DIANE POV Napa pikit ako ng aking mga mata. Tila ay nanghina pa ang aking katawan sa isang halik na ibinigay niya sa akin. Walang hanggang sarap ang naramdaman ng katawan ko. Gusto ko sana siyang itulak papalayo ngunit masyadong masarap ang binibigay nitong halik sa aking bibig kaya hindi ako maka palag. Sa ilang beses na naghalikan kaming dalawa ni Denver, masasabi kong ito na marahil yung pinaka masarap na paglalapat ng aming mga labi. Bumalik na lamang ako sa realidad ng nasa loob na kaming dalawa ng tent. At magkatabi kaming dalawa habang sabay na nagkakape. Nakatingin sa magandang dagat sa aming harapan. Noon, never kong na appreciate ang ganitong view nang nasa probinsya pa ako. Subalit ngayon, halos tuwang tuwa ako na makita ang napaka kalmadong karagatan. It feels so relaxing

