"AMARAH." Sumulyap si Amarah sa katabi niyang si Daxton ng marinig ang pagtawag nito sa pangalan niya. "Bakit?" tanong niya dito nang magtama ang mga mata nila. "Close your eyes," wika nito sa kanya. Bahagya namang kumunot ang noo niya. "Ha?" "I want you to close your eyes," ulit na wika nito, napansin nga din niya ang ngiti sa labi nito. Saglit naman siyang napatitig dito bago niya sinunod ang sinabi nito. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata. Hindi naman niya alam kung bakit gusto ni Daxton na ipikit niya ang mga mata, kung ano ang rason nito. Madami mang katanungan ay sinunod pa din niya ito. At mayamaya ay naramdaman na lang ni Amarah ang pagpiring nito sa mga mata niya. "What are you doing, Daxton?" tanong niya nang matapos siya nitong piringan sa mga mata. "I ha

