NAPAKURAP-kurap si Amarah ng mga mata nang marinig niya ang sa gustong gawin ni Daxton. Hindi nga din makapag-react dahil sa pagkabigla. Pero nang makabawi ay bumuka ang bibig para magsalita. "H-hindi naman na kailangan, Daxton. Lumabas na din naman ang totoo. Hindi muna kailangan i-announce sa lahat kung ano ang relasyon na-- Hindi na natapos ni Amarah ang ibang sasabihin ng mapansin ang pagsasalubong ng mga kilay ni Daxton habang nakatingin ito sa kanya. Para bang may hindi ito nagustuhan sa sinabi niya? "You don't want others to know you're my wife?" he asked, his voice filled with bitterness. Mabilis naman siyang umiling. "H-hindi naman sa ganoon. Inaalala lang kita, lalo na ang sasabihin nila sa 'yo. Kapag nalaman nila na asawa mo ako marami na naman silang sasabihin. Sinasabi n

