Chapter 35

1538 Words
Bagsak ang mga balikat ko nang buksan ko ang pinto at walang makitang kahit na anino sa loob. Masyado na talagang abala si Petrus at dumating na siya sa punto na hindi na niya ako nakakamusta kung maayos pa ba ako o humihinga pa ba ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Alam kong naiintindihan ko siya pero bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit pakiramdam ko ay hindi na nagwo-work ang relasyon naming dalawa. Nakakaramdam ako ng awa sa kaniya pero naaawa na rin ako sa sarili ko. Ilang buwan ko na siyang hindi ko nakakausap ng masinsinan. Hindi ko alam kung ayos pa ba kami o mayroon ba kaming problemang dalawa. Bumalik na naman ito sa pagiging abala sa trabaho at gaya ng madalas niyang ginagawa ay nagpabaya na naman siya sa kaniyang kalusugan. Hindi ko na nga alam kung kumakain pa ba ito o umiinom ng tubig dahil hindi ko na ito nakitang ginagawa ang mga routine niya. Dumiretso ako sa loob ng banyo at nilinis ang aking sarili. Matapos maligo ay naghanap ako ng komportableng damit na masusuot. Noong una ay pakiramdam ko ang liit lang ng condo namin ni Kent. Ngayon sa tingin ko ay parang walang laman. Tiningnan ko rin ang refrigerator kung may instant na ulam na pwedeng lutuin. Kinuha ko ang isang cup noodles at naisipang huwag nang magluto dahil sigurado naman akong kapag nakauwi si Petrus ay sasabihin na naman niyang tapos na siyang kumakain. Nilagyan ko ng mainit na tubig ang cup at sinara sandali upang maluto ang noodles. Pinatong ko iyon sa dining table at tinitigang mabuti habang hinihintay na maluto sa loob ng limang minuto. Napaisip tuloy ako dahil nakakalungkot kumaing mag-isa at hindi ko na matandaan kong ilang araw na kaming huling nagkasabay ni Petrus. Bago ko pa buksan ang cup noodles ay napabaling ang tingin ko sa tumunog na ringtone ng cellphone ko. Isang palatandaan na merong tumatawag sa akin. Tumayo ako saglit at nagtungo sa kwarto upang kunin ang cellphone ko na nakapatong sa mini table na katabi ng kama. Nang tingnan ko ang screen ay may numerong hindi nakarehistro sa contact ko. Kaya napaisip ako kung sasagutin ko ba, pero sa huli ay pinili kong sagutin na lang dahil baka importante ang tawag. "Hello," nag-aalangan kong sagot sa tawag ng kabilang linya. "Dawn, si Julle 'to," pakilala niya sa kaniyang sarili. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang numero ko pero pinili ko na lang na 'wag magtanong. Inalis ko ang cellphone sa aking tenga at tiningnan ulit ang screen. "Si Petrus kasi..." panimula niya kaya bigla akong kinabahan ng marinig ang pangalan ni Petrus. Inayos ko ang sariling napaupo sa kama at nakinig nang maayos sa kaniyang sinabi. "Lasing na lasing kasi siya ngayon, nandito siya sa bar," patuloy niyang sabi. Binanggit niya ang pangalan ng bar at nagmamadali kong pinuntahan ang nasabing lugar. Nabanggit din nito sa akin na kasama ni Petrus si Salme na siyang pinagtataka ko. Parang umigting bigla ang tenga ko nang marinig ko ang pangalan ng dalaga. Nakakainis din ang mahabang trapiko sa daan at parang gusto ko na tuloy liparin ang kalsada. Pagdating sa bar ay hindi ko na inayos ang pag-park ng kotse. Nagmamadali na akong bumaba ng kotse at humakbang ng mas mabilis pa sa lakad. Dumiretso na agad ako sa loob at nakita kong nag-aabang si Julle malapit sa entrance. Sinalubong niya ako at tinuro kung saan banda nakapwesto ang mga kaibigan nito. Hindi ko na siya pinasama sa akin dahil ayaw kong pag-initan na naman siya ni Petrus. At nakita ko nga itong katabi ni Petrus si Salme at mukhang hindi naman sobrang lasing. Minanmanan ko muna sila sa kanilang mga kilos ng may mapansin akong parang may kakaiba sa kanilang dalawa. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Siguro dahil wala na kaming panahon sa isa't isa kaya kung ano na lang ang pumapasok sa utak ko. Pero sa tuwing tinitingnan ko silang dalawa ay hindi ko maiwasang manibugho. Iba ang mga tinginan nila, parang hindi ko kayang tiisin na makita silang ganoon ka lapit sa isa't isa. Parang wala ako sa aking sarili habang dahan-dahan na lumalapit sa harap nila. Lahat sila ay nagulat sa pagdating ko at gusto kong magdamdam dahil sa kanilang inasta. Kahit nasaktan ang kalooban ko ay pasimple ko pa rin silang nginitian lahat. Nagtinginan silang lahat sa akin at para ba'ng may kakaiba, may nararamdaman akong may mali talaga. Hindi ko matukoy kung anoman iyon ngunit ang mga pasulyap-sulyap nila sa isa't isa ay naiintindihan ko. Alam kong naiilang sila na nandito ako. Napapansin ko na rin noon pa man na ayaw ng mga kaibigan niya sa akin. Sa tuwing sinasama ako ni Petrus sa tuwing may mga gathering at party sa company nila ay nararamdaman kong hindi ako welcome roon. "Petrus," tawag ko sa kaniya at halatang ikinagulat niya rin. "Paano mo nalamang nandito ako?" nagtataka niyang tanong at pinilit na ngumiti kahit halatang alanganin ang ngiti niya para sa akin. Bago ko siya sagutin ay panandalian kong sinulyapan si Salme. Lumingon ito sa kasama nila at nagkunwaring nakikipag-usap dahil hindi ako kayang tingnan. "Umuwi na tayo," sabi ko. Hindi na ako nag-abala pang sagutin ang tanong niya. At nananatiling nakatayo sa harap nilang lahat. Seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin. Napansin ko ang pagkadismaya niya dahil halatang kasisimula pa lang nila sa inuman. Pero sa huli ay nagpasya na lang itong sundin ako. Nagpaalam siya sa mga kaibigan at kay Salme. Hindi man niya sinasabi pero nakikita ko ang mga tingin niyang humuhingi ng paumanhin. Nakakabingi ang tahimik sa loob ng kotse at wala ni isa sa amin ang naglakas loob na unang kumibo. Ngayon ko lang nakitaan ng ugaling naiinis si Petrus. Mula ng magsama kami ay alam kong hindi niya ako kayang tiisin. Gusto ko man mag-isip ng masama pero hindi ko kayang gawin sa kaniya iyon. Dahil alam ko kung gaano niya ako kamahal. Pagdating sa condo ay aalayan ko sana siya sa pagpasok ng elevator pero bigla niyang winaksi ang kamay ko. "Ayos pa ako," malamig niyang wika na siyang ikinabigla ko. Kung makaiwas siya sa akin ay para bang isa akong nakakadiring babae sa mundo. Bumuntong hininga na lang ako at nilakasan ang loob ko. Iniintindi ko na lang siya dahil nakainom ito. Hinayaan ko na lang siya at hindi na kumibo. Siya na rin ang nagbukas ng pinto dahil siya ang nauna sa paglalakad. Nasa likod lang niya ako upang alalayan siya sakali mang matumba siya. Hindi naman ako tanga para hindi maramdaman ang panlalamig niya. Ito na nga ang sinasabi nilang wala ng spark. Pero pilit kong inaalis ang aking pagdududa dahil wala naman akong natatandaang may ginawa akong mali sa kaniya. "Paano mo nalaman nando'n ako?" diretsahan niyang tanong nang makapasok na kami sa loob. "Importente pa ba 'yon?" "Hindi mo kasi naiintindihan, Dawn!" matigas niyang sabi at tinaasan ako ng boses. Napabuga ako ng mabigat na hininga at kinalma muna ang sarili bago nagsalita. Inayos ko ang paglalagay ng suot kong stiletto sa shoe rack at dumiretso na nang lakad sa sofa. Maayos kong nilapag ang dalang bag at hinarap siya nang maayos. "Kung may problema ka pwede mo naman akong sabihan, Petrus?" nag-aalala kong tanong pero bahagya niya lang akong nginisihan. "Pwede ba, Dawn alam mo namang marami akong problema. Kahit minsan naman pagpahingahin mo naman ako. Ngayon lang ako nag-aaliw kasama ang mga kaibigan ko para kahit papaano ay makalimutan ko man lang ang mga problema ko, kahit sandali lang!" bigo nitong sumbat sa akin. "I'm sorry, hindi ko sinasadya, nag-aalala lang naman ako sa iyo, Petrus," hingi ko ng paumanhin. "Next time pwede ka namang magpaalam sa akin para hindi ako mag-alala," patuloy kong sabi at nanginginig na ang boses dahil malapit na akong maiyak. "Nakakapagod... nakakapagod na!" Sigaw niya at napapitlag ako nang bigla niyang hinagis ang susi ng condo na kanina pa niya hawak-hawak. "Lahat ba kailangan kong sabihin sa 'yo? Sa tingin mo ba hindi ko kaya ang sarili ko?" matigas niyang tanong sa akin. "Petrus, wala akong sinasabing ganiyan, nag-aalala lang talaga ako sa 'yo," naiiyak kong paliwanag. Humahapdi na rin ang aking mga mata at ilong dahil sa pagpipigil na maiyak. "Alam kong pagod ka na, Petrus pero saang banda ka ba napapagod? Sabihin mo naman sa akin para malaman ko. Hindi naman ako manghuhula, Petrus kaya kailangan kong magtanong sa 'yo. Hindi mo malulutas sa pag-iinom ang problema kaya pag-usapan natin 'tong dalawa," patuloy kong paliwanag. "Dawn, pagod na pagod na ako. Pagod na ako sa lahat! Ano masaya ka na ba dahil nasagot ko na ang tanong mo? Sobrang naririndi na ako sa buhay na 'to, nakakasawa na," malungkot niyang sabi at hindi na napigilan ang sariling umiyak. "Bakit ikaw lang ba ang marunong mapagod? Napapagod rin ako." Sigaw ko ng hindi na makapagtimpi. "Pagod na pagod na rin ako pero hindi ako sumuko. Kailan mo ako narinig na nagrereklamo? Kung hindi mo na ako kailangan sa buhay mo sana sinabi mo na lang para hindi ko na kinapalan ang mukha ko para lang ipilit sa iyo ang sarili ko." Sigaw ko sa kaniya nang malakas at tinalikuran na siya ng walang paalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD