Chapter 10

2070 Words
Sa kabilang banda kanina pa nakasunod si Petrus kay Dawn. Napapangiti siya habang nakikinig ito sa mga pinagsasabi ni Dawn. Patuloy niya itong sinusundan habang kinakausap ni Dawn ang kanyang sarili. Halatang nauubusan na ito ng pasensiya dahil hindi na nito pinapansin ang mga taong tumatawag at kumakausap sa kaniya. Nang makita nilang nasa likod ako napanganga sila sa kanilang tinatayuan kaya sininyas ko ang kamay ko na huwag silang maingay. "Ano'ng ginagawa mo rito? 'Di ba may ensayo ka pa?" mataray niyang sabi at halatang nagulat nang bigla akong sumulpot sa likod niya. "Sorry akala ko kasi —" pinutol ko ang sasabihin dahil nahihiya akong umamin sa kaniya. Napakamot na lang ako sa leeg ko dahil hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon niya. "What do you mean by that? You mean nagseselos ka nga?" nanlaki ang kaniyang mga mata at hindi siya makapaniwala. "You mean may gusto ka rin sa akin?" patuloy niyang tanong at hindi na makapaghintay na sumagot ako. "I like you," nahihiya kong amin. "Hindi ko alam kung pagmamahal ba ang nararamdaman ko sa iyo, Dawn. Basta ang alam ko hindi ko pa naranasang magmahal but I can't get enough of you," patuloy kong sabi. Malapad ang naging ngiti niya. "Talaga?" tinawanan ko lang siya sa reaksyon niya. Parang hindi ito makapaniwala sa narinig niya. At ang sumunod na mga pangyayari ay ako naman ang natulala nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Humagolhol siya sa pag-iyak at hindi makapaniwala sa mga inamin ko. Hinaplos ko ang likod niya para tumahan siya pero hindi pa rin ito nagpapigil. "Hindi ako makapaniwala! Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya, Petrus. Sapat na sa aking magustuhan mo lang ako. Hindi mo man ako mahal pero naniniwala akong darating ang panahong magugustuhan mo rin ako," umiiyak niyang sabi at ang huli niyang sinabi ang tumagos sa aking puso. Ilang sandali pa kami nakapag-usap bago dumating ang kotse na susundo sa kaniya. Ganito pala ng pakiramdam, parang mas lalo akong ginanahang mag-practice at mas gusto ko pang pagsikapan ang aking pag-aaral. Pinangako ko noon sa aking sarili na hindi ako papasok sa isang relasyon hangga't hindi ako makakapagtapos sa pag-aaral. Ngunit ang nararamdaman ko ngayon ay mahirap nang pigilan. Simula sa araw na ito kasama na siya sa lahat ng mga pangarap ko. At kung ano man ang pananaw ko dati sa isang relasyon ay binura ko na sa aking isipan. I used to think before that a relationship was just a distraction to me. Because that it might even be the reason that I can’t finish my studying. But I realized that not all relationships end like that. Magsisikap ako para sa aking pamilya at para sa kinabusan naming dalawa. ** Nang makarating sa bahay ay masaya kong niyakap si Nanay Milva sa sala. Binati ko rin ang iba pa at nagpaalam na aakyat na sa kwarto. Nang makapasok sa kwarto ay kumaripas ako nang takbo patungo sa kama. At doon na ako nagsisigaw sa tuwa. Nagpagulong-gulong ako sa malabot na higaan at nagsusumigaw sa labis na kilig. Para talaga akong nababaliw pero ang puso ko ay sobrang natutuwa. Nang maalala ko siya ay nabilis kong kinuha ang aking bag. Hinanap ko ang cellpbone ko sa bag at natatarantang gumawa ng mensahe para ipadala sa kaniya. "Hi babe?" I message him. Hindi ko na hinintay pa ang reply niya dahil baka busy pa ito. Nakapagdesisiyon ako na maligo muna at magpaganda para lagi akong fresh lalo na ngayong may mutual understanding na kami sa isa't isa. Mabilis akong tumayo at kinuha muna ang puting tuwalya na nakalagay sa walk in closet ko. Dumiretso na rin ako sa banyo at naglinis ng buo kong katawan. Nang matapos ako sa ginagawa ay naghanap ako ng damit na komportable akong suotin. Sinuklay ko rin ang aking mahabang buhok ng ilang beses at biglang naalala na baka nag-reply na ito sa text messages ko. Nang hawak ko na ang cellphone ko ay nakita ko nga sa screen ang reply niya. "Babe? Sino'ng babe?" reply niya sa pinadala kong text messages. Sampong minuto na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Wala akong maisip na dahilan at ngayon ko lang napagtanto na nakakahiya pala ang ginawa ko. Dahil hindi ko siya dapat tinawag na babe. Pero huli na para pagsisihan ko ang aking text. Kinilig ako ngunit mukhang hindi niya yata nagustuhan ang sinabi ko sa kaniya. Nagbitaw ako ng matunog na hininga at magte-text sana ako ulit. Ngunit biglang tumunog ang cellphone ko at ang pangalan niya ang nakarehistro sa caller. Walang pagdadalawang isip ko iyong sinagot dahil sabik na akong makausap siya. Wala pang tatlong ring ay sinagot ko na kaagad ang tawag. Dahil hindi uso sa akin ang salitang pakipot. Wala iyon sa bokabolaryo ko! "Ano 'yon?" bungad niya sa akin at tinutukoy ang nasa mensahe ko. "H-huh? Ah, oo, ayaw mo ba?" nauutal kong tugon sa kabilang linya. "Hindi naman sa gano'n, Dawn pero hindi lang kasi ako sanay." Natahimik ako sa sinabi niya at ganoon rin siya sa kabilang linya. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malamig na boses ng kaniyang kapatid na kumakanta. Parang naging back ground music pa namin ang kanta nito. "Sige, okay lang naman, kahit na ano naman pwede sa akin! Pasensiya na, promise hindi ako magrereklamo pagdating sa iyo," masaya kong wika sa kabilang linya. "Sigurado ka ba na okay lang?" paninigurado niyang tanong sa akin. "Oo naman, Petrus ang mahalaga naman ay iyong relationship natin. We are now officially, right?" tanong ko rito "Yeah," sabi niya at nababakas kong masaya rin siya dahil sa boses niya. "Ano iyong account mo sa social media?" tanong ko para ma-add ko siya. "Wala ako no'n," mabilis niyang sagot. "Sa Facelook na lang?" tanong ko ulit. "Petrus Gavallo, pero hindi kasi ako active sa social media," sagot niya. "Okay lang, ikaw ba gumawa ng account mo?" wala sa sarili kong tanong. Alam ko namang siya lang ang gumawa dahil imposible naman kung iba. Gusto ko lang may mapag-usapan kaya ko natanong. "Si Salme," sinsero niyang sabi ngunit halatang nag-aalangan itong sabihin. "Huh? Bakit siya?" Hindi ko napigilang pagtaasan siya ng boses dahil sa narinig. "Naisipan niya lang," natatawa niyang sabi. "Feeling ko talaga may gusto 'yon sa'yo," diretsahan kong sabi at narinig kong bigla siyang napaubo. "Magkaibigan lang kami no'n," pagdadahilan niya. "Baka naman malaman ko na lang—," naiinis kong sabi pero hindi ko natuloy dahil bigla niya akong pinutol. "Dawn, kakasimula pa lang natin ganiyan na ang mga pinag-iisip mo," putol niya sa aking sinabi. "Kailangan nating magtiwala sa isa't-isa," paalala niya. "Yeah, I'm sorry hindi na mauulit," sinaero kong sabi at humingi ng paumanhin. The next, next day ay nagkita kami ni Petrus masyado na siyang busy sa pag-e-ensayo at palagi niya akong pinapaunang umuwi. Madalas na silang nagagabihan dahil palapit na nang palapit ang tournament. "Ito ang suotin mo bukas, pasensiya ka na medyo malaki sa'yo ng konti. Iyan na kasi ang small size na Jersey nila." "Thanks, nag-abala ka pa. Sana hindi ka na lang nagpagawa ng para sa akin. Lalo pa at tumigil ka na sa part time job mo," nahihiya kong sabi. "Okay lang mahalaga na man sa akin ang magsusuot," hugot niyang sabi. Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan na kiligin. Pero hindi niya ako tinantanan nang makita akong kinilig. Inaasar niya ako at pilit na pinapaamin na kinikilig ako. "Hindi nga ako kinilig," pagkukunwari ko. Kinabukasan ay sinorpresa ko siya at wala siyang kaalam- alam na nagpagawa ako ng tarpaulin at nagpaturo ng kanta sa mga kaibigan para ma-cheer ko siya sa game. Laking pasasalamat ko sa kanila dahil nandiyan lang sila palagi para sa akin. Tenext ko si Ergie at ang iba pa naming mga kasama. Pareho kaming nakasuot ng Jersey Jacket at talagang pinaghandaan namin ang araw na 'to. Ngunit sa aming lahat ako lang ang may suot na Jersey shirt na apilido ni Gavallo ang print sa likod. I am so proud of him kaya nagtodo effort ako sa mga sinuot nila para terno kaming lahat. At kahit ano man ang mangyari manalo man o matalo magiging proud pa rin ako sa kaniya. Nang magsimula na ang laro nila Petrus ay walang tigil kong sinisigaw ang pangalan niya. Nakangiti siya sa tuwing tinitingnan niya ako. Pakiramdam ko tuloy ay distraction lang ako sa paglalaro niya. "Hooh... boyfriend ko 'yan!" Malakas na sigaw ang pinakawalan ko sa aking bibig nang makahulog ito ng bola sa ring. Napatingin siya sa akin at napapailing na lang dahil sa aking ginawang sigaw. Ngunit halata namang natutuwa siya at masaya dahil ang mga ngiti ay hindi niya mapigilan at umabot pa haggang sa tenga. Ang saya nilang tingnan lalo na si Petrus. Mukhang sini-swerte sila ngayon dahil sunod-sunod ang hulog ng bola. Team din nila ang lamang sa score at mukhang malabong makahabol pa ang kalaban. Sa tingin ko ay ngayon pa lang alam ko na ang patutunguhan ng game. Halatang sila na ang mananalo and they deserve it because they are working hard enough for this competition. Gaya nga nang hula ko kanina ay lamang sila sa first half. At ngayon ay kasalukuyan silang naglalaro sa second half. Ngunit humahabol ang kabilang team sa score. Hinihingal na rin si Petrus at pati na rin ang mga kasamahan niya. Palagay ko ay pagod na pagod na siya dahil kanina pa siya naglalaro at takbo nang takbo sa court. Akala ko pa naman ay sigurado na ang lamang nila sa second half. Ngunit sa kabilang team pala ay may mga manlalarong kasing galing ng team nila Petrus. Ngayon lang nila ito pinapasok at mas advantage ang kalaban dahil hindi pa ito pagod. Nahihirapan din ang coach ni Petrus na palitan ang iba sa kanila dahil alam nitong sila lang ang may kakayahan na pumantay sa kalaban. Masyado kong ina-underestimate ang kabilang team kanina, iyon pala ay pinagod lang nila ang team nila Petrus bago pinasok ang magagaling nilang player. Kaya pala ang sipag nilang mag-ensayo dahil alam nilang hindi basta-basta ang kanilang makakalaban. Huling taon na ito ni Petrus sa pagiging team captain kaya labis-labis ang kan'yang pagsusumikap. When Petrus received the passed ball from his co-player. He quickly ran it while dribbling towards their ring. He was about to throw the ball when the other team captain suddenly blocked him and hit the ball he was holding. The young man grabbed the ball and now it is currently running to the other opponent’s ring. They passed the ball around but the last pass was also returned to Trolem. Trolem is the team captain of the other team. Nakakuha ito ng tempo at pinasok ang bola. Tatlong points lang ang laman ng team ni Petrus. At kapag nag-tie ang score nila bago pa maubos ang oras ay may magaganap na overtime na another five minutes. Parang humina ang oras at lahat ay nag-aabang sa bolang umiikot sa gilid ng ring at wala ni isa sa amin ang kumukurap. Three points ang ginawang shoot ni Trolem and before time counted down. Trolem just smiled and seemed to be counting. He snapped his fingers and at the same time the ball enter inside the ring. The score is tie! Kasabay nang pagpasok ng bola ay sa akin na siya nakaharap. Napakayabang niyang tingnan at gusto ko siyang sigawan. Nginitian niya ako ng kay tamis and he waved his hands with a Korean heart sign to me. He also winked at me and give me a flying kiss. Tiningnan ko ang likod ko para masigurong hindi ako ang tinutukoy niya pero sa akin lang talaga ito nakatingin. Inirapan ko siya dahil naiinis ako sa kayabangan niya. Nag-boo sign rin ako ngunit mas lalo lang lumapad ang ngiti niya sa kaniyang mga labi. Para tumigil na siya ay inikot ko na lang ang mga mata ko para makaiwas sa kaniya. Nagkunwari din akong kinausap ang aking katabi para hindi ko makita ang kayabangan niya. "Masyado siyang papansin!" bulong ko sa aking sarili. At nang tingnan ko si Petrus ay nakatingin pala ito sa amin. Medyo nailang ako dahil nahuli niyang ngumingiti sa akin si Trolem. Napansin ko rin ang pagkuyom ng kaniyang mga kamao kaya para makabawi ay mas lalo ko pang nilakasan ang pag-cheer. Sumayaw naman ang aking mga kaibigan at nagkunwari na lang na walang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD