"BREATH, Amarah." Doon lang pinakawalan ni Amarah ang kanina pa pinipigilan na hininga nang bulungan siya ni Daxton pagkatapos nitong ilayo ang labi sa kanya. "Relax. They're watching us." Agad naman niyang ni-relax ang sarili nang marinig niya ang sinabi nito. And indeed, they're watching us. Napansin pa ng mga ito ang gulat niya ng halikan siya ni Daxton? "Are you okay now, Amarah? Let's go near them. Kanina ka pa nila hinihintay," dagdag pa na wika nito. Hindi naman napigilan ni Amarah ang makaramdam ng hiya ng sandaling iyon. Nahihiya kasi siya dahil hinintay pa siya ng mga ito. Hindi nga din siya agad nakasagot kay Daxton. "Come on, Amarah." Hinawakan naman na siya ni Daxton sa likod ng baywang at marahang ng iginiya palapit sa mga ito. Napansin niya ang ngiti na nakapaskil sa

