Chapter 1

1870 Words
This is a work of fiction, everything is just a product of author's imagination. Any names, place, events and happenings are made by the author. And lastly, for the typographical and grammatical errors. The story is not yet done and not yet edited , so bare with it. Thank you. -camxiii °°° "Magkikita kami ni Joco mamaya," nakangiting sabi ni Wanda habang nakatitig sa cellphone niya. "Edi sana all," nakangusong sagot ko. Sana na lang ay makita ko si Uno, 'yung crush ko. Para masaya din ako. "Ano ka ba, nandito naman ako. Hayaan mo 'yan siya, may love life e," sagot din ni JK. A-attend kasi kami ng "The Christmas Eve" or TLC para doon salubungin ang pasko, actually para talaga 'yun sa mga students na walang kasama sa pasko. Gusto lang namin ma-try at ma-experience kung gaano kasaya. "Anong isusuot ko?" "Ito.." pinakita niya sa amin ang red off-shoulder niya at maong na pantalon. "O, ito.." nilabas niya naman 'yung couple shirt nila ni Joco na may nakasulat na 'His queen' tapos ang kay Joco ay 'Her king'. "Ang corny niyo doon mamaya, 'yung red na off-shoulder na lang," pang aasar ni JK. "Si Joco kasi, siya kaya pumili nito," iritang sagot ni Wanda. Namili na ako ng damit ko, 'yung yellow fitted dress na sando style lang ang nakita kong maganda kaya ayun na lang ang kinuha ko. Natapos agad kaming mag handa, kaya umalis agad kami kahit wala pang mga kain. Si Wanda ang nagdrive dahil sa kaniya naman ang kotse. "Mag drive thru muna tayo, nagugutom na ako," reklamo "May baon akong sandwich dito," inabot ko 'yung sandwich na dinala ko, hindi pa naman ako nagugutom. "Hulog ka talaga ng langit, ipapanalangin ko na makita mo ang crush mo," sabi ni JK habang ngumunguya pa ng sandwich. "'Yan ang gusto ko sa 'yo e, the best ka boy!" Inapiran ko siya pero ang sama ng tingin niya sa akin. "Boy ka d'yan?" "Ay.. the best ka girl," inulit ko pa ang sinabi ko kaya ngumiti na siya, ganyan lang pala 'yan mapapasaya sa tinagal-tagal naming magkaibigan. "Bilisan niyo ha, mag hanap na kayo ng puwesto natin," binaba lang kami ni Wanda sa entrance ng school at dumeretso na siya sa parkingan. Madami ng tao kaya medyo nasa gitna kami, tinawagan na lang namin si Wanda para malaman kung saan ang puwesto namin. "Ang boring pa, upo muna tayo," Umupo kami sa may damuhan, malinis naman 'yun kaya ayos lang. Napatayo kami bigla ng may tumugtog na na banda. Sad song 'yung tinugtogtog nila pero parang rock vibes. "Nasaam na daw si Joco?" Sigaw ko na pa bulong kay Wanda, hindi na kami magkarinigan sa sobrang ingay sa field. "Nandyan na daw, hayaan mo na siya. Pupunta na alng 'yun dito," "Magandang gabi sa inyong lahat!" Sigaw ng host. "Naaalala niyo pa ba ako?" Nagsigawan naman sila. "Okay sa mga bago sa school natin, i'm your president and your host for tonight, Yena Marinduque!" Nagsigawan ang fanboys niya, sikat kasi siya kaya nanalong president kahit wala namang leadership. Maganda din kasi kaya malakas sa lalaki. "So tonight will be the night of you all, hug and dance with your partners dahil bago tayo mag countdown, here's a love song for you all!" "Hala, ang unfair niyo!" Sigaw ni JK, tinawanan lang siya ni Wanda na kasama na si Joco ngayon. "Tayo na lang mag sayaw, Jing. 'Wag ng choosy ha, nandidiri din ako," sabi niya at kinuha ang kamay ko para isayaw ako. "Hi miss, taga saan ka?" Nag boses lalaki siya at umaktong lalaki. "Yuck!, 'Di ko kaya, kadiri," agad nag iba ang boses niya kaya ah tinawanan ko na alng siya sa kalokohan niya. Natapos din agad 'yun dahil magka-countdown na. Ilang segundo na lang ay pasko na. Ten.. Nine.. Eight.. Seven.. Six.. Five.. Four.. Three.. Two.. One! "Merry Christmas!" Kasabay niyan ang pag kalat ng fireworks sa langit, 'yan lang ay enjoy na enjoy na ako. Ni hindi ko pa nakikita ang crush ko. Tumalon lang ako ng tumalon sa sobrang saya, hindi ko na nga namalayan na tumatalon na ako patalikod. "Ay sorry po," sabi ko nang may mabangga ako. Parang nawalan ako ng hininga nang makita ang mukha niya, hindi ko alam kung iiyak ba ako dahil nakita ko siya ng malapitan o dahil naapakan ko ang mamahalin niyang white shoes. "Ayos lang," para akong nabingi dahil nawala ang sigawan ng mga tao at siya lang ang narinig ko. "Oh, s**t," napakamot siya sa ulo niya nang makita niya ang sapatos niya na naapakan ko. "Pre, bakit?" Sabay na tanong ni Joco at 'yung isa pa niyang kasama. "Ay hala!" Gulat na gulat silang apat nang makita ang nagawa ko. "Sorry talaga, Uno. Papalitan ko na lang sorry," parang maiiyak na talaga ako dahil sa ginawa ko. Mukha siyang galit pero kalmado lang, parang pinapatay niya na ako sa isip niya. "Hindi, ayos lang," nginitian niya lang ako at hindi na 'yun pinansin. "Kilala mo siya mahal?" Tanong ni Wanda kay Joco. "Ay, oo. Mga bago kong kaibigan, si Uno and si Kid," pagpapakilala niya pa. Niyugyog ako ng mahina ni JK nang ilahad ni Uno ang kamay niya sa harap ko. Kukuhain ko na sana 'yun nang maunshan ako ni JK. "Jan Kyle," pabebe niyang sabi. Nakatulala pa rin ako habsng naka lahad pa rin ang kamay ko dahil hindi ko alam ang gagawin. Natauhan na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Okay ka lang?" Alala niyang tanong. Enebe crush, concern ka na ha. "Uh.. oo, okay..okay lang, sorry a," sabi ko ulit, naka ilang ulit na akong sorry sa kaniya. "'Wag mo ng intindihin 'yun, i'm Uno," sabi niya at nakipag shakehands. "Uh.. Leilanna Jane Madrid, single," Hindi ko na alam ang sinasabi ko, panahon ko na 'to dahil nasa harapan ko na ang crush ko habang hawak pa rin ang kamay ko. Tumawa siya ng mahina, "Ako din, single," So, tayo na? Char. "Kumain na ba kayo?" Biglang tanong ni Joco kaya ay natauhan na ako ng tuluyan. "Hindi pa nga e, kain muna tayo," Kumain lang kami sa labas, libre ni Joco. Sorry pa rin ako ng sorry dahil sa nagawa ko pero sabi niya ay okay lang, kumuha lang siya ng wipes at pinunasan 'yun. Gusto ko ng sumigaw ng bonggang bongga pero pinigil ko 'yun hanggang sa makarating kami sa condo. "Day, nagkatotoo 'yung prayer ko," tinulak ako ng mahina ni JK. "Oo nga, gagi 'di ko inexpect 'yun," niyakap ko siya ng mahigpit hanggang sa hindi na siya makahinga, charot. "Kilala pala siya ni Joco, so may chance ka na?" Nakangiting sabi ni Wanda. "Tangina, napag-iiwanan na ako," "'Yung Kid, gwapo naman a," "Pero baka may jowa e," "Wala ngang dala kanina," sabay naming sabi ni Wanda. "Yes! Hindi na tayo single!" Nagyakapan kaming tatlo, pagkatapos ng chikahan namin ay natulog na kami. Kinabukasan, naisipan kong pumunta sa bahay namin. Magpapasama ako sa kuya kong bumili ng para sa plate ko. "Mamaya mo na 'ko ipagbalot, my," sabi ko sa Mommy ko. Nagbabalot na kasi siya ng mga tira nilang handa kagabi para daw sa aming tatlo. "Halika na," lumabas na si Kuya Migo sa kuwarto pagkatapos mag bihis. "Dumaan muna kayo dito pag-uwi ha," paalala pa ni Mommy. Dumeretso kaming mall, para bumili ng mga gagamitin. "Ito na regalo ko sa 'yo ha," biglang sabi ni Kuya nang makapasok kami sa National Book Store. "Huh? Ako magbabayad e," "Libre ko na, wala akong regalo sa 'yo nung nakaraang pasko e, tsaka ngayon din wala," "We? Seryoso ka dyan Migo Liander Madrid? Bagong buhay?" "Oo nga, ano ayaw mo?" "Hindi, sige ito na," kinuha ko na 'yung mga kaylangan ko, pero kumuha pa rin ako ng mga hindi ko kaylangan pero gusto ko kasi regalo niya din naman daw. "Thank you, wala akong regalo sa 'yo e. Libre na lang kita, saan mo gusto?" Pagkalabas namin, niyakap ko siya. Still my best kuya. "Kahit saan, gusto mo mag Vikings pa tayo e," "Tungak, 'wag doon. Grabe naman 'yun dalawa lang tayo," "Edi tawagan mo si Kuya Leo tsaka si Ate Ailee," Apat kasi kaming magkakapatid, hindi sinasadyang maharot ang mga magulang namin nung time na 'yun at apat ang nabuo. Panganay si Ate Ailee, next si Kuya Leo tapos si Kuya Migo then bunso ako. "'Wag na, ako lang naman nanlibre sa 'yo," inakbayan niya pa ako at naglakad na papunta sa kakainan namin. "Thank you sa time," sabi ko at niyakap siya. Mula sa kalayuan, nakita ko si Uno na papunta sa paking lot kung saan din kami papunta. May dala-dala siyang maraming plastik bag mula sa iba't-ibang store, mukha din siyang busy sa cellphone niya. Naka T-shirt lang siya na dark blue tapos may design, then white na shorts na hanggang itaas ng tuhod then 'yung white shoes. Ang simple lang din ng buhok niya na naka suklay palikod kaya exposed and noo niya. Sa malayo ko pa lang siya nakikita ay ang gwapo na niya. Never akong magsisisi na crush ko 'to. Napatingin siya sa gawi namin, nakayakap pa rin ako sa kuya ko dahil masyado ko siyang na-appreciate. Mabilis akong bumitaw pero hindi na pinansin ni Kuya Migo 'yun at sumakay na lang sa kotse namin. Nakita ko pang ngumiti si Uno sa akin bago sumakay sa kotse niya ag nag drive pa alis. "Hoy! Sasakay ka ba o maglalakad na lang?" Nagulat ako sa sigaw ni Kuya kaya sumakay na ako agad sa kotse. Dumaan muna kami sa bahay gaya ng sabi ni Mommy, kinuha ko lang 'yung binalot niya para sa aming tatlo na handa nila kagabi. "Akala ko naman makakapag pahinga ako," binigsak ni JK ang mga materials niya sa malaking lamesa namin. "Bakit ba kasi? Hindi ko naman sinabing sabayan mo ako," "E syempre mahahawa kami sa 'yo na gawin na din 'to. Excited ka kasi," sabi ni Wanda at binagsak din ang materials niya. "Pwede niyo naman kasi akong hindi pansinin para next week niyo na gawin 'yang sa inyo," "Mahirap nga kasi," "Tsaka mas maganda na din naman 'to para for the rest of the month ay mag sasaya na lang tayo," "Oo nga naman," nagkibit-balikat si JK. "Tapos nagrereklamo ka kanina," "Ngayon ko lang na-gets 'yung point e," inirapan niya pa ako. "Nagutom tuloy ako, gusto ko ng nuggets," biglang banat ni Wanda. "Kakakain lang natin ng handa nila, gutom ka na naman?" "Pake mo ba? Tiyan ba kita?!" "Alam niyo hindi tayo makakafocus, sige kayong away," sabi ko habang nagiiisketch. "Napaka ingay kasi nito ni Wandakekoy," pang aasar ni JK. "Hiyang-hiya J.cole ha," pang aasar niya din. "Hoy, paano tayo matatapos nito?!" 'Di na talaga ako maka focus kaya sinigawan ko na sila, sinaway na kanina mas lumala pa. "Ay, sorry lola Jing. Hindi na po," Nagmano pa si JK, minsan talaga gusto ko na silang palayasin dito. Tinamad na ako kaya tinapos ko na lang 'yung sketch ko at dumeretso na sa kuwarto. Nakaka pagod na silang sawayin, para ko silang mga anak na walang tigil kaka-away. Papikit na ako nang biglang may mag-notif sa cellphone ko, tinignan ko 'yun at galing sa i********:. unolavin followed you. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD