Chapter 6

1820 Words
"GOOD morning, D-daxton." Bati ni Amarah sa lalaki ng dumaan ito sa cubicle niya. Hindi naman na siya umasa na hihinto ito sa paglalakad o gaganti ito ng bati sa kanya pero ganoon na lang ang gulat na naramdaman nang huminto ito at nilingon siya. His gaze held hers, dark and intent. "Morning." Napaawang na lang ang labi niya ng batiin din siya nito. Hindi na nito nakita ang naging reaksiyon niya sa pagkabati nito dahil nagpatuloy na ito sa paglalakad para pumasok sa loob ng opisina nito. Binuksan nito ang pinto pero sa halip na pumasok sa loob ng opisina ay muli siya nitong nilingon. Agad naman niyang itinikom ang labi. "M-may kailangan ka?" tanong niya ng magtama ang mata nila, sinusuway nga din niya ang puso dahil sa lakas ng kabog niyon. "Make me a coffee," utos nito sa kanya bago ito tuluyang pumasok sa loob ng opisina nito. Humugot naman si Amarah ng malalim na buntong-hininga para pakalmahin ang sarili, lalo na ang puso. At nang medyo kumalma ay kumilos na siya para sundin ang utos nito. Apat na araw din niyang hindi nakita si Daxton dahil nga sa nag-indifinite leave siya ng apat na araw para sa operasyon ng kapatid. Sa awa ng Diyos ay naging succesful ang heart transplant nito. Pero mananatili pa din ang kapatid sa ospital ng sampu o higit pang araw para i-observe ang kalusugan nito. At sa apat na araw na ding iyon ay kinausap na din niya ang magulang tungkol sa gustong mangyari ni Daxton na magsama sila sa iisang bubong para makilala nila lalo ang isa't isa bago siya nito ipakilala sa pamilya at sa ex-girlfriend nito. Pero hindi niya sinabi sa magulang ang dahilan kahit na sinabi naman ni Daxton sa kanya na sabihin niyang kasal siya dito. Sa totoo lang ay ayaw sabihin ni Amarah na nagpakasal siya sa boss niya kapalit ng pera. Baka masaktan ang mga ito. At isa din dahilan kung bakit ayaw niyang malaman ng magulang ang tungkol sa pagpapakasal nila ay dahil maghihiwalay din naman sila ng isang taon, napakaloob kasi sa kontrata niya iyon. Mas lalong masasaktan ang magulang dahil do'n kaya inilihim na lang niya at nag-alibi na lang siya. Mabuti na lang at hindi masyado nagtanong ang magulang ng magpaalam siya. Kakausapin nga din ni Amarah si Daxton tungkol doon. Sa katunayan ay dala na nga niya ang gamit sa paglilipat niya ng tirahan. Pinagpatuloy na ni Amarah ang pagtitimpla ng kape sa paraan ng gusto ni Daxton. At nang matapos ay binitbit niya iyon para dalhin sa loob ng opisina nito. Nakita naman niya ang lalaki na nakatutok na sa harap ng computer nito. Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. "Iyong...kape mo," wika niya ng mag-angat ito ng tingin. Medyo hindi pa talaga siya sanay makipag-usap siya dito na ganoon na para bang malapit sila sa isa't isa. Asawa mo na siya, Amarah. Dapat masanay na ka, wika ng bahagi ng isipan. "Leave it here, Amarah," wika naman nito sa kanya. Humakbang naman siya palapit dito. Maingat na inilapag niya ang hawak na baso sa ibabaw ng mesa nito. At sa halip na magpaalam ng mailapag niya ang inuutos nitong kape ay nanatili siyang nakatayo at nakatitig dito. At mukhang naramdaman nito iyon dahil muli itong nag-angat ng tingin sa kanya. And his piercing eyes stared at her. "Yes?" Saglit niyang kinagat ang ibabang labi. "R-ready na ako, Daxton," wika niya dito mayamaya. Kumunot naman ang noo nito. "What do you mean?" "Ah, ibig kung sabihin ay ready na akong lumipat sa penthouse mo. D-dala ko na ang mga gamit ko," paliwanag niya. Hindi naman ito nagsalita, nanatili lang itong nakatitig sa kanya. "Hindi pa pwede? Okay lang naman na sa susunod na araw na lang. Uuwi muna ako sa amin-- "It's okay, Amarah," putol nito sa sasabihin niya. "I already told you that you can move in any day now. The sooner, the better." "Okay. Hmm...labas na din ako. Kung may ipag-uutos ka, tumawag ka lang." Akmang tatalikod siya ng mapatigil siya ng tawagin siya nito. "Amarah." "Yes?" tanong niya ng muli niya itong nilingon. "What is my schedule this afternoon?" Hindi naman na niya kailangan tingnan ang IPAD niya para alamin ang schedule nito dahil kabisado niya iyon. "You have an appointment with Mr. Dizon," sagot niya. "Cancel my appointment with him. And reschedule it tomorrow morning," utos nito sa kanya. "May pupuntahan tayo mamayang hapon." Nagulang siya. "K-kasama ako, Sir?" Kinunutan siya nito. Bahagya namang namilog ang mga maya niya. "Oo nga, Daxton. Kasama ako," medyo ngumiwi siya ng sabihin niya iyon dito. "I'll cancel your appointment with Mr. Dizon and reschedule it for tomorrow morning," pag-uulit niya sa utos nito. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na siya. Pagbalik niya sa cubicle niya ay agad niyang sinunod ang utos nito. Ginawa na din niya ang trabaho niya. Masyado nga ding mabilis ang oras dahil mayamaya ay bumukas ang pinto at lumabas doon si Daxton. "Let's go." yakag nito sa kanya ng huminto ito sa harap niya. "Babalik pa ba tayo dito?" tanong niya, gusto niyang malaman kung babalik pa ba sila o hindi para alam niya kung iiwan niya ang gamit niya. "Hindi na," sagot nito kanya. "Okay." Mabilis naman niyang inayos ang gamit. Nang makita ni Daxton ay nauna na itong maglakad patungo sa elevator. Agad naman niyang kinuha ang medyo kalakihang bag kung saan nakalagay ang gamit niya bago siya sumunod dito. Nakita niyang nakasakay na ito sa elevator. Nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon habang nakatingin sa kanya. Damn. Daxton is really handsome. Inayos niya ang pagkakabitbit niya sa hawak na bag. Napansin niya na bumaba ang tingin nito doon. At mayamaya ay napatigil siya sa paglalakad ng lumabas ito ng elevator para lapitan siya. At hindi niya napigilan ang manlaki ng mga mata nang kunin nito ang hawak na bag niya. Pero nang makabawi sa pagkabigla ay pilit na kinukuha pabalik ang bag niya. "A-ako na ang magbibitbit niyan," wika niya sa lalaki. Pero sa halip na ibigay nito iyon sa kanya ay kinunutan lang siya nito ng noo. Wala naman na siyang nagawa kundi hayaan si Daxton na bitbitin nito ang bag niya nang makita ang ekspresyon nitong iyon. Walang imik na sumakay sila sa elevator. Nakasunod lang siya sa likod nito ng lumabas sila doon. Pansin nga ni Amarah ang pag-angat ng tingin ng mga empleyadong nakakasalubong nila patungo kay Daxton. Who wouldn't? Daxton is a head turner. Marami ngang naiinggit sa kanya na empleyado dahil siya ang secretary nito, lagi daw niyang nakikita at nakakausap ang big boss nila. Paano pa kaya kapag nalaman ng mga ito na asawa niya ito? Baka mas lalong mainggit ang mga ito sa kanya. Dire-deretso sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa parking lot. At mukhang naabisuhan na ni Daxton ang driver nito dahil naghihintay na ito sa kanila. At nang makita ay agad itong lumapit para kunin ang dala ni Daxton. Pinagbuksan nga din sila nito ng pinto sa gawi ng backseat. "Hop in, Amarah." Mabilis naman siyang sumakay sa loob ng backseat. Sumunod din ito sa kanya. Lihim nga siyang napakagat ng ibabang labi ng hindi sinasasyang dumikit ang braso nito sa braso niya. And she felt a jolt of electricity down her spine. She could also smell his expensive perfume lingering on her nostrils. Hindi naman niya alam kung saan sila pupunta hanggang sa huminto ang minamanehong kotse ng driver sa isang sikat na jewelry store. Pinagbuksan muli sila ng pinto ng driver nito. Nagtataka man kung ano ang gagawin nila doon ay bumaba pa din siya ng kotse. Naisip niyang baka may bibilhin doon si Daxton bago sila pumunta kung saan sila pupunta na dalawa kung bakit siya nito isinama. Sumunod naman siya kay Daxton ng humakbang ito papasok sa loob ng nasabing establishemento. "Good afternoon, Sir, Ma'am," bati ng staff ng makalapit ito sa kanila. Ngumiti naman siya dito bilang pagbati nito. "Ano po hanap nila, Sir, Ma'am?" magalang na tanong nito sa kanila. Saglit siyang sinulyapan ni Daxton bago nito sinagot nito. "We're looking for an engagement ring and a wedding ring," sagot nito. "Para kanino, Sir?" "For us," he answered in a deep and baritone voice. Kasabay naman ng pag-awang ng labi niya ay ang pagbilis ng t***k ng puso niya. "Oh, this way, Sir, Ma'am," wika ng babae, niyakag naman sila nito palapit kung saan naka-display ang mga wedding and engagement ring. "Pili na lang po kayo ng design na gusto niyo," wika nito sa kanya. Napatingin naman siya kay Daxton. At mukhang naramdaman nito ang pagtingin niya dahil sumulyap din ito sa kanya. "Choose, Amarah," wika nito sa kanya. "I-ikaw na," sagot niya. "Anything is fine with me," tanging sagot nito. Napanguso na lang naman siya bago ibinalik ang tingin sa mga naka-display. "Pwedeng patingin ito?" wika niya sa babae sa plain design na wedding ring. "Here, Ma'am," wika nito sabay abot sa kanya na itinuro niya. Tiningnan niya iyon, sinubukan nga niyang isuot iyon. Medyo maluwag sa kanya ang singsing pero maganda. Iyong simple lang kasi ang gusto niya, ayaw niya ng maraming design. "Magkano ito?" tanong niya ng mag-angat siya ng tingin sa babae. "Anong ring size niyo, Ma'am?" "Six," sagot niya. Nanlaki naman ang mata niya ng marinig niya ang presyo ng singsing na suot-suot niya. Mabilis niyang tinanggal ang suot at nahihiyang ibinalik niya ang hawak sa babae. "Tingin pa ako ng iba," wika niya sa babae. Pero nalulula siya sa presyo ng mga itinututuro niya. "Miss, walang medyo mura?" tanong niya sa mahinang boses dito. Bubuka sana ang bibig nito para magsalita ng mapatigil ito ng magsalita si Daxton. "Choose whatever you want, Amarah," narinig niyang wika ni Daxton. Nilingon niya ito at napansin niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya. "Ang...mamahal, eh." "Don't worry about the price. Just choose whatever you want," he said to her in a baritone voice. Nang hindi pa siya sumasagot ay humugot ito ng malalim na buntong-hininga. Inalis nito ang tingin sa kanya at nilingon ang babae. "She wore it earlier, give us a size six and eleven," he ordered the woman. "Sure, Sir," sagot nito. "Pakisukat muna kung kasya, Sir," magalang na wika nito sa kanila. Inabot nito ang singsing sa lalaki. Hinintay naman ni Amarah na i-abot din iyon sa kanya ni Daxton para isukat pero ganoon na lang ang panlalaki ng kamay niya ng kunin nito ang isang kamay niya. And the moment their hands touched, a jolt of electricity ran down her spine. Amarah couldn't take her eyes off Daxton as he slid the ring onto her finger. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito habang sinusuot nito ang singsing sa daliri niya. At nang mag-angat ito ng tingin at noong magtama ang mga mata nila ay hindi niya maipaliwanag pero biglang bumilis ang t***k ng puso ni Amarah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD