GULAT na gulat ang lahat ng marinig kung ano ang pakilala ni Ate Danielle sa batang lalaki na kasama nitong dumating. Hindi sila makapaniwalang lahat na anak nito ang bata, lalo pa at sa tantiya nila ay nasa limang taong gulang na ito. Ibig sabihin ay mas matanda pa ang anak nito kaysa anak ni Kuya Francis at Ate Victoria na si Callum at Callah. Ibig sabihin ay mas naunang nagkaroon ng anak si Ate Danielle kaysa kakambal nitong si Kuya Francis? Na naging unang apo si Davien nina Mommy Dana at Daddy Franco. Nang sandali ngang iyon ay wala ang mga pamilya, nasa library ang mga ito at nag-uusap. Sinasama nga siya ni Daxton do'n pero tumanggi siya. Sinabi niyang maiwan na lang siya doon at ang mga ito na ang mag-usap. Kahit na asawa siya ni Daxton at parte na ng pamilya ay gusto pa din ni

