"ATE Amarah?" Tumingin si Amarah sa gawi ng pinto ng marinig niya ang boses ng kapatid na tumawag sa kanya. Nakita naman niyang nakasilip ito sa pinto ng kwarto niya "Oh, bakit Amadeus?" tanong niya nang magtama ang mga mata nila. "Ready ka na daw ba, Ate? Alis na daw tayo," wika sa kanya ng kapatid. "Magsusuklay lang ako saglit," wika naman niya. "Sige, Ate. Hintayin ka na lang namin sa labas." Nang tumango siya ay umalis naman na sa kinatatayuan si Amadeus. Nagpatuloy naman siya sa pagsusuklay ng kanyang mahabang buhok. At nang matapos ay kinuha ang bag at lumabas na siya ng kwarto para makaalis na sila. Magsisimba kasi sila ng araw na iyon. At pagkatapos ay yayain niya ang pamilya na magpunta ng Mall, iti-treat kasi niya ang mga ito. At gaya din ng ipinangako niya kay Art

