PAGBABA ni Amarah ng sasakyan pagkatapos siyang pagbuksan ng pinto ni Daxton ay ang pagpasok din ng pamilyar na itim na kotse sa gate ng mansion ng De Asis. Mayamaya ay huminto iyon sa tabi ng kotse ni Daxton. Mayamaya ay bumukas ang pinto sa driver seat at bumaba doon si Franco Dawson. Nakita niya ang paghagod nito sa buhok nito bago ito humakbang patungo sa passenger seat. Binuksan nito ang pinto doon. At napaawang ang labi niya nang makita niya ang isang maganda at sexy na babae na bumaba mula sa passenger seat ng kotse nito. Napatingin naman siya kay Daxton na tabi niya. Nakita niyang nakatingin din ito sa dalawa, napansin nga din niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. Inalis naman niya ang tingin kay Daxton at ibinalik niya ang tingin sa dalawa, lalo na sa kasama nitong babae

