Chapter 19

2037 Words

AKALA ni Amarah ay napaghandaan na niya ang araw na ito dahil isang buwan na din siyang naabisuhan ni Daxton pero habang lumilipas ang oras ay nakakaramdam siya ng kaba. Ngayong araw kasi ang birthday ni Sir Frank at ngayong araw din siya ipapakilala ni Daxton sa pamilya nito bilang asawa nito. At hindi mapigilan ni Amarah na makaramdam ng kaba sa mangyayari mamaya. Ang dami-dami kasing pumapasok sa isip niya. Paano na lang kung hindi siya matanggap ng pamilya ni Daxton bilang asawa nito? Pero nang maalala niya ang sinabi sa kanya ni Daxton na mabait ang pamilya nito at sinabing hindi sa estado ng buhay tumutingin ang mga ito ay kahit papaano ay nabawasan ang kaba na nararamdaman niya. "Ma'am Amarah?" mayamaya ay napakurap-kurap siya ng mga mata nang marinig niya ang pagtawag na iyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD