Chapter 26

1407 Words

PARANG may malaking bato ang nakadagan kay Amarah ng sandaling iyon dahil hindi niya maigalaw ang katawan. Para siyang tinulos mula sa kinatatayuan habang sinasalubong niya ang mainit na titig ni Daxton sa kanya. Pero nang makita niya ang ginawang paghakbang ni Daxton ay parang doon lang siya binuhusan ng malamig na tubig. Hindi nga din niya napigilan ang pamulahan ng magkahilang pisngi. At nang sandaling iyon ay hiniling ni Amarah na sana ay lamunin na siya ng lupa dahil sa hiyang nararamdaman. Bakit kasi hindi niya masyadong hinigpitan ang pagkakabuhol ng tuwalya sa katawan niya? Nakita na tuloy ni Daxton ang lahat-lahat sa kanya. Wala na siyang maitatago pa dito. At nang mahismasan ay mabilis niyang pinulot ang tuwalyang nahulog sa sahig. At akmang ipupulupot niya iyon sa hubad na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD