"Tada!!! Oh diba? Ang ganda ano?"- Pagmamalaki ni Merly habang ipinakikita sa anak ang nabili niyang gamit para dito
"Bakit parang?"
"Parang?"
"Parang nakita ko na to!"
"Anong sinasabi mo? Wala ka ng makikitang ganitong klase ano ka ba? Kaya nga antique na eh!"
Nilapitan pa ni Tina ang salamin at hinimas may kung anong klaseng pakiramdam siyang naramdaman may kung anong kurot sa puso at samut saring damdamin ang ngayon ay nabubuhay sa kaniya
"Hoy! Anak? Hindi mo ba nagustuhan?"
"Po?"
"Kako hindi mo ba nagustuhan? Eh pagkaganda ganda eh! Kita mo na halatang mayaman ang nagmamay ari nito noon"
"Ma.. Maganda nga po!"
"Oh diba sabi sayo eh! Tignan mo ang loob ng kabinet kumpleto at matibay pa! Dito mo puwedeng ilagay yung mga bestida mo tapos dito naman sa banda dito yung mga tiklupin mo tapos oh dito naman sa banda dito yung mga make up mo! May lagayan pa dito ng alahas oh! Tapos dito naman! Ayy.. Teka bakit naka lock?"- Pilit pang binubuksan ni Merly ang isang bahagi ng drawer
"Hindi nyo po ba nahingi ang susi para dyan?"
"Naku... Hindi ko na namalayan anak eh! Di bale isa lang naman yang hindi mabuksan! Baka nakalimutan lang iopen nung nagbenta! Hayaan mo na yan madami pa namang drawer dito na bukas"
"Sige po Ma! Ako na po ang bahala ililipat ko lang po yung iba kong gamit"
"Ahh sige! At magluluto pa ako ng dinner natin! Sana pala di mo pinauwi kaagad si Lucy ng nakasabay naman sa atin sa hapunan!"
"Dadaan pa daw po kasi siya sa jowa nya Ma!"
"Ahh ganun ba? Mabuti pa yung kaibigan mo na yun ano may jowa eh ikaw ba nak?"
"Mama!"
"Sabi ko nga bababa na ako! Sige na!"
"Ok po!"
Isinara na ni Tina ang pinto ng kanyang kuwarto at muling hinarap ang salamin
"Bakit ganito ang pakiramdam ko sayo? Bakit parang matagal na kitang nakita?"
Muling umagaw sa kanyang pansin ang nakalock na maliit na drawer sa ibaba
"Anong meron dito? Bakit naka lock to? o-uhhhh.. Bumukas?"- Nagulat si Tina ng bigla niyang nahila ang drawer na kaninang naka lock at hirap na hirap buksan ng kanyang Mama.
"Weird!"- Sambit muli niya
Ngunit lubos na nakatawag pansin sa kanya ay ang nilalaman ng drawer na iyon, Mayroong papel kasi na ilang ulit na nakatupi, Kaya naman na curious siya at kinuha ito at tuluyang bulaklatin.
"Ano to?"
Lumang luma na ang papel at halos burado na rin ang ink na ginamit na panulat kaya di narin niya halos mabasa ang lahat ng nakasulat doon
"Ano mang balakid aking susuungin muli lamang?? Ha? Ano to? Mananatiling ikaw lamang? Burado na masyado di ko na makita! Masyado ng blurred yung tinta!"
Tila nadismaya pa si Tina na hindi niya lubos na mabasa ang nilalaman ng sulat
"Hihintayin kita!" - Muling pumukaw sa kanya ang tinig nung lalaking gumugulo sa kanyang panaginip kaya naman agad na tinupi niya ulit yung sulat at ibinalik kung saan niya ito kinuha.
"Nakakaasar ka na kung sino ka man! Bigla bigla kang nagsasalita magmumukha talaga akong sira ulo nito kapag may ibang taong nakaalam nito eh!" - Litanya pa ni Tina na animoy kaharap talaga niya ang lalaki
Muli niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin, Sa di niya mawari ay di niya napigilang pumatak ang luha sa kanyang mata
"Shocks! Ano to? Bakit ako umiiyak? Ano ba naman to! May hindi na talaga tama sa sarili ko nakakainis na!"
Tumayo siya at humakbang palayo sa kabinet at sa halip ay humiga sa kanyang higaan, Ilang saglit palang ay ipinikit na niya ang kanyang mata
"Handa ka bang iwan ang lahat para lamang sa akin? Gaano ka nakakasiguro na kaya mong harapin ang hirap na susuungin natin sakaling magsama tayo? Sigurado ka na ba talaga mahal ko? Hindi ko kayang ibigay ang luho na iyong nakasanayan simula pa noong ikaw ay isilang"
"Ha?"
"Celestina! Pakiusap! Maaaring pag-isipan mo muna ng paulit ulit mahal ko! Ayaw kong maging hadlang sa iyong kaligayahan!"
"Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan!"
"Paano ang iyong Papa? Batid mo na kanya tayong pipigilin hindi ba? Ngunit pangako ko sa iyo ano man ang iyong naiisin ito'y aking susundin"
"Maaari ko bang makita ang iyong mukha?"- Wala sa loob na sagot ni Tina sa kausap
"Mahal ko!"
Unti unting lumilinaw sa paningin ni Tina ang paligid at unti-unti ring rumerihistro sa kanya ang mukha ng lalaki
Namangha pa siya ng sa wakas malinaw na niyang nakikita ito meron itong napaka among mukha matangkad din ito at may magandang pangangatawan idagdag pa dito ang kanyang mapang akit na mga mata at ang kulay nitong moreno na nagpapalakas ng kanyang s*x appeal
"Oh my God! May ganitong lalaki pala talaga?"
"Ayos ka lang ba mahal ko?"
"Ha? Ahh... O.. Oo"
"Alam mo bang walang pagsidlan ng tuwa ang aking damdamin ngayong naririto ka sa aking tabi! Sana lamang ay matanggap na tayo ng iyong pamilya"
"Huwag kang mag-alala mahal ko! Naniniwala ako na darating ang panahon makikita nila na dalisay ang puso mo at ika'y may mabuting hangarin sa akin!"- Hindi alam ni Tina kung saan niya hinugot ang salitang iyon pero sure siya na sa bibig niya mismo nanggaling ang katagang iyon ngunit parang may sariling buhay ang kanyang katawan na kusang kumikilos at hindi niya makontrol ang kanyang sarili
"Hay! Kung sana'y lumaki akong tulad mo na may marangyang pamumuhay! Marahil mas naging madali ang lahat sa atin!"- Wika muli ng lalaki
"Huwag mong sabihin yan! Alam mong hindi basehan sa akin ang estado ng iyong pamumuhay hindi ba? Ikaw ang inibig ko at hindi ang kung ano mang yaman sa mundo"- Muling sagot ni Tina na muli ay hindi niya alam kung saan na naman niya kinuha? Pakiramdam niya ay may ibang tao ngayon sa kanyang katawan
"Señorita Celestina ang iyong Papa!"- Humahangos pang sabi ng isang babae
"Ano? Papaano niya tayong natunton dito? Maria?"- Sagot ulit ni Tina na hindi nya parin alam kung saan galing at bakit alam na alam niya ang isasagot
"Hindi ko po alam señorita! Pero galit na galit po siya marahil ay umabot sa kanya ang inyong napipintong pagtatanan ni Ginoong Sebastian!"
"Papaano? Gayong walang ibang taong nakakaalam ng aming pinaplano?"- Takang tanong din ng lalaki
"Sebastian! Mahal! Tiyak ako na hindi maiibigan ni Papa na madatnan tayong magkasama! Marahil hindi pa ito ang tamang oras! Ayaw kong ikay mapahamak!"
"Pero Celestina mahal ko!"
"Pakiusap kailangan muna nating maghiwalay pansamantala ayaw kong masaktan kang muli ng Papa! Nadudurog ang aking puso sa tuwing gagawin niya iyon sa iyo!"
"Alam mong kaya kong tiisin ang lahat para sa iyo!"
"Alam ko! Alam ko! Pero hindi ko kayang makitang pinahihirapan ka ni Papa!
"Celestina!"- Sigaw ng isang lalaking may edad na
"Papa!"
"Dakpin ninyo ang lalaking iyan!"- Muling sigaw ng lalaki
"Papa! Pakiusap! Huwag po!
"Don Roman! Parang awa na po ninyo tunay kaming nagmamahalan ng inyong anak"
"Tumahimik ka! Kailan may hindi ko matatanggap na sa isang basurang katulad mo lamang babagsak ang aking anak! Hindi ka karapat dapat sa kanya! Isa kang hampas lupa!"
"Papa! Pabayaan mo na kami! Parang awa mo na! Mahal ko si Sebastian!"
"Tumigil ka Celestina! Halika dito!"- Hinila ng lalaki si Celestina
"Don Roman huwag nyo pang saktan si Celestina!"
"Magtigil ka! Basura!" - Hinampas pa ng baston ng Don si Sebastian dahilan para mapaluhod ito
"Sebastian! Papa! Itigil mo yan!"- Sigaw ni Celestina
"Alam nyo na ang gagawin dyan!"- Singhal pa ng Don sa kanyang mga tauhan
"Makakaasa po kayo Don Roman siguradong magtatanda na ang mapangahas na lalaking ito!"- Agad na sinuntok ng lalaking maton ang mukha ni Sebastian na sinundan pa ng tatlo pang lalaki
"Sebastian! Hindi! Huwag! Itigili ninyo yan huwag ninyong sasaktan ang lalaking mahal ko! Sebastian! Papa nakikiusap ako!"- Puno na ng luha ang pisngi ng dalaga
"Tumahimik ka Celestina! Hinding hindi mo na siya makikitang muli"
"Celestina!"- Sigaw din ni Sebastian sa kabila ng bawat pananakit na ginagawa sa kanya ng mga tauhan ng Don.
"Sebastian! Sebastian!" - Punong puno ng pagtatangis ang gabing iyon ng dalaga
"Anak! Anak! Gising!"
"Sebastian!"- Sigaw pa ni Atheena
"Sinong Sebastian?"
"Mama?"- Biglang nagising sa pagkakatulog si Tina ngunit may luha parin ang kanyang mga mata
"Si Sebastian! Mama kilala ko na yung lalaki sa panaginip ko!"
"Ano?"
Yumakap pa si Tina sa kanyang ina
"Ayos ka lang ba?"
"Mama! Ipinakita sa akin ang nangyari sa kanilang dalawa ni Celestina!"
"Celestina? Sino naman yun?"
"Siya yung babaeng mahal na mahal ni Sebastian! Mama!"- Umiiyak paring tugon ni Tina
"Hay! Atheena! Tumahan ka na! Panaginip lang yun anak!"
"Pero Mama! Ramdam ko yung sakit sa puso ni Celestina! Yung lungkot at pagdurusa nilang dalawa!"
"Pero anong kailangan sayo ni Sebastian kung ganun?"
Kumalas sa pagkakayakap si Tina at napaisip din sa sinabi ng ina
"Hi.. Hindi ko rin po alam eh!"
Ipinunas pa ng ina ang likod ng kanyang palad sa pisngi ng anak para alisin ang kanyang luha
"Huwag mo ng intindihin yun! Sigurado ako wala lang yun! Tara na bumaba na tayo nakahanda na ang hapunan! Saglit lamang akong bumaba para magluto bigla ka namang nagkaganyan! Tara na anak bumaba na tayo!"
"Opo! Sige po! Mauna na po kayo susunod na po ako!"
"Hmm... Bilisan mo ha! Bumaba ka kaagad at baka lumamig ang pagkain"
"Opo!"
Ilang segundo pang tumunganga si Tina at pilit na pina process sa kanyang utak ang mga nasaksihan sa kanyang panaginip
"Alam kong totoong nangyari yun! Pero bakit ako? Bakit sa akin? Ano nga ba ang kailangan mo sa akin Sebastian? Nasaan si Celestina? Anong nangyari sa kanilang dalawa?"
Bigla pa siyang napatitig sa kanyang antigong kabinet at muli ay napukaw ang kanyang mga mata sa drawer kung saan niya natagpuan ang sulat, May kung anong nag udyok sa kanya na muling kunin ito at subukang basahin kaya naman mabilis siyang tumayo at tinungo iyon at ngayon nga ay hawak na niya ang sulat.
Ngayon ay napansin niya ang Letrang nakasulat sa ibaba
"SB? Anong ibig sabihin nito?"- Sambit pa niya bago muling buksan ang sulat
Nagulat pa siya dahil may biglang luminaw sa parte ng sulat
"Maging sa Langit man o sa ilalim ako ng lupa pakatatandaan mo sana na palaging ikaw at ikaw parin ang nasa puso ko! Ikaw lamang at wala ng iba pa! Naniniwala ako kung hindi man dito sa ating panahon ay muli tayong pagbubuklurin sa ibang panahon na kung saan malaya tayo at malayo sa mapanghusgang lipunan gayunpaman sa pagkakataong din iyon humihingi na ako ng paumanhin dahil nababatid ko na wala ka man sa ala-ala ko'y habang buhay kitang mamahalin sapagkat hindi man natin tuluyang maalala ang isat-isa ngunit hindi makakalimot kailanman ang ating puso na pinag-isa ng ating wagas na pag-ibig"
Hindi napigil ni Tina na pumatak ang kanyang luha, Parang ramdam niya ang sakit sa pinagdadaanan ng taong gumawa ng liham na iyon
"Grabe naman magmahal ang taong ito! Nakakainis naman hindi ko na naman mabasa ang iba! Tsaka bakit kanina malabo ito kaya di ko siya nabasa bakit ngayon biglang naging malinaw?"
Nadako pa sa may bandang ilalim ang kanyang tingin at doon ay nakita niya ang isa pang bahagi ng liham na tila ba kusang luminaw.
"Kung sakaling nakarating na sa iyo ang liham ko, Marahil ay wala na nga ako sa mundong ito pero palagi mo sanang maalala ang pagmamahal ko sa iyo"
Napatutop pa si Tina ng kanyang kamay sa kanyang bibig
"OMG... Don't tell me di naging happy ending? Siyet! Ang sakit lalo!"
"Atheena! Anak! Akala ko ba susunod ka na? Nakahanda na ang mesa!" - Sigaw pa ng kanyang ina mula sa ibaba
"Opo! Nariyan na po!"- Muli niyang ibinalik ang sulat sa lagayan nito at mabilis na pinunas ng kanyang kamay ang mga luhang muling pumatak dahil sa nabasa
"Bakit naman ang bigat sa dibdib? Yung panaginip ko kina Sebastian at Celestina! Tapos ngayon yung sulat sa drawer ng lumang kabinet na nabili ni Mama! Anong sign po ba to Lord?" Wika pa ni Tina habang bumababa ng hagdan
"Ang tagal mo! Oh siya! Eto na kumain na tayo!"- Aya pa ni Merly sa anak
"Opo"