Isang Malaking Tukso. 1

4718 Words
KABANATA 2 SOPHIA "Why not? I'm sure tutulungan ka ni Daddy. Hindi mo naitatanong, Ate. Magaling lumangoy si Daddy. Atleta ito nung nag aaral pa ito sa kolehiyo at palagi itong lumalaban sa iba't ibangg schools at madalas itong nananalo. Teka, ako na lang ang mag sasabi. Nasaan na ba si Dad?" Nakangiti kong sabi kay Ate Pam.  Pumatingin tingin ako sa paligid at tinanaw ng paningin ko kung nasaan na si Daddy nag punta. "Naku, Sofi. Wag na lang kaya at nakakahiya sa Daddy mo. Baka maistorbo pa natin. Saka busy na tao iyon, diba." Nahihiya nitong tugon sa akin. Natawa na lang ako sa iginawi nito. Natutuwa talaga ako dito kay Ate Pam. Ang Inosente lang kasi ng dating nito. Lalo na ngayon na nahihiya ito sa akin. "Okay lang ito, Ate Pam. Para yun lang, eh. Ako ng bahala. Para din ito sa kapakanan mo. Saka wag kang mag alala. Lahat ng anumang naisin ko ay nakukuha ko kay Dad." Kumpiyansa at nakangiti kong tugon rito. Mayamaya lang ay nakabalik na din si Daddy. Pumatingin muna ito sa gawi namin bago ito nag dive sa pool. Pakitang gilas din talaga ito sa amin. Magaling talagang lumangoy si Daddy. Mala Michael Phelps nga ang galawan nito kapag nasa tubig ito. Son of Poseidon pa nga ang taguri dito noong nasa kolehiyo pa ito, sabi sa akin ni Mommy. Madalas daw kasi itong mag uwi ng gintong medalya kapag sumasali ito sa mga patimpalak, lokal man o pang national. Sikat na sikat din daw ito. Hindi nga lang nito naipag patuloy pa ang hilig nito dahil maaga nga itong pumasan ng responsibilidad. Gayunpaman, hindi naman nawala ang hilig nito sa pag langoy. Naka ilang laps muna ito bago nag pahinga sa may dulong bahagi ng pool. Nang mapatingin ako kay Ate Pam ay kitang kita ko ang pag hanga na bumakas sa mga mata nito. At syempre bilang unica hija ay nakaramdam ako ng pagka proud kay Daddy.  Sobrang gwapo rin talaga nito lalo na sa itsura nito ngayon at sa posisyon nito. Para itong modelo at nag pipictorial sa ayos nito. Naalala ko yung sasabihin ko pala kay Daddy, kaya naman tinawag ko ang pansin nito. "Daddy, halika dito. May sasabihin ako sa'yo?" Sabi ko dito. Subalit deadma lang ito sa tawag ko. Mukhang malalim ata ang iniisip nito kaya hindi ako narinig, kaya naman tumayo na lang ako para puntahan ito sa pwesto nito. Nang makalapit ay agad kong kinalabit ito. Nagulat naman itong napalingon sa akin. Natawa tuloy ak osa reaksyon nito. Masyado namang tense to si Dad. Hahahaha. Ako lang to Dad. "Kanina pa kita tinatawag, Dad. Ano bang iniisip mo at parang nalipad sa kung saan ang isipan mo? May problema ka ba, Dad?." Tanong ko rito. Umiling iling lang ito at napangiti. "Wala, My Princess. About sa business lang ito, wag mo akong initindihin. Bakit mo nga pala ako tinatawag?" Tanong nito sa akin pag karaan. "Ahmmm.. kasi nga Dad, ganito. Hmmmmm... Gusto ko sana kasing bumawi kay Ate Pam. And you know naman na parang kasalanan ko rin, kung bakit sya muntik ng malunod kanina. Maari mo ba syang turuang lumangoy, Dad?"Mahabang sabi ko rito. Agad itong umiling sa sinabi ko. Napasimangot tuloy ako sa sinagot nito  sa akin. Hindi kasi yun ang inaasahan kong sagot rito. at bakit naman ayaw nito? "Bakit ayaw mo, Dad. Naka pag promise na ako kay, Ate Pam. Todo puri pa ako sa'yo kanina, dahil alam kong tuturuan mo sya at hindi ka tatanggi. Tapos ngayon ayaw mo, Bakit Dad?" Tanong ko rito. Hindi ko kasi maunawaan. Ang dali dali lang naman nun kung tutuosin. "My Princess, Eh hindi naman kasi ako pro para mag turo sa kanya ng swimming lesson. Mag hire na lang tayo ng mag tuturo sa kanya, kung gusto mo talaga syang matutong lumangoy. Wag na ako" Nakikiusap na sabi ni Daddy sa akin. Mas lalo lamang ako nairita. "Bakit kailangan pang mag hire ng instructor kung nandyan ka naman, Dad. Sige na kasi Dad,  Please. Saka para mas safe din si Ate Pam. Alam mo naman ang panahon ngayon. Baka kasi bastusin lang sya ng taong mag tuturo pa sa kanya. Atleast, ikaw kilala na nya. Kaya sigurado magiging kumportable sya sa iyo at panatag pa ang loob ko. Saka makakatipid pa tayo nun, Sige na Daddy."Paliwanag ko dito. Disedido talaga akong mapapayag ito. "Hindi problema ang pera, My Princess. You know that, right. Kahit ilan pa ang gusto mong mag turo sa kanya ay okay lang. Wag lang ako." Madiing sagot nito sa akin. "Ayoko nga kasi Dad ng iba, eh. Ikaw ang gusto ko. Please Daddy. Para sa akin na lang. Sige na Daddy, please." Pinalungkot ko na ang boses ko para pumayag ito.  Ito ang secret weapon ko sa kanya, na madalas kong ginagamit pag may nais akong hilingin rito at kailanman ay hindi pa ito pumalyang teknik ko. Nakita kong napatingin ito sa akin. Nag dadalawang isip na ito at alam kong papayag na ito, konting push na lang. Mayamaya pa ay bumuntong hininga ito. Yes! I won.  "Fine. Oo na, gagawin ko na" Natatalo nitong pag payag. Napahiyaw pa ako sa pag payag nito na ikinatawa lang ni Daddy. "Yes! Love na love talaga ako ng Daddy ko. Yahoooooo. Salamat Dad, i love you. Ikaw talaga ang pinaka d best daddy in a whole wide world. Sabihan ko na si Ate Pam, ah. Nang maumpisahan nyo na ang swimming lesson nyo." Masaya kong sabi dito sabay halik sa pisngi nito. Kaya naman excited kong pinuntahan agad si Ate Pam na nakahiga sa upuan. "Ate Pam, okay na. Puntahan mo na si Daddy, para naman maturuan ka na nya. Sabi sayo papayagan yun, eh." Excited kong sabi dito. Napadilat itong tumingin sa akin. "Hindi ba nakakahiya sa Dad mo, Sofi. Wag na lang kaya" Sabi pa nito na nahihiya. "Ano ka ba, ayos lang yun. Halika na nga, Ate. Wag ng kupad kupad pa. Para din sa iyo ito." sabi ko dito sabay hila sa mga kamay nito papunta sa pwesto ni Daddy. Sabay pa kaming lumusong sa tubig ni Ate Pam para hindi na ito mahiya pa. Ramdam ko ang lamig na pumaloob sa katawan ko. Nakakapresko ang lamig ng tubig. "Oh, Dad. Umpisahan mo na ang swimming 101 kay ate Pam. Don't mind me, at mag lalangoy lang din ako dun para hindi ko kayo maistorbo. Sige maiwan ko na kayo. Galingan mo Ate Pam, ha."Sabi ko kay Daddy at pag chicheer pa kay ate Pam. Matapos nun ay agad na  akong pumalangoy palayo sa dalawa. Nang makarating ako sa dulong bahagi ng pool ay tumingin ako sa kanila. Nakita ko pa ngang nagulat si Daddy ng lumapit si Ate Pam dito.  Masyado naman itong nerbyoso si Daddy. Panay coffe kasi ito kaya nagiging magugulatin na. Natawa na lang din si Ate Pam sa naging reaksyon ni Daddy. Nakita ko pa ngang napatingin silang dalawa sa pwesto ko kaya naman nginitian ko na lang sila at nag pakabusy kunwari. Pag karaan pa ng ilang sandali ay napansin kong tinuturuan na ito ni Daddy. Kaya naman inabala ko na lamang ang sarili ko sa pag langoy. Kaya na ni Daddy yun, malaki ang tiwala ko sa kanya. Saka malalaki na sila. Hahaha Ilang beses din ako nag pabalik balik sa pag langoy. Sa may bandang gilid lang ako para hindi ko sila maistorbo. Minsan nga nag papa lutang lutang lang ako, eh. Hinayaan ko talaga sila sa mundo nila. Nakikita kong sinisimulan na ni Daddy ang pag tuturo kay Ate Pam, ng saglit na mapatingin ako sa pwesto ng mga ito. Pinadapa nga ni Daddy si Pam at alam kong hawak nito ang katawan sa may bandang tyan at mga hita nito para lumutang at umangat si Ate Pam. Alam ko na yun, kasi nung bata ako, ay ito rin ang nag turo sa akin. Kaya in no time, tiyak ko ay magiging magaling din ito si Ate Pam. Nang mainip ay umahon na lang muna ako at nag desisyon na humiga muli sa upuang ratan na pahaba. Habang hinihintay ko silang matapos sa lesson ni Ate Pam. Sinuot ko ang aking shades at pumuwesto na ako ng higa. Gosh! Ang sarap talagang mag relax sa panahon ngayon. I love my life talaga. Inilagay ko na sa tenga ko ang airpods at nakinig sa suhesyon kanta sa akin ni Ate Pam, kahapon. Korean song ito na may pinamagatang "Monster" si Irene at seulgi ang kumanta nito ng Red Velvet. Paborito ito ni Ate Pam, Medyo hawig nga sila ni Irene kung tutuusin. Madalas nya itong patugtugin sa kwarto ko sa tuwing nag kwekwentuhan kami. Kaya naman naging paborito ko na rin ito ng hindi sinasadya. Maganda rin naman kasi talaga. I'm a little monster nal geomnae( I'm a little monster, be scared of me ) Neol gweropyeo nae kkumman kkuge hae ( I'm bothering you making you dream only about me ) Nan chum chugo nollae gawinullin neoye ( I'll dance and play as I cast a spell ) Geu mom wie jumuneul geolmyeon ( On your body in a nightmare ) I'm a little monster I'm a little monster Hindi ko alam pero naadik talaga ako sa kantang ito. Si Ate Pam kasi ang may kasalanan nito, na LSS ako ng matindi. Ewan ko ba. Iba yung dating nya sa akin kapag napapakinggan ko ito. Naka repeat lang nga ito sa ipod ko. Mayamaya lang ay hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako. Hindi ko na napansin pa ang swimming lesson na ginagawa ni Daddy kay Ate Pam. Isang oras din siguro mahigit akong nakatulog, dahil sa pag gising ko ay hindi ko na nakita si Ate Pam at Daddy na nasa pool. Hindi na rin nila ako ginising pa. Masyado sigurong malalalim ang tulog na nagawa ko kaya nag pasya ang mga ito na hindi ako gambalain. Ewan ko ba pero nasarapan ako sa pag tulog ko. Ganoon pa rin ang tugtog na naririnig ko sa airpods ko. Pumalingon lingon ako sa paligid, pero wala akong nakitang bakas nila.  Saan kaya nag punta ang mga yun?.  Nag sipag banlaw na ba sila? Matapos makapag inat inat ay tumayo na ako para hanapin sana ang dalawa. Baka nasa loob na ng kabahayan ang mga ito. "Daddy. Ate Pam. Nasaan na kayo?" Sigaw ko ng makapasok na sa malaking sala namin. Walang sumasagot kaya naman naisipan kong silipin sa itinalaga naming kwarto ni Ate Pam. Pumaakyat pa ako sa second floor ng mansion namin at mabilis tinungo ang silid ni Ate Pam. "Ate Pam, nandito ka ba?" Katok ko sa pintuan ng silid nito. Nang walang sumagot ay binuksan ko na iyon. Maayos ang kama nito at halatang hindi pa nahigaan. Sumilip rin ako sa banyo nito ngunit wala rin ito roon. Saan na kaya nag punta iyon? Lumabas na lang muli ako ng silid nito at hinanap ko na lang sila sa buong kabahayan, pero naikot ko na yata ang lahat ng pwedeng puntahan ni Ate Pam ngunit hindi ko pa rin ito nakita. "Ate Risa, nakita mo ba si Ate Pam?" Tanong ko sa kasambahay na nakita ko sa kusina. Umiling iling lang din ito. "Wala po ba, sila sa pool?" Tanong nito sa akin. Itatanong ko ba sa iyo kung nandun sila. Haaay naku, Ate Risa. Hindi ko na lamang ito sinagot at iniwan na ito sa kusina. Saan sila nag suot? Umalis ba sila ng hindi ako sinama. Nakakainis naman. Pag balik ko muli sa pool ay nakita ko doon si Ate Pam na nasa gilid lang at nakasandal ang ulo sa may pader. "Ate Pam!!!!" Tili ko ng makita ito. Medyo nagulat pa ito ng makita ako. Papunta na sana ako sa pwestonito na nasa dulong bahagi ng pool ng pigilan ako nito. "Teka lang, Sofi. Dyan ka lang." Sagot nito sa akin kaya biglang napatigil ako sa pag lalakad. Nangunot ang noo ko sa sinabi nito. "Bakit, Ate Pam?" Tanong ko rito. May ilang minuto rin ang lumipas, bago ako nag desisyon pumunta na sa pwesto nito. Napangisi naman ito sa akin ng di ko mawari. Palusong na sana ako sa pool ng bigla na lamang ako magulat ng bumulaga si Daddy sa tubig. Tatawa tawa ito ng makitang magulat ako, Sinamaan ko lamang ito ng tingin at si Ate Pam. Kaya pala hindi kao pinapunta agad dahil gugulatin pala ako ni Daddy. Nakakinis. "Sorry, My Princess. Nagulat ba kita? Hahahaha" Natatawa pa nitong sabi habang nahingi ng tawad. Sinimangutan ko lamang ito. "Saan pala kayo galing at hindi ko kayo makita ng nagising ako?" Tanong ko sa dalawa. Natigil ang pag tawa ni Dad at pansin kong parang nahigit pa nito ang hininga nito. "Nag tago kami kasi plano na naming gulatin ka ng Daddy mo, Sofi. Hahahaha" Sabat bigla ni Ate Pam. Kaya pala hindi ko nakita ang mga ito biglla dahi lmay balak na pala silang biruin ako. Nakakainis pero nakakatawa. Tinignan ko si Daddy na namula bigla. Nahiya siguro ito sa akin dahil nainis ako. Haaaaay.. Love na love talaga ako ng Daddy ko. "Wag ka na maguilty dyan, Daddy. Okay lang naman. Akala ko umalis kayo ng di nyo ako sinama. Mas mag tatampo ako kung ganoon. Hahaha. Anyway, tapos mo na bang turuan si Ate Pam?" Tanong ko kay Daddy. "Ahh.. Yeah, Sige maiwan ko na kayo at may pipirmahan pa ako sa taas na mga papeles. Enjoy your day" Sabi nito at agad na lumangoy palayo sa amin para umahon na. "Pwede naman dito ito umahon, mas gusto pa talaga doon. Pasikat ka talaga, Dad.!Hahaha" Natatawa ko pang biro dito. Hindi na lang ako pinansin nito at dirediretso ng nag lakad papasok sa bahay. Napansin ko namang nakangisi si Ate Pam, habang nakatingin sa papalayong katawan ni Daddy. Nag tataka man sa inaasta nito ay winalang bahala ko na lamang iyon. "Ano ate Pam, naturuan ka ba ng maayos ni Daddy?" Tanong ko rito. Tinitigan ako nito at nag pasalamat sa akin ng walang humpay. "Oo, ang galing galing mag turo ng Daddy mo, Sofi. Ang dami ko natutunan na technique sa kanya. Sulit na sulit ang pamimilit mo sa kanya. Kaya salamat talaga ng marami, Sofi. You're the best!" Sagot nito sa akin na sobrang nag papasalamat talaga. "Wala yun, Ate Pam. Ikaw pa, malakas ka sa akin, eh. Ang husay ni Daddy noh. Sya din kasi ang nag turo sa akin noong maliit pa ako kaya alam kong matututo ka kaagad sa kanya." Proud na sabi ko rito. "Sobrang galing ng Daddy mo, at ang husay sumisid, Sofi. Da best." Sagot nito sa akin na sumasang ayon sa kagalingan ni Daddy. Nag kwentuhan pa kami ng kung ano anong bagay. Usually mga favorite at hobbies ni Daddy at Mommy ang tinatanong nito. Talagang interesado ito sa mga hilig ng magulang ko. Pati nga mga ayaw ng mga ito ay tinanong rin na magiliw ko namang sinagot ng buong puso. Which is natutuwa naman ako dahil gusto talaga nitong mapalapit sa mga magulang ko. Nang medyo umiinit na at nakaramdam na kami ng gutom ay umahon na kami sa pool at nag tungo na sa aking kwarto. Sabay na kami naligo sa loob ng CR ko. Noong una nga ay nahiya pa itong mag hubad sa harapan ko. Eh, parehas naamn kaming babae kaya naman hindi na ako nahiya dito. Grabe sobrang nagulat ako sa kahubdan ni Ate Pam. Napaka kinis ng balat nito. Pantay pantay ang kulay. Mestiza at ang flawless. Pota.  Nakalagay din sa tamang parte ang mga assets nito. Gaya na lamang ng napaka laki nitong s**o. Bilog na bilog iyon at sobrang laki talaga. Idagdag pang kulay pink ang u***g nito na labis kong ikinainggit dito. s**t sana all. Ang pwet din nito hindi papahuli. Sobrang matambok at ang kinis rin. Kulay pink rin ang kepyas nito ng mapansin ko. Napaka puti rin ng singit nito. Grabe. Napaka perfect. Samantalang sa akin ay hindi masyado kaputian. Nag glugluta naman ako, pero hindi pantay pantay ang kaputian ko. Mas ako pa nga yata ang dapat mahiya sa kahubdan ko at hindi ito. May napansin lamang ako dito. Medyo makapal ang balahibo nito sa gitnang parte ng katawan nito. Maaring ayaw nito na inaahit iyon. Napansin siguro nitong natagalan ang tingin ko sa bahagi iyong ng katawan nito kaya nahiya ito. Lalo na nung nakita nitong ang linis ng sa akin. "Okay lang yan, Ate Pam. Hindi ko mo lang siguro trip ang mag ahit." Sabi ko rito. "Inaahit ba ito? Hindi ba makati kapag tumubo na?" Inosenteng tanong nito sa akin. Tinawanan ko lamang ito. "Ano ka ba, syempre makati pero pag nasanay ka na ay parang wala na. Saka dapat talaga inaalis natin iyan sa kepyas natin. Sanhi kasi yan ng pag kaamoy patis minsan. Gusto mo samahan kita na ipatanggal iyan." Suhesyon ko rito. "Ganoon ba. Sabagay, minsan nga ay ganoon ang naamoy ko. Kaya madalas ako mag hugas. Naku wag na, Sofi. Kaya ko naman na ahitin ito. Pahiram na lamang ako ng pang shaved at madali lang naman ito gawin." Nahihiya nitong sagot sa akin. "Hindi maganda kapag inahit iyan. Dapat nating ipawax yan. Wag ka ng tumanggi basta aalis tayo ngayon at ipaalis natin yan."Pinal kong sabi rito. Kaya naman nag madali na kaming naligo upang makakain na at ng makalis na patungo sa waxing salon na madalas kung puntahan. Nang matapos ay nag bihis na rin kami. Pinahiram ko rin sya ng mga bago kon gdamit na hindi pa nasusuot. Halos mamangha nga ako sa ganda nito ng mabihisan at maayusan ko ito. Tatalunin talaga nito sa ganda ang mga artistang kilala ko. Ivana Alawi ang outfitan nito. Sexy but classy. Nang bumaba na kami at mag tungo sa dining area ay napatanga muli si Daddy ng makita kami nito. Hindi mawala ang tingin nito kay Ate Pam. Proud naman ako sa kinahinatnan ng kasuotan nito dahil ako lang naamn ang stylish nito. "Ang ganda at sexy nya, Dad noh." Tanong ko rito ng hindi pa rin ito nag sasalita. Namula na naman ito. Pansin ko madalas ang pamumula nito kaya mas lalo itong nagging hot sa paningin ko dahil dun. Tumango na lamang ito at inaya na kaming kumain sa hapag kainan. Dahi wala si Mommy ay sa palaging pwesto ako nito umupo. Sa kanan ni Daddy, habang si Ate Pam naman ay nasa pwesto ko madalas. Nasa kaliwa naman sya ni Daddy. Nag sisimula na kaming kumain ng tanungin ni Daddy mayamaya, kung saan ang lakad namin at bakit kung todo bihis pa kami.  Ako na ang sumagot rito dahil hindi naman alam ni Ate Pam ang sasabihin nito kay Daddy. "Mag tutungo kami sa Waxing Salon, Dad. Medyo may ipapagapas lang si Ate Pam na makapal na pananim. Hahaha" Biro ko dito. Mukhang hindi naman na gets ni Daddy ang sinabi ko dahil nag tatanong ang itsura nito na napatingin sa akin at kay Ate Pam. Sasabihin ko na sana dito ang gagawin namin ng biglang sumabat si Ate Pam sa usapan. "Ipapaahit lang namin, Sir Lucas yung makapal kong buhok na tumutubo sa may bandang kaselanan ko." Walang kagatol gatol na sabi ni Ate Pam kay Daddy. Nasamid tuloy si Daddy bigla sa kinain nito at naubo ubo. Mabuti na lamang at maagap din ito na inabutan ng baso na may lamang tubig ni Ate Pam. Tawa ako ng tawa dahil sa nag tataka si Ate Pam, kung bakit nasamid si Daddy. Ang inosente lang kasi ni Ate Pam nung nag tanong sya at wala talaga itong kamalay malay sa sinabi nito kanina at kung bakit nasamid na lang ng ganoon si Daddy. "Haaayy.... Ang inosente mo talaga, Ate Pam. Anyway, gusto mo bang sumama sa amin, Daddy?" Tanong ko rito matapos akong humagalpak ng tawa. Hindi pa rin mawala wala ang pag kapula ng mukha ni Daddy. Umiling ito sa akin. "Kayo na lang, My Princess at marami pa akong tatapusin. Ipapasama ko na lamang sa inyo si Liam." Tipid na sagot nito. Kaya naman kumain na lamang kami ng tahimik at payapa. Kahit minsan napapansin ko na bigla na lamang mapapangiti si Ate Pam at magugulat naman si Daddy. Weird pero yun ang madalas na napapansin ko. Matapos makakain ay tumulak na rin kami sa mall kasama nga si Liam at dumiretso agad sa waxing salon na sinasabi ko kay Ate Pam. Ang Lay Bare. Nag pa wax na rin ako kahit hindi pa ganoon kahaba ang mga buhok ko sa katawan, par hindi mailang si Ate Pam. Super nag enjoy ako dahil ang lakas ng tili ni Ate Pam ng tinatanggalan na ito ng mga buhok sa private part nito. Nasa gilid lang ako nito at nakasuporta rito. Sulit naman ang pag iyak at pag sigaw nito ng matapos ang package na kinuha ko para dito. Mas lalo itong naging katakam takam at lumitawa ang pag kapink lalo ng kepyas nito. Napuri pa nga ito ng nag wax sa aming staff. "Grabe ang kinis mo, Ineng. Ang swerte ng magiging boyfriend mo. Katakam takam ka sa paningin. Napaka ganda mo pa." Sabi ng babaeng staff dito. Hindi naman ako nainggit, proud pa nga ako dito. "Grabe! Kahit masakit ay ang sarap ng pakiramdam ko ngayon, Sofi. Thank you talaga ah. Hulog ka talaga ng langit sa akin. Nakakahiya na sa iyo at puro ikaw na ang nagastos sa akin." Taos puso nitong pasasalamat sa akin. "Wala yun, Ate Pam. Saka wag kang mag alala. Pera naman ito ni Daddy at marami kami nito.  Kaya ayos lamang. Tara may pupuntahan pa tayo. " Pag mamayabang ko rito. Bukod sa pag wawax ay pinag shopping ko rin ito ng mga damit nito at kung ano ano pang magagamit nito. Gay na lamang ng make up, sapatos, accesories at maging bags ay binili ko. Higit sa lahat ay binilhan ko ito ng dress na magagamit nito sa nalalapit kong Debut. Medyo mahuhuli na kasi kung ngayon ko lamang ito mapapatahian, kaya nag desisyon na lamang ako na bilhan ito ng dress. Tuwang tuwa naman ako sa napili ko rito. Sobrang sarap lang nito bilhan ng mga damit dahilklahat ata ng isukat at ibigay ko rito ay bagay dito. Lumilitaw talaga ang kagandahang taglay nito. Wala akong masabi. Sya na ang dyosa talaga. Matapos makapamili ng lahat ng aming bibilhin ay nag desisyon na kaming umuwi na sa mansion. Bitbit ang sang katutak na pinamili namin. Worth it naman ng lahat ng pagod at gastos dahil kitang kita ko kung gaano kasaya si Ate Pam. Ang sarap lang sa pakiramdam na may tao kang natutulungan at napapasaya sa mga simpleng bagay lang. Wala kasi akong kapatid kaya bago sa akin ang pakiramdam rin na ito.  Kung ano ano pa ang gianwa at nilibot namin sa mall. Selfie roon, selfie rito. Nag laro rin kami sa may timezoned. At ng mapagod ay nag ice cream rin kami, bukod pa sa tumambay kami sa roof deck ng mall. Nang sumapit na ang gabi ay nag desisyon na kaming umuwi ng mansion, bitbit ang sangkatutak na pinamili namin. ---------- Dalawang araw bago ang Debut ko ay abala na ang mga tao sa buong mansion. Kanya kanya na ang mga ito na nakatoka sa gagawin, maging ang mommy ko ay punong abala rin sa kanyang pag mamando. Mas marami pa nga itong guest kumpara sa akin. Ito ata ang mag dedebut at hindi ako. Hahahaha Hinayaan ko na lamang ito dahil forte naman nito iyon at alam ko naman na ang kabutihan ko lang naman ang iniisip nito. For promotions na din kasi iyon ng bago namaing resorts, kaya ayos lang sa akin. Maging si Daddy ay hindi mo mahagilap sa mansion. Palagi itong nanuwe ng late na. Marami din kasi itong inaasikasong mga negosyo, kaya hndi na kami masyado nakakapag usap, pero tinitiyak naman nito na okay ako sa tuwing tatawagan ako nito. Madalas nga syang hanapin sa akin ni Ate Pam. Siguro nag tataka ito kung bakit hindi na namin nakakasama si Daddy madalas. Bukas pa kami mag tutungo ni Ate Pam sa resort, dun na kasi kami mag sstay para hindi na kami mahassle pa sa byahe.  Narito kami ngayon sa kwarto ko at nakahiga lang habang nagbabasa ng mga stories sa w*****d. Usually mga stories lang naman nila AmariFlames, JoesunkoOfficial, MonsterTucker, Cxhase, itsme_jed, at Nickolai214 ang madalas kong basahin. Ang gaganda kasi ng mga gawa nila at talagang kapupulutan ng aral. Tamang tama pagiging isang dalisay ko. Hilig din pala nito ang mag basa. At nakakagulat nga dahil marunong ito. Akala ko kasi ay hindi ito nakapag aral. Yun pala ay nakatapos naman pala ito ng highschool. Totoo nga ang kasabihang "Don't judge the book by it's cover". Kalimitan kasi ng mga tao sa pinas ay mga judge, eh.  Mayamaya lang ay umupo ito sa kama at tumingin sa akin. Napatigil tuloy ako sa aking pag babasa at pumatingin rito. "Ano yun, Ate Pam?" Tanong ko rito. Kabisado ko na kasi ito kapag may nais itong itanong o hilingin at nahihiya itong sabihin. Kailangan pa nito ng konting push bago mag salita. "Ahhmmm... Kasi Sofi.. .Wag na kaya, medyo nakakahiya kasi." Sagot nito sa akin at mabilis muling napahiga at dinampot ang tablet kong hawak hawak nito kanina. Binitiwan ko muna ang Iphone ko at inagaw ko ang tablet sa kamay nito at tinignan ito ng mariin sa mata. Katabi ko lamang kasi ito sa kama ko. "Ano yun, Ate Pam?. Sabihin mo na. Alam mo naman na pwede mong sabihin ang lahat sa akin, Diba?" Pang eengganyo ko pa rito na mag salita na. Sumeryoso naman ito bigla at sinalubong ang mga titig ko sa kanya. Mayamaya lang ay napabuntung hininga ito at sinimulan ng mag salita. "Kapag napasok ka kasi sa school mo, Sofi. Diba naiiwan lang akong mag isa dito sa bahay nyo." Simula nitong sabi sa akin. Tumango tango lamang ako rito. At hinayaan itong ipag patuloy ang sinasabi nito. "Medyo nabobored na kasi ako rito. Gusto ko sana, na gaya mo ay may pag kaabalahan naman ako. Maari mo bang sabihin sa Daddy mo na bigyan nya naman ako ng trabaho sa kumpanya nya. Kahit ano, basta yung makakatulong lang ako at magiging busy rin." Sagot nito na bakas ang pag kahiya sa pakiusap nito sa akin. "Sus, yun lang pala. Akala ko naman kung ano na. Walang problema, Ate Pam. Akong bahala dyan. Sabagay nga, naiiwan ka lang dito sa bahay. Sabihin ko yan kay Daddy, kapag nakausap ko na sya." Sagot ko rito. Tuwang tuwa naman itong napaakap sa akin. Kahit kailan talaga napaka inosente nito. Ang pure lang kasi ng kalooban nito. Nalabas sa mukha nito kung masaya ba ito, malungkot, naguguluhan, natatakot. Kaya madali itong mabasa. Kaya nga gustong gusto ko itong kasama madalas. Pinag seselosan na nga ito ng bestfriend kong si Naomi, dahil narito na lang daw ang atensyon ko at madalas nakakalimutan ko na sya. Pinapaintindi ko na lamang na wala kasing ibang makakasama at makakusap si Ate Pam. Samantalang ito napaka dami. Tinuloy na lang namin ang pag babasa ng tahimik. Ilang saglit pa ay nakarinig kami ng mga pag katok mula sa pintuan ng aking silid. "Senyorita, pinatatawag po kayo ni mam sa baba." Tinig ni yaya Risa. Agad naman akong tumayo at binuksan ang pintuan. "Sige Ate Risa, paki sabing papunta na at mag bibihis lamang ako." Sagot ko rito. Naka panty at bra lang kasi ako at hindi pa talaga ako nag hihilamos ng katukin ako ni Ate Pam kanina. "Pinatatawag ako ni Mommy. Dito ka na lang muna, at saglit lang naman iyon. Bihis lang din muna ako." Sagot ko rito. Pumasok na ako sa banyo para mag asikaso. Ilang saglit lang ay lumabas na ako at iniwan ko muna ito saglit sa kwarto ko. Tumango lamang ito at patuloy lang na nag basa sa Tablet na hawak nito. Lingid sa aking kaalaman ay hindi ko pala natanggal ang mga social media accounts ko roon. Kaya malaya nitong nabasa ang mga personal messages ko sa mga kaibigan ko lalo na ang best friend kong si Naomi. Ayaw pa naman ni Naomi kay Ate Pam. Hindi ko rin alam kung bakit pero ramdam daw nyang hindi ito katiwa tiwala. ---1---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD