Third Pov
nasa hostipal ngayon si Dhrain dahil sa natamo nitong pasa galing sa pagkasapak ng mag-amang Westell at Westly
Habang si Wonnie naman ay nasa bahay na nila ngayon kasama ang kanyang mga kagrupo
matapos na malaman ni Lythery na ayos ang kanyang anak agad itong nagtungo sa hospital kung saan naka confine si Dhrain
Habang patungo sila dun panay sermon nito sa mag-ama bakit nila binugbog si Dhrain masyado silang overprotective kay Wonnie kaya nagawa daw nila hinihintay nya ang paliwanag ng dalawa ngunit gusto nila na sa bahay nalang ito pag-usapan kasama ang sila Wonnie at Dhrain
Inabutan ni Lythery na nakahiga si Dhrain na natutulog bakas sa mukha nito ang mga pasa sa kanyang mukha ang dating cute nitong mukha parang nasira tinignan ni Lythery ang mag-ama ng masama
ang dalawa naman ay nagpalinga linga lamang upang hindi makita ang tingin ni Lythery
"Pano pag nalaman toh ni Dhory? She trusted us!!! tas binugbog nyo lang ang anak nya?!" galit na bulyaw nito sa mag-ama habang pinagmamasdan ang mga pasa sa mukha ng binata
awa ngayon ang nararamdaman ni Lythery sa binata pinagkatiwalaan sya ng ina nito ngunit bugbug pala ang karanasan sa piling ng mag-ama
nataranta sila ng biglang nanginig si Dhrain sa pagkakatulog nito at parang may sinabi
"Tama na!! Tama na!!! bitawan nyo sya" sabi ni Dhrain
binabangungot pala ang binata agad itong nagising at naiyak nalamang
"Tama na!! Tama na" nangingiyak na ani nya habang niyayakap ni Lythery
halatang na truma si Dhrain sa nangyari nanginginig talaga sya ngayon si Lythery natakot na
"Shhhh Dhrain don't cry your Tita Idol is here"yakap yakap nito si Dhrain pinapagaan ang loob
iyak parin ng iyak si Dhrain biglang dumating ang doctor
ang sabi ng doctor titignan daw kung may bali pa sya sa buto if wala pwede naman syang umuwi o mag stay para matignan sya ng mabuti but they decided na iuwi nalang sya
kinausap ni Lythery si Westell sa dahil natakot sya sa nakita nya kanina kay Dhrain
"We need to tell this to Dhory" saad nito sa asawa nya "Look Dhrain, natruama ata sa ginawa nyo sakanya"
"But patay ako kay Dhory I promise her we will take care of Dhrain sadista pa naman ang babaeng yun baka ipasunog ang mansyon natin" sabi ni Westell sa asawa nito nakitawa nya
"That's your fault you both beaten Dhrain kaya you must save money to our new masion"
"Let's talk about this issue pag nasa bahay tayo but now let's focus on Dhrain para maka uwi na sya sa bahay"
agad nilang binayaran ang bayarin sa hospital kahit ayaw pa ng mag asawa na iuwi sya sa bahay ngunit nag pumilit si Dhrain na umuwi na lamang
nasa likod umupo sila Lythery at Dhrain habang nasa kaharapan naman ang mag-amang Westell at Westly
"Are you okay Dhrain?" Lythery ask Dhrain
"Ayos lang po Tita Idol nagugutom lang" nakangiting ani ni Dhrain sa Tita Idol nya
"What you want? Dhrain tell us dadalhin namin sayo" mabilis na sabat ni Westell
"Do you want new shoe's for basketball?" ani ni Westly
nagtaka si Lythery sa inasal.ng mag-ama kay Dhrain baka they guilty what they have done to Dhrain kaya ganyan sila maka react kay Dhrain
"Wala po Tito, Kuya gusto ko lang kumain ng adobo" ani nya
'what the he didn't call me like he use to call me? kuya? really? I thought I was his Kuya Lodi' ani ni Westly sa kanyang sarili nagtataka kasi Ito kung bakit kuya ang tawag sa kanya nasanay itong Kuya Lodi ang tawag sa kanya
'Westly hell you care don't bother your self to much' saad nya pa sakanyang sarili na binabalewala na lamang ang pinagsasabi nya kanina
***
DHRAIN POV
gabi na nang nakauwi kami dinala kami ni Tito sa mamahaling restaurant par kumain ang sabi ko sapat na sakin ang adobo ni Tita Idol pero nagpumulit syang kumain kami dun
at sa wakas nakauwi narin kami
dumiretso agad ako sa kwarto iyon ang sabi ni Tita Idol para magpahinga na ako
ang sakit ng buong katawan ko saka nag paika ikang lumakad kanina kasi hindi ko magawang paika ika kahit masakit na talaga baka mag-alala sila sakin kaya pinilit ko na talagang umayos ng palalakad para di ko na sila maabala
grabe ang pagsapak nila Tito Westlell at Kuya Lodi sakin parang gusto na nila akong mapatay pero naintindihan ko naman sila bakit ganon nalang silang maka react kanina dahil nag-iisang babae lang si Wonnie sa pamilya nila at tinuturing nila itong prinsesa kung ibang lalaki akong makita na ganon kay Wonnie baka masapak ko na rin sila mas lalo na rin kung si Dhary kahit pa Tomboy tomboy yun pag may umaligid dun baka di na maabutan ng sikat ng araw yun resbakan naming dalawa ni Papa
buti nalang talaga mabait sila Tito Westell at kuya Lodi bunuhay ako pag nagkataon wala na kami ni Baby Wonnie ko
Wonnie? hindi ko talaga alam na kapatid sya ni Kuya Lodi "Kaya pala panay sabi nya sakin na layuan si Wonnie kasi kapatid nya pala sya"
na gets ko na kung bakit sya ganon maka react pagsinasabi ko ang pangalang Wonnie kasi kapatid nya halatang oberloaded? ay mali oberpromolkid? ay tama oberprotekted sya sa kapatid nya
ganyan din naman ako sa kakambal ko kaya bago ako umalis pinabilin ko yun kay Utol na alagaan yun pag may umaligid isumbong nya kay Papa kasi wala naman ako dun
"Pero ang ganda nya pala sa malapitan" saad ko habang inaalala ang pagkalapit naming dalawa ni Wonnie
akala ko sa malayo ko lang sya makikita ngunit hindi ko inakala na pwede ko parin syang malapitan sa malapitan at mahawakan at magkatitigan
"Wahh" kinikilig na saad ko habang pa gulong gulong sa kama biglang kumirot ang mga pasa ko sa kakalikot ko "Ah aray ang sakit"
panira ng kilig ang mga sakit sa katawan ko pero hindi mawala sa akin ang ngiti hangang sa aking pagkatulog
hinihiling ko lang sana hindi toh malaman ni Mama alam kong sasampalin nya ako ng sampung bilyong sampal sapat na sakin ang ilang sapak nila Tito Westell at Kuya Lodi ayoko ng madagdagan pa baka sa morgue ma ang sunod ko pagdagdagan pa
-------
kinaumgahan masaya ang pagkagising ko sinabihan ko si Trisha na mag patugtug ng kanta ng Incøre
"Ang ganda talaga ng boses ng Baby Wonnie ko"saad ko habang magbibihis
wala kasi si Kuya Lodi sa BS (Basketball Room) nakita kong nakikipag harutan dun sa anak ni Tatay Isdro
kahit masakit pa ang katawan ko gusto ko parin magbasketball nakasanayan ko na kasi kaso wala si Kuya Lodi kaya naligo nalang ako
biglang napatay ang music sa saktong part pa talaga ni Baby Wonnie ko!!!
"Trisha bad trip ka naman eh pinatay mo yung music dun pa talaga sa part ni Baby Wonnie ko!!!!!" pagalit na sigaw ko kay Trisha
ang ganda ganda ng mood ko sinira nya pa
"Paumanhin Prinsipe Dhrain ngunit pinapatawag na kayo ni Reyna Lythery upang kumain" saad ni Trisha the robot
ngumuso nalang lamang ako at padabog na lumabas
"Bwesit ka Trisha" pabulong na ani ko
"Dinig ko iyon Prinsipe Dhrain" saad ni Trisha
bigla akong nagulat pagkasabi nya ng ganon akalain mo yun kahit makinarya lang si Trisha eh pati pagbulong ko nadidinig nya rin pwede na syang maging marites
(A/N: Naghahanap ako ng composer ng song para sa kanta ng Incøre pero habang wala pa ako mahanap na kanta eh di muna ako maglalagay ng kanta I want to create song's din para dito Hope you understand)
hindi na ako nagsalita pa at nagtungo nalang sa ibaba paika ika parin akong naglakad
buti nalang walang tao sa taas ayokong makita nilang ganito ako habang naglalakad ako biglang bumukas ang pinto laking gulat ko sa nakita ko
si Baby Wonnie ngayon nasa harapan ko
hindi ako makatingin sakanya ng direstso baka sabihan nya naman ako ng p*****t Maniac Stalker
nag-iwas tingin nalang ako sakanya saka nagpatuloy na naglakad ramdam ko na pinapanood nya ako inayos ko ang pag-lakad ko hindi makahalata na hindi ako tulid mag-lakad binilisan ko na agad para maka-alis na
namumula ata ang pisnge ko grabe ang pagtibok ng puso ko yung dating napapanood ko lang sa tv ngayon kasama ko na sa bahay at araw-araw kaming magkikita
gusto kong humingi ng tawad sa kanya sa ginawa kong pagpasok dun pero alam kong hindi pa ito ang tamang panahon para dito alam kong mapapatawad nya din ako pag maging malinaw na ang lahat
hindi ko kayang pagnasaan ang isang babae mas lalo na kung gusto ko ito ayokong madingisan ang pagka-lalaki ko pag nagkataon
Nakita ko sila Tito Westell at Tita Idol nasa hapag hindi ko pa nakikita si Kuya Lodi baka hindi pa sya natapos kakaharot sa anak ng trabahador
"Good morning Dhrain" Bati nila Tita Idol sakin
"Morning din po sainyo" nakangiting ani ko sa kanila
"How are you Hijo?" tanong sakin ni Tita Idol
"Ayos naman ho ako masakit lang kunti ang katawan ko dahil sa nangyari" ani ko sakanya tinignan na naman nya ng masama si Tito Westell habang si Tito Westell nag kibit balikat na lamang
"Sorry talaga Hijo my husband just overprotective to my precious daughter that's why they acting like that but I hope don't scared at them" paumahin sakin ni Tita Idol
"Eh Tita Idol hindi naman sila zombie para katakutan ko po at saka naintindihan ko naman po kong bakit nila nagawa yun wag na po kayong mag sorry naintindihan ko po" sagot ko lamang rito
totoo naman talaga hindi ako takot sa kanila kasi hindi naman sila zombie para katakutan ko
natawa naman si Tita sa sinabi ko
"Ohh Dhrain your back again" natatawang ani nya "Honey you must look zombie first, Dhrain will scared of you" pagbibiro nya kay Tito Westell ngumuso lamang si Tito dahil sa kaka asar sakanya ni Tita Lodi
nakaunay nakarating narin si Kuya Lodi halatang bad trip
saka umupo banda sakin
"Kaaga-aga bad trip agad akala ko nakipagharutan toh sa anak ng trabahador" pabulong na ani ko
sinamaan naman ako ng tingin ni Kuya Lodi parang gusto nya akong sakalin sa kakatitig nya sakin
ano na naman ba ang nangyari sakanya? tinopak na naman ba toh? o kinulang sa lambing ng anak ng trabahador nila kaya sya ganyan sakin at saakin nya binaling ang galit nya
hindi ako punching bag para bugbugin nya ulit sapat na sakin ang isang beses nya akong binugbog kung maulit pa iyon baka makakatikim na talaga sya sa ak-- ay este kay Dhary total hambog yung tomboy na yun mahilig sa away buti nalang talaga hindi nagagasgas ang mukha
lahat nang bubully sakin sya ang remeresbak kaya walang nagtakang awayin ako ikaw na naman makalaban ang black belter sa Taekwondo siguradong bugbug ka talaga kaya sakanya ko nalang ipapabugbug si Kuya Lodi hindi lang bugbug ang aabutin nya kundi bali sa buto kong maghaharap man silang dalawa
biglang tumawa nalang sila Tita at Tito sa naging sitwasyon namin ni Kuya Lodi
bakit sila tumatawa eh halatang bad trip na yang yung anak tas tinatawanan pa halata atang basted si Kuya Lodi sa anak ng trabahador nila
tinapik tapik ko ang balikat ni Kuya Lodi alam ko sa oras na ito kailangan nya ng karamay dahil sa sakit na nadarama nya bilang bayaw nya ay este tagahanga niya nandito ako ang dadamay sa sakit ng nadarama nya kagaya nalang sa nakikita ko sa tv
baka pogi points ko na rin toh kay baby Wonnie ko pag nakita nyang dinadamayan ko ang kuya nya kinikilig naman ako sa reaction nya pag nakita nya ako ganon sa kuya nya
kaya tinapik tapik ko si Kuya Lodi kasi ito rin nakikita ko sa tv na panay tapik tapik ng balikat ng kaibigan nila sa bida para damayan sila tas mabibigay ng mga payo pero wala akong alam ng mga payo na nararapat sa ganyan
ah bahala na kailangam ko lang mapagaan ang loob ni Kuya Lodi
"Ayos lang yan Kuya Lodi basted ka man ngayon pwede mo naman sya landiin bukas sa susunod o sa makalawa basta tandaan mo pag wala pang asawa may pag-asa kapa basta landiin mo lang with pagmamahal para maramdaman nya rin na mahal mo sya" pabulong na ani ko rito
"Mas mabuti pang hindi ka bumulong kong madidinig din naman namin" dinig kong sabi ng kararating lang
alam ko kung kaninong boses ko biglang tumibok ang puso ko parang gusto na nilang kumawala grabe ang kaba ko ng naramdaman ko syang umupo paharap sakin hindi ako maka tingin sa kanya ng maayos dahil sa kahihiyan at sa kaba na nararamdaman ko ngayon
"Good morning Mom, Dad you too Kuya" bati nya sa pamilya nya
nag-hintay ka pa talagang batiin ka Dhrain eh halos isumpa ka nya gamit yung mga paghahampas nya sayo
"Morning too our Princess" bati naman pabalik sa kanya nila Tito at Tita
"Tss" tanging tungon lang ni Kuya Lodi
"What's why your bad mood binasted ka pala ni Eindell, Westly?" pabirong ani ni Tito Westell sa anak nito
siniko sya ni Tita Idol senyas na tumigil na ito sa kaka tukso sa anak at kumain na lamang
hindi ako nag-salita habang kumakain panay 'Opo' at 'Po' lang mga tinugon ko nahihiya ako pagkatapos nilang patuluyin ako eh ganon pa ginanti ko
baka tingin nila pinag samantalahan ko talaga ang anak nila
"Pagkatapos nyo dito Dhrain at Wonnie sumama kayo sakin sa opisina ko" seryosong saad ni Tito Westly samin "May pag-uusapan tayong importante at ikaw naman Westell" pukaw atensyon nya sa anak nya "Anak nakakahiya ka basted ka agad kawawa ka naman" sinamaan lamang sya ng tingin ng anak nya
"Kawawa ka naman Kuya binasted ng ni Eindell knowing there's a lot of pretty girl's out there na nagkakandarapa sayo but Eindell lang pala nagpabagsak sayo kakahiya sa legacy ng Collin kuya" sabat naman ni Wonnie sa kuya nya
"Pati ba naman ikaw Wonnie your bullying me again? arghhhh STOP IT, Let me know you hindi ako binasted and I will be never be" naiinis na ani nya saka umalis
"Pikon" saad ni Wonnie na kinatawa naman nila
"Sus nag mana talaga yang anak mo sayo your bully" sabat ni Tita Idol sa asawa nya
"Hon hi---"
"Ewan ko sayo diyan ka na nga" sabi ni Tita Idol saka tinalikuran na kami hinabol naman sya ni Tito
"Hey Honey wait for me look I'm sorry" sigaw ni Tito "maiwan ko na kayo tinopak na naman kasi ang honey ko" paalam nya samin
"I hear it WESTELL!!!" sabi ni Tita
"s**t sige iwan ko na kayo baka sa labas na naman ako matutulog nito" agad syang mabilis na umalis at sinundan si Tita Idol
ang sweet nilang tignan napa ngiti nalang ako habang pinag mamasdan sila na miss ko tuloy ang magulang ko ganyan din sila mag lambingan na may kasamang trashtukan
kamusta na kaya sila? at kamusta na rin ang tv ko? pati narin mga poster ko? tinapon na ba lahat ni Mama?
"Ehem" pukaw atensyon ng isang natira sa hapag
akala ko ako nalang naiwang natira dito pero nandito pa pala si Wonnie
"So your staying here huh?" malamig nya ani sakin halatang galit parin toh sa nagawa ko
"It seem that your close to my parent and my kuya too?" dugtong nya pa
naka kunot ang nuo ko hindi ko maintindihan ang sinabi nya maliban sa engles ito mabilis din syang mag-salita kaya mas lalong hindi ko maintindihan lumalabas sa kanyang bibig ang alam ko lang may halong galit ang tinig nya habang nagsasalita ito sakin
"Huh?" tanging tugon ko lamang dito kahit nakakahiya man hindi ko talaga sya maintindihan
"Tss" dinig ko sakanya saka uminom ng tubig at umalis na
ako nalang nag-natira sa hapag pero may mga pagkain pa na natira lalo na ang mga paborito kong pagkain
tumingin ako sa kaliwa at kanan ko para siguradong wala ng tao wala naman akong nakita kaya niratratan ko na ang pagkain kahit man mabuluan ako ayos lang wala naman makakita sakin na ganito ako kumain
hindi kasi ako makakain ng maayos kanina lalo na nasa harapan ko si Wonnie baka isipin nyang patay gutom ako matapos kong pumasok sa tree house nya eh ganon na ako umasta sakanya
kaya kaunti lang kinain ko sinadya ko talagang mag paiwan para makakain ako ng maayos
kain lang ako ng kain halos puno na ata ang bibig ko sa sobrang daming ilaklak ko na pagkain
"Wala naman makakita sakin kaya chibog kalang Dhrain" sabi ko sa isipan ko habang patuloy lang akong kumain
sayang din kasi may natira pang pagkain
habang patuloy akong kumain biglang may tumunog galing sa mesa at napagtanto ko na cellphone yun alam ko kung kanino iyon kasi nasa harapan ko sya pumwesto kanina
bigla akong binaliokan dahil sa kaba nadinig ko ang ring tone
napahawak ako sa dibdib ko nahihirapan akong huminga dahil nabilaokan ako nahihirapan din akong tumayo para kumuha ng tubig
salamat na lamang may dumating na tao upang bigyan ako ng tubig
dali-dali ko itong kinuha at ininom nakahinga ako ng maluwag napa ubo ako pagkatapos
"Salamat po sa tubig" ani ko habang hinihimas himas ang aking dibdib
laking salamat ko talaga dito dahil niligtas nya ako sa bingit ng kamatayan
saka sya may kinuha at umalis hindi ko nakita ang mukha nito dahil wala akong oras tignan ito alam ko lang ay gusto kong mag-inom pa ng tubig upang mahimasmasan ako
nang naayos na ako agad kong hinanap ang cellphone na naiwan dun at ipabigay ko nalang kay Tita Idol o ibibigay ko nalang mamaya pag nagkita kami sa opisina ni Tito Westell
hinanap ko ito sa lamesa ngunit hindi ko mahanap kaya niligpit ko ang mga gamit sa hapag at nilinis narin para madali ko lang mahanap ngunit hindi ko parin mahanap
"Oh prinsipe Dhrain anong ginagawa nyo bat kayo naglilinis nyan" saad sakin ni Manang Lorna
napakamot nalang ako ng ulo
"Kasi po Manang Lorie may tumunog na cellphone dito kanina sigurado po akong kay Wonnie kaso hindi ko mahanap balak ko sanang ibalik sa kanya"
"Hay nakong bata ka ako na riyan pinapatawag kana sa opisina ni Haring Westell at may pag-uusapan daw kayo nandun narin si Princesa Wonnie at ang ina nito" sabi ni Manang Lorie at kinuha ang pang linis sakin at tinaboy ako para makapunta na sa opisina ni Tito Westell
sabi ko sakanya na ako na ang tatapos ngunit sabi nya wag na daw akong makulit kasi kanina pa ako hinihintay nila hindi na rin ako nag pumilit at nag tungo na lamang sa opisina ni Tito Westell
'ano kayang pag-uusapan namin? bakit ata kaming apat lang? at hindi kasama si Kuya Lodi? baka ampon si Kuya Lodi kaya hindi sya sinama nila Tito at hinahanap na ito ng pamilya nya tas ayaw nila Tito na ipaalam ito kay Kuya Lodi baka kamuhian sya nito' saad ko sa aking sarili
naawa ako kay Kuya Lodi pero kailangan kong magpatatag kahit binugbog ako dadamayan ko sya
basted na nga sya tas ngayon ampon sya "Kawawang nilalang "saad ko
matapos ang mga pagmumuni ko kong ano talaga ang nangyari nasa tapat na pala ako sa opisina ni Tito Westell
nandun narin sila Tita at Wonnie naka upo parang seryoso silang lahat parang napanood ko rin sa tv yung the Quite place parang walang gustong mag salita at halatang ako nalang ang hinihintay nila
'Kung ano man ang pag-uusapan namin bahala kana Lord basta akin lang si Baby Wonnie'
_______
A/N: like I said mag ttry akong gumawa ng kanta para sa song ng Incøre although I'm not too pro making a song but I'll try my best to make wonderful song that fits for them
and You guy's a composer and want to share it and your song can be part of Incøre song pwede nyong I send sakin tignan ko lang kung mababagay ba sya sa story na toh
thank you for reading although my grammar is not that good but I'm still improving It so bear with me lab'ya