"AMARAH." Napakurap-kurap ng mga mata si Amarah nang marinig niya ang pagtawag na iyon ni Chelsea sa pangalan niya. "Okay ka lang?" tanong nito sa kanya ng magtama ang mga mata nila. "Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin," wika nito sa kanya. Kinagat naman ni Amarah ang ibabang labi dahil sa guilt na nararamdaman. "I'm sorry," paghingi niya ng paunmanhin. "May iniisip lang kasi ako," pag-amin naman niya. Mabuti na lang at hindi na tinanong ni Chelsea kung ano ang iniisip niya ng sandaling iyon. "Bakit mo pala ako tinatawag?" mayamaya ay tanong niya kay Chelsea. "Oh, here," mayamaya ay wika nito sabay abot sa kanya ng 4 inches heels. "Nabanggit na siguro sa 'yo na mag-susuot kayo nito para ma-practice ang paglalakad niyo?" Tumango siya. "Oo. Nabanggit ni Naia sa

