Nag ring na naman ang alarm clock kaya napahulog ako sa kama sa sobrang pagkagulat agad kong pinatay ito at saka tinignan muna si Baby Wonnie ko at binati "Good morning baby Wonnie ko" sabay halik sa picture nya
kinusot-kusot ko ang aking mata at saka nag tungo sa banyo upang makapag ayos ng aking sarili pag katapos ko bigla akong humiga sa kama kasi ramdam parin ang antok saka kinuha ko ang cellphone ko at napagtanto ko marami akong chat at missed call
100+ texts at 55 calls galing kay Utol
may mga text na galing sa iba na hindi ko kilala may yung iba galing kaila Mama At Papa
From:Utol
Utol ang yabang natin ah bilib din ako sayo eh noh
huh? pano ako naging mayabang may topak ata tong si Utol
From: Utol
bigyan moko ng picture ni Ys'she ha wag kang madamot Utol diba Utol tayong dalwa?
na ano na naman tong si Utol parang tanga ako nga dapat manghingi ng picture nila kasi di ako nakapunta ng concert nila
di ko nalang binasa ang ibang message nya kasi ang dami puro lang sana all parang timang binasa ko naman ang text ni Mama
Mama:
Hoy Dhrain anak buhay kapa kung buhay kapa hala congrats wag kang sakit sa ulo kung ayaw mong masampal ng sampung bilyon at sisirain ko talagang Tv mong bata ka
Text ni Mama sakin grabe hindi nya ako kinamusta kong ok lang ako?
Ako:
Oo naman Ma buhay pa humihinga para kay Baby Wonnie ko atsaka hindi po ako naging pasaway dito Ma wag nyo pong sirain Tv ko yan lang ang kaligayahan ko
text ko kay Mama
bigla kong binuksan ang social media ko at nabigla ako sa bumungad sakin ang daming notification at mention tags yung followers ko dumami masyado kasi follower ko lang kasi isa si Utol lang
tinignan ko ang mga notification ko nabigla ako sa nakita ko
@WON_Nie reply to your comment
parang huminto ang mundo ko at nag sink in sakin ang nabasa ko sa notification
@WON_Nie reply to your comment
@WON_Nie reply to your comment
@WON_Nie reply to your comment
hindi ko alam anong gagawin ko pers tym in mah layp nag reply ng comment si Baby Wonnie sa akin pa talaga wahhh
ako na ata ang pinakaswerte sa araw na ito dahil ngayong araw pinansin na din ako ni Baby Wonnie ko yes
oo parang bakla pero tumalon talon ako at nagpagulong gulong sa kama hindi parin ako makapaniwala na nag reply sakin si Baby Wonnie
kinakabahan akong pindutin ang reply nya dinahan dahan ko muna ito at saka pinindut habang sabay pikit ng mata ko
pagdilat ko iba pala ang napindot ko yun pala
'piste bat ka kasi nagpikit pikit pa yan tuloy namali yung pagpindot'
biglang nag hang yung account ko hindi ko na ma open dahil na bwesit ako bigla kong natapon ako cellphone ko
"Bwesit kang cellphone ka pano ko makikita ang reply ni Baby Wonnie ko?" galit kong sigaw kasabay ng pagtapon ng cellphone ko
napagtanto ko nalang na dapat hindi ko yun tinapon kasi wala na akong cellphone pangbili ng ganon kahit luma luma na yun. napapagtyagaan pa naman
"Saan ako bibili ng cellphone nito lagot na naman ako nito kay Mama"
nabasa ko kasi sa isang text nya na tatawag sya sakin ngayon pero nasira ang cellphone ko patay talaga ako nito
Mama: Dhrain anak tatawag ako sayo pag ito na naman hindi mo sinagot kawawa talaga tong inaalagaan mong tv at mga poster ng jowa mong carton
ang text nya pag hindi ko sinagot baka babagyuhin ang kwarto ko sa bahay anong gagawin ko? saan ako kukuha ng cellphone ngayon?
para akong tanga nag rerepair ng cellphone kahit hindi ko alam kong pano gawin toh bigla kong naalala may cellphone pala akong keypad alam kong dala dala ko yun kasi yun ang pers phone ko agad ko itong kinuha at hindi nga ako nagkamali nadala ko nga talaga agad kong kinuha ang sim ko at nilagay yun sa keypad ko dali dali kong eh nopen baka biglang tumawag si Mama tinignan ko agad kong may missed call ba pero laking salamat ko wala naman akong nakitang missed call
namiss ko rin tong gamitin ang cellphone nato bigla kong hinanap ang games saka nag laro snake at ball ang laro sa cellphone na to syempre ako ang highest score nag pupustahan kami ni Utol palakihan ng score sa snake pagnanalo manglilibre ng fishball eh parati akong talo nun kaya isang linggo ako hindi masyadong natulog para ipractice ang sarili ko para manalo lang sa laro ng snake
flashback....
"Utol pano ba yan talo ka na naman kawawa libre moko fishball" sabi ni Utol kasi talo na naman ako sa laro namin sa keypad naming cellphone
parati na lang akong talo ang galing kasing maglaro ni Utol sa ganito walang makakatalo sa kanya pagdating sa snake
wala akong magawa eh yun ang pustahan naming dalawa
sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong matalo si Utol ubos na ang lahat ng baon ko para lang malibre sya sa laro namin na snake sa cellphone naming keypad na nokia
Nagmukmuk ako sa loob ng kwarto na nag laro ng snake sa loob hanggat umabot na ng umaga hindi parin ako natapos gusto ko ako ang MVP sa laro namin na snake dinig kong tinawag na ako nila Mama ngunit hindi ko ito pinansin
biglang pumasok sa loob si Mama dahil sa inis kanina pa kasi sya tumatawag tas ako naka focus lang sa cellphone ko hinihintay na mataas ang score ko pag pasok ni mama agad kong tinago ang cellphone ko atsaka at panggap na tulog
"Dhrain ano kabang bata ka gusto mo atang umapakan kita para lumabas ka dyan"sabi ni Mama
"Uhmmm" unggol ko saka unat ng katawan ko saka ko kinusot-kusot ang mata ko "Mama good morning" nanghihina na ani ko
"Ano kaba Dhrain kanina pa kita tinatawag ha! bat ngayon kalang nagising bata ka" pasigaw na ani ni Mama
grabe naman tong si Mama ang ingay talaga
"Masama ang pakiramdam ko Ma baka hindi ata ako makapasok ngayon araw *cough" pagkukunwari ko na ubo bigla akong hinawakan ni Mama At kinapa kapa
baka malaman ni Mama na nagsisinungaling ako buti nalang pumunta agad si Papa
"Mahal una na ako sa trabaho" sabi ni Papa kay Mama sabay kiss nito sakanya "At ikaw Dhrain may sakit ka anak magpahinga ka nalang muna" saad ni Papa
napangiti naman ako sa sinabi ni Papa yes successful ang papanggap ko buti nalang talaga pumunta si Papa baka mawala agad ang tv ko pag nagkataon
balak ko talagang hindi pumasok sa eskwela para lang mapagpractice lang paano ko mapataas ang score ko sa snake kailangan kong galingan iniisip ko parati ang mga libreng fishball ko yun ang inspiration ko dati upang galingan hanggang umabot ako hanggang isang linggo nasa kwarto lang ako mugto ang mata dahil sa kakapuyat alam kong handa na ako para kalabanin si Utol
maaga akong nagising para putahan si Utol bawat lakad ko iniisip ko ang pagkain nya ng fishball habang tinawaan nya ako parati akong talo
"Kawawa ka Utol libre ka na naman"
"Pano ba yan Utol ako na naman panalo bilhan mo na ako fishball"
parating nagpaulit ulit sa isipan ko habang papalapit sa bahay nila
"Ohh Dhrain kamusta na? ang aga mo atang bata ka alas singko palang ha" sabi ni Tita Nisha
"Ah-Eh Tita nais ko po sanang makita si Utol eh may itatanong lang po ako" saad ko kay Tita
"Nakong bata ka pwede naman mamaya na yan ang aga aga nako jusme" sabi ni Tita na iistress na sakin
"HINDI PWEDE" napasigaw na ani ko na kinalaki ng mata ni Tita "Ang sabi ko po hindi pwede mamaya Tita ngayon na po masyadong importante ngayon ko na sya tanongin hehe" nauutal na ani ko
"Oh sya tawagin ko na muna ang anak ko"sabi ni Tita Nisha tumango naman ako at nagtungo na sya kay Utol para labasin ako sa bahay nila
isang linggo akong nag practice para dito sana naman manalo na ako ngayon saka ako ngumisi
"Lintek naman toh Utol oh gusto ko pang natulog ano ba kasi tinatanong mo bat kailangan ganito ka aga" reklamo nya sakin habang ang mga mata ay nakapikit
"tchh Utol laro tayo ngayon ng snake sa cellphone tas ang matatalo manglilibre ng fishball at may 3 wishes parang si aladin lang" sabi ko
"GRABE UTOL GINISING MO LANG AKO PARA MAG YAYA MAG LARO NYAN SINIRA MO ANG TULOG KO BWESIT KA" pagrereklamo nya halata ngang galit sya kasi parang namumula ang mukha nya or baka kinikilig sya dahil nakita nya ako hindi kami talo hindi ko sya gusto ata nya ako pinag hampas ng kanyang kamay napa aray ako sa sakit
"Ano ba maglalaro ba tayo o hahampasin mo lang ako?" tanong ko kay Utol
"Weyt kalang dyan kukunin ko muna cellphone ni Mama" sabi nya saka tumungo sa kanyang ina para kunin ang cellphone para makapaglaro na kami walang cellphone si Utol ako naman may cellphone binigyan kasi ako ni Papa pero dapat sekret daw muna namin yun kaya patago akong nag ccellphone para Hindi kunin ni mama
maya maya dumating na si Utol dala ang cellphone ng Mama nya nag simula na kaming naglaro ang rules ng laro isa lang laruan pataas ng snake pagnatalo sya ang manglilibre at gusto nya kasi yun kasi gusto nya ng makabalik sa pagkatulog nya
nasa kaligtanaan palang kami ng laro lumalaki na ang snake ko pero sakanya maliit pa masaya ako syempre sa wakas matatalo ko na sya panay tingin ko sa score nya nakalimutan ko ng tignan ang akin muntik na pala akong matalo buti nalang naagapan ko
alam namin kong kailan mamatay ang snake namin gamit ang sound kaya pinapalakas namin ang volume ng cellphone namin para malaman namin kung sino ang maunang tumaya
medyo lumalaki na rin ang snake ni Utol pero mas malaki akin mas malaki mas mahirap makipot na ang daan mahirap makagalaw kaya kailangan kong mag ingat para manalo ako
pero bigla kong nakain ang katawan ng sarili kong snake at ibig sabihin TALO AKO SA LARO NAMIN NI UTOL!!!! TALO ULIT AKO!!!! para gusto kong umiyak sa inis isang linggo ko tong pinapractice tas TALO LANG AKO?!
"Pano ba yan Utol libre moko ng Fishball at may three wishes pa akong kasali wahahaha" parang nagpapainis pa sya sakin " pano ba yan Utol MAMAYA ANG FISHBALL KO HA MATUTULOG NA AKO MAGANDANG UMAGA NGA PALA" dugtong nya na may pang aasar sakin
ako naiwang tulala at hindi makagalaw sa nangyaring laro namin ni Utol
End of flashback.....
magaling talaga si Utol sa pagdating ng paglalaro kaya parati yang MVP sa online games walang makakatalo sa kanya kahit nga sa snake nga na laro eh hindi ko pa sya natalo ganyan sya kagaling sa larangan ng laro sa cellphone
pero hindi ko napagkaila na isang linggo akong nagppractice para lang matalo sya pero lahat lang yun ay nasayang dahil napakagaling nya walang duda sya nga talaga ang idol ng lahat pag dating sa online games pero hindi pa rin sya number one sa puso ni Baby Wonnie ko kasi AKIN LANG SYA!!!
kaya simula ng araw na yun tinanggap ko na lang na natalo nya ako kaysa naman mag pa libre sya ng fishball ubos lahat bg baon ko halos lahat kasi ng baon ko kinain nya na ng fishball pero ang three wishes nya sakin hindi nya pa nagamit baka makalimutan na rin yun kalaonan
namiss kong maglaro ng snake sa keypad ko kaya naglaro na lamang ako pero muntik na sana akong maka highest score na beat ko na yung dating highest score ko biglang may tumawag sakin
Utol calling.......
'akalain mo yun kakaisip ko lang sakanya tas bigla syang tumawag sakin'
agad ko naman itong sinagot pero akmang sasagutin ko na sana biglang tumawag si Mama kaya si Mama ang inuna ko baka sampalin nya pa ako ng sampung bilyong sampal ayaw kung mangyari yun baka mamula ang pisnge ko nasinasabi sa tv na kinikilig daw pag namumula ang pisnge imbis na namamaga dahil sa sakit
{He.....} di ko pa natapos ang salita ko biglang nagsalita agad si Mama
{DHRAIN BAT ANG TAGAL MONG SAGUTIN ANG TAWAG KO!!?} sigaw na saad ni Mama
kakatawag nya palang nga sinagot na agad akong sinabi nya na hindi ko sinagot na ano na ba tong si Mama
{Ma sinagot ko naman agad kung hindi ko sinagot edi sana hindi tayo mag kau----}
{Ay aba't naninimilosopo kana DHRAIN} diininan nya pa ang pangalan ko
patay baka galit na talaga si Mama sakin hindi ko naman matagal na sinagot mabuti na nga sya sinagot ko kahit si Utol ang na una eh hmpppp
{How are you Dhrain? ok kalang ba dyan anak ko? nakakain kaba ng maayos? inaalipusta kaba nila anak? ano Dhrain answer me} saad ni papa kinuha nya pala nya ang cellphone kay Mama {Ano kaba ha nahihibang kana ba do you think they will do that to Dhrain beside I trust them they will never put Dhrain in that situation if they do that I will be make them pay kaya Mahal don't think too much give me the phone} sabi ni Mama sa kabilang linya
biglang may lumabas na dugo sa ilong ko mah nose is bleeding bleeding grabe maka engles si Mama hindi ko maintindihan dapat dinahan dahan nya ang pag engles para maintindihan ko
{Dhrain na ngangamusta lang ako kung buhay kapa total sumagot ka naman sa tawag ko ok na sige matutulog na kami ng Papa mo gabi na wag kang mapupyat at wag kang pasaway kong ayaw mong masampal kita at pati mga poster at tv mo ihambalos ko sa pagmumukha mo sige bye} saka nya ako binabaan
grabe naman si Mama pati ba naman tv at poster ko ipaghahambalos sa mukha ko parang hindi nya na ko lab tas tinawagan nya pa ako para malaman lang talagang buhay ako nag text na nga ako eh gusto ata maka siguro
pero namiss ko rin ang boses ni Mama sya lang kasi alarm clock ko tuwing umaga tas papalinisin nya na kami ni Dhory ng bahay buti nalang nakaalis na din ako dun hindi na ako mag lilinis ng bahay yehey
Nanood ako ulit ng tv hangang tinamaan ang ng antok kaya agad akong nakatulog
Kina umagahan dating gawi ulit ako pumunta ulit ako sa basketball room upang mag laro dun sakto nadatnan ko nandun si Kuya Lodi naglalaro mag-isa pero kahit Lodi ko sya ayaw ko parin magiging sa kanya si Baby Wonnie ko KASI NGA AKIN LANG SI BABY WONNIE KO
Agad akong lumapit sakanya gusto kong makipaglaro ng basketball sakanya sa marami akong natutunan sakanya kasi tinuturuan nya ako mabait naman sya pero parang may regla parating tuyuin at saka tinuruan nya lang naman ako kasi sabi ni Tita Idol na turuan nya ako wala naman syang magawa kundi sundi ang ina nya
tuwing umaga parati kaming naglalaro ng basketball parang work at tawag dun work hot ay tama work out pala tawag dun hayst bat kasi ganyan tawag hindi naman kami mag ttrabaho sa labas nag bbasketball naman kami sa bahay nila ahh parang tanga rin tong si Kuya Lodi minsan buti nalang Lodi ko sya
Pero di ko parin maalis sa isipan ko kung ano nga ba ang nireply ni Baby Wonnie ko baka nagsabi sya sakin na mahal nya ako? o kaya gusto nya akong pakasalan? o kaya gagawa kami ng maraming anak?
"Wahhh"napasigaw ako sa inisip ko bigla naman nagulat si Kuya Lodi sa sigaw ko
"What the heck why are you shouting the f**k" sabi nya habang hawak ang kanyang dibdib halata ngang nagulat sya
"Hehe senysa Kuya may naisip lang ako sorey" sabay peace sign ko sa kanya sabay kamot ko sa ulo ang isang kamay ko
nagsimula na kaming maglaro ni Kuya may sinabi sya na dapat kong alamin sa paglalaro ng basketball tas sinabihan nya rin ang ng mga technique para sa lalaro nito
marami akong natutunan sa laro namin ito pero ang nasa isip ko parin kung ano nga ba ang reply sakin ni Baby Wonnie ko
tinawag na kami ng mga para mag agahan puro pawis ako kaya nagbihis muna ako bago ako kumain ganon rin si Kuya Lodi
Napag-isipan kong tanongin si Trisha kasi alam kong electric sya tas ma aaccess nya ang mga system gusto kong malaman Kung ano ang reply ni Baby Wonnie
"Oiii Trisha" tawag ko rito
"Ano po ang pinaglilingkod ko sainyo prinsipe Dhrain"
"Bakit ka puro prinsipe Dhrain ha di naman prinsipe pangalan ko" saad ko rito lahat nalang kasi sila prinsipe o prince Dhrain tawag sakin
"Kasi po yun naman po talaga ang tawag sainyo lahat po ng mga panauhin sa bahay na ito ay tinatawag na ganon at saka mansyon ito ng mga Collin's at sinabi rin ni Haring Westell na lahat ng papasok rito ay tratuhin nyong maharlika kung kaya't inyong silang galangin at pangalagaan ngunit kong sila'y lagpas na sa kanilang ginagawa tawagin nyo ako at ako mismo ang magpapalayas sa kanila sa aking palasyo" sabi ni Trisha sakin
ahhh kaya pala panay prinsipe o prince Dhrain nila sakin kasi parang palasyo pala ito ng mga Collin's ang ganda naman pala dito tinuturing kang isang Prinsipe ngunit ang totoo naman ay hindi naman talaga pero kahit ganon naranasan ko kung pano maging isang prinsipe at madama ang buhay ng isang prinsipe yung pinagsisilbihan ka nila
grabe naman itong sila Tito at Tita pano kaya nila naisipan ang ganon pero para talaga itong palasyo ang bahay nila sa kagandahan kaya nga pag nakapasok sa bahay nila your imagination are coming true once you enter this house
"Grabe sinabi talaga toh ni Tito Westell ng naka tagalog lahat?" tanong ko kay Trisha nag tataka kasi ako parang hindi naman sanay yun mag tagalog kasi puro engles ata nandito sa bahay nila
nagtagalog naman sila pero may halong engles nga lang
"ginamit naman ni haring Westell ang wikang Engles ngunit isinalin ko lamang ito sa wikang Filipino upang iyong maunawan at batid kong hindi mo mauunawan kung mag salita ako ng engles" sabat nya naman sakin
Grabe mindset ni Trisha akalain mo yun alam nya agad na hindi ko sya maintindihan baka mind reader tong si Trisha pero grabe din yung tagalog nya ang lalim talaga pano kaya nya nagawa yun?
"Trisha kaya mo bang ma access yung account ko? nag reply kasi si Baby Wonnie ko sa comment ko pero sa inis ko natilapon ko ang cellphone ko"
"Dhrain hindi ko maaring ibigay ang iyong nais sapagkat may kasunduan kayo ni Prinsipe Westly na hindi kadapat makipagkita kay Wonnie"
pati rin yun alam nya grabe talaga bilib na ako sakanya may pagka marites din itong si Trisha alam lahat ganap ng buhay dito nasa masyon mas mabilis talaga makasagap kaysa marites samin ganito pala pag high-tech mabilis makasagap ng tsismis
pero ang kasunduan lang naman namin ay hindi makikipagkita sa Incøre wala naman syang sinabi na hindi pwedeng makikipag-usap
"Trisha nakikipag usap lang naman ako ha bawal ba yun at saka wala sa usapan namin na bawal ko syang makausap"
"Pasensya na nais ko mang sabihin sayo ngunit bawal talaga kung wala na kayong gagawin paalam na lamang at magandang umaga"
naiwan akong tulala sinisisi ko tuloy ang sarili ko bat ko ba kasi tinapon cellphone ko hayst? nakakainis!! agrhhh!!!!
End