NANG matapos makausap ni Daxton si Amarah ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa kanyang swivel chair at humakbang na palabas ng opisina niya para magtungo sa conference room para simulan na ang meeting with board of director para maagang matapos ang meeting nila at makauwi sila. Kung hindi lang kasi kailangan ang quarterly meeting with the board of directors ay hindi siya aalis sa tabi ni Amarah. Gusto kasi niyang nasa tabi lang niya ito lalo na at anumang araw ay manganganak na ito. Paano kasi kung manganak ito bigla habang wala siya doon. Gusto naman ni Daxton na naroon siya sa tabi nito kapag manganganak na ito. "Let's start the meeting," wika niya nang makaupo siya nang makapasok siya sa conference room. Agad naman silang nag-simula. Nakikinig siya sa nagsasalita pero aami

