ๐ก๐ž๐ฅ ๐ฌ๐š ๐‘๐จ๐จ๐Ÿ๐ญ๐จ๐ฉโ€ --- Hindi maingay ang Building 7 ng Monteverde Residences. Sa pito na palapag ay kupas na ang pintura, pero walang alikabok na hindi pinupunasan. Walang tambay sa lobby, walang sigawan kapag gabi na. Para sa mga nakatira doon, ang katahimikan ay hindi kakaiba. Normal at ligtas. Doon nakatira si ๐‡๐š๐ง๐ง๐š๐ก ๐Œ๐ž๐ง๐๐ž๐ณ. Sa edad na 18, siya ang may pinaka-matahimik na pangalan sa directory ng building. Hindi siya mahilig mag complain at ayaw nya ng atensyon, tahimik lang, na para bang walang problema ang magtatagumpay na makakapagpapigil sa mahinhin nyang tawa. Tuwing umaga, makikita mo siyang bumababa ng hagdan, dala-dala ang brown paper bag na may mainit na pandesal at kape para kay Aling Nena sa 2nd floor. Ngumi-ngiti lang siya, tapos aakyat na ulit. Walang i********: si Hannah, walang t****k or any social media platforms, at lalong wala itong naging boyfriend. Ang kwarto niya ay nasa 6th floor, amoy lavender at sabon ng araw. Sa isang sulok, nakatayo ang lumang ballet barre. Kahoy ito ng papa niya. Dati kasi siyang sumasayaw sa isang maliit na studio sa Recto. Dati pa yun, dahil tatlong taon na ang lumipas mula nang huminto siya. Hindi dahil napagod. Kundi dahil may nangyari. Hindi niya ito ikinukwento sa kahit sino, at hindi na rin nagtatanong ang mga kapitbahay. Ang alam lang nila, tuwing Biyernes, eksaktong 12:00 ng gabi, maririnig mo ang mahinang himig ng sirang music box mula sa rooftop. ๐’๐ฐ๐š๐ง ๐‹๐š๐ค๐ž. Paulit-ulit. Parang dasal. At kung titingala ka, may anino doon. Si Hannah. Naka-puting nightgown na halos sumayad sa bukong-bukong. Habang ang paa niya ay naka-tiptoe sa malamig na semento, kahit walang ilaw, kahit walang palakpakan. Ang itim niyang buhok ay humahabol sa hangin sa bawat ikot, parang ulap na ayaw maiwan. Para siyang anghel na naligaw sa lupa, na hindi pa handang lumisan. Si ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž๐ซ ๐‹๐ข๐ณ๐š ๐–๐ข๐ฅ๐ฅ๐ข๐š๐ฆ ang unang nakaramdam na may mali. 34 anyos na sya, pitong taon na sa trabaho at matulis ang pakiramdam. Hindi naniniwala sa salitang โ€œaksidenteโ€ kapag may pulang bakas sa sahig. Kakalipat lang niya sa Unit 101. Mura ang renta at malapit lang sa presinto. Hindi niya pinili ang kaso ni Hannah Mendez. Pinili siya nito mismo. Nagsimula ito tatlong linggo bago ang gabi ng pagtalon. Isang liham. Walang pangalan at nakasulat sa pulang tinta. --- โ€œ๐Š๐š๐ฉ๐š๐  ๐ง๐š๐ค๐ข๐ญ๐š ๐ฆ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ฐ ๐ฌ๐š ๐›๐ฎ๐›๐จ๐ง๐ , ๐ก๐ฎ๐ฅ๐ข ๐ง๐š. ๐‡๐š๐ง๐š๐ฉ๐ข๐ง ๐ฆ๐จ ๐ค๐ฎ๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ซ๐จ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ง๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐ก๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ก๐š๐ค๐›๐š๐ง๐ .โ€ --- Akala ni Liza, biro lang. Hanggang sa nagsimula na syang makarinig ng music box tuwing gabi. At nakita niya si Hannah isang gabi, nakatayo sa mismong gilid ng rooftop. Ang mga daliri ng paa nito ay nakadiin sa gilid, habang naka angat namaan ang dalawang braso nito sa ere at nakayuko lang sa baba. Hindi siya gumagalaw. Hindi umiiyak. Parang maypinapanood sa baba. Kinabukasan, nagising si Liza sa sariling kama, humihingal. Ng pumunta si Liza sa rooftop ay wala na si Hannah dun. Naka-lock ang pinto mula sa loob. Walang bakas ng pakikibaka o kahit sigaw. Sa rooftop, isang puting music box lang ang naiwan at basa ng hamog. At sa ilalim ng building, may isang madilim na guhit sa semento. Sabi ng mga pulis: Suicide ang dahilan. Pero sabi ni Liza: Hindi basta tumatalon ang isang babaeng nagtiptoe pa bago bumagsak. Ngayon, ang tanong ay naiwan sa hangin ng Building 7: Ano ang dahilan ni Hannah? At bakit kailangan niya ng tao'ng mag tuturo sakanya ng huling hakbang ng ballet bago siya mawala? Habang nasa taas ng rooftop si Liza ay napayuko sya sa baba. Sa labas, normal ang lahat. Ang mga bata ay masayang naglalaro. Ang mga tindahan ay bukas na. Ang elevator maugong paminsan-minsan. Pero sa rooftop, ang music box ay muling matutulog... Hanggang sa susunod na Biyernes, 12:00 ng gabi. At sa pagkakataong iyon, hindi na si Hannah ang sasayaw. โ€ข โ€ข โ€ข
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD