Chapter 55

2523 Words

Panay ang lingon sa akin ni Mishari habang nagba-byahe pabalik sa bahay ng lola niya. Hindi ko mawari kung bakit hindi na lang siya mag-focus sa pagmamaneho nito at isipin na lang na wala ako dito. Naiirita ako dahil hindi ako nagiging kumportable kapag nililingon niya ako. Hindi din niya ako makausap nang maayos simula kaninang umaga. Ewan ko ba kung ano ang biglaang dumapo sa akin ngayon. Kagabi naman ay maayos naman kaming dalawa at nag-uusap. Mabuti na nga lang at tapos na kaming maligo nang dumating 'yong naghatid ng pagkain namin. Nagulat ako at napalundag sa upuan nang humawak si Ari sa hita ko. Hindi direktang tumama ang palad niya sa balat ko, pero pakiramdam ko ay nakuryente ako. Agad din naman niya iyong inalis dahil siguro sa naging reaksiyon ko. Agad ko namang pinagsisihan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD