TUMAYO si Amarah mula sa pagkakaupo niya sa upuan nang makita kung ano ang oras na. Kinuha niya ang paperbag na nakalapag sa ibabaw ng cubicle at saka siya nagtungo sa banyo para magpalit ng damit. It's Friday, and we're having the De Asis family dinner. At nagbaon siya ng damit para hindi na sila umuwi ni Daxton sa penthouse para magbihis, para deretso na sila sa mansion ng De Asis. May dala na nga din siyang extra na damit baka kasi doon na naman sila magpalipas ng gabi. Nahihiya na din kasi siya kay Mommy Dana dahil lagi na lang siyang pinapahiram nito ng damit kapag doon sila nagpapalipas ng gabi ni Daxton. At bago nagbihis si Amarah ang nag-hilamos muna siya ng mukha, siyempre, hindi lang doon ang hinilamusan niya. At nang matapos ay kinuha niya ang dala niyang maliit na tuwalya pa

