Chapter 46

1348 Words

MAINGAT na ipinasok siya ni Daxton mula sa backseat nang makarating sila sa kinapaparadahan ng kotse nito. Pagkatapos niyon ay sumunod na din itong pumasok sa loob ng backseat. Ramdam pa din niya ang bigat ng paghinga nito, mukhang hindi pa din naalis ang galit na nararamdaman nito ng sandaling iyon. "Amarah," sambit nito sa pangalan niya. Pinagsalikop naman niya ang kamay na nakapatong sa ibabaw ng hita niya ng marinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya. Bahagya siyang napangiwi nang makaramdam siya ng hapdi sa palad. At doon niya lang naalala na may gasgas pala ang kamay niya dahil iyon ang ginamit niya kaninang pagtukod ng mapasalampak siya sa semento. Niluwagan niya ang pagkakasalikop ng kamay. Bumaba nga din ang tingin niya do'n at kita niya ang galos at dugo doon. "f**

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD