"Daphne? Gusto mo bang sumabay samin sa pag-uwi?" Inangat ko ang ulo ko at tumingin kina Cristy. Walang gana akong umiling sa kanila. "Parang ang laki ng problema nito," si Sandra. "Sige na, mauna na kayo. Next time nalang," sabi ko. Hindi naman sila nagpumilit at umalis din. Palabas na sana ako ng building ng biglang tumunog ang cellphone ko. Isang text message kay Brix ang natanggap ko. Brix: I'm going to fetch you. Wait for me in the coffee shop. See you. Napangiti naman ako. Kanina pa kasi mukhang semana santa sa lungkot ang mukha ko dahil hindi niya ako nahatid kanina. Maaga kasi siyang umalis ng bahay kaya hindi ko na siya naabotan paggising ko. Ni replayan ko agad siya. Me: Okay see you. Mabilis na naglakad ako papuntang coffee shop. Ilang blocks lang ang layo nito sa Ez

