ISINUKBIT ni Danielle sa kanyang balikat ang sling bag niya nang matapos siyang mag-ayos. Pagkatapos niyon ay lumabas na siya ng kwarto para magpaalam sa Lola Carolina niya. Pupunta kasi si Danielle sa Mall dahil may balak siyang bilhin do'n. Magpapasama nga siya sa pinsan na si Marco dahil hindi pa niya masyado kabisado ang lugar. At ipagda-drive nga din siya nito at ang tricycle ni Tito Mark ang gagamitin nila. Hindi pa kasi nakukuha ng Tito Mark niya ang kotse niya sa kakilala ni Dylan na mekaniko. Pagkalabas nga niya ng kwarto ay agad niyang hinanap ang Lola niya at nakita niyang nakaupo ito sa sala. "Lola," tawag niya sa pangalan nito dahilan para mag-angat ito ng tingin sa kanya. "Aalis po ako saglit. May bibilhin lang ako sa Mall," wika niya dito. "Sino ang kasama mo, apo?

