DENVER POV Tinititigan ko lamang si Diane at nakita kong bumibili talaga siya ng tent para sa kanya. Mukhang papanindigan niya talaga na magbabakasyon siya kahit sa makitid na tent lamang ito magpapahinga. Tinulungan naman siya noong lalaking binilhan niya na ayusin ang kanyang tent. At pagkatapos ay pumasok na siya sa loob nio. Kung pwede ko lang sanang iwan ang babaeng ito rito ay kanina ko pa ginawa. Kaya nga lang, sinira ko na ang manibela ng aking sasakyan dahil sobrang nag init talaga ang ulo ko kanina. And I could not help myself. Sobrang disappointed lamang ako sa mga nangyari. Sa tingin ko nga ay meron pa naman silang bakanteng room kaya lamang ay pinagkaitan talaga nila ako. Sa kalagitnaan naman ng pag iisip ko ay bigla akong nakatanggap ng isang text message galing kay Dad.

